Chapter 7

1.1K 20 0
                                    

"Hayst! Pasinsiya kana Yam kong pinag-antay kita ng ganung katagal... paano ba kasi itong si Dad, ang bagal magmaneho!?" sabi nito pagkatapos akong halikan...

Agad niya naman akong tiningnan sa mata... na para bang... nagmamakaawang sakyan ko muna 'yung trip niya?! Ano ba 'yung nangyayari sa mundo?! Mamamatay na ba ako??! O di kaya'y nananaginip lang ako ngayon?!!

"Totoo bang Gf ka nitong anak ko iha?!" tanong ng Daddy ni Christian...

Hayst! Ano ba 'to?! Bahala na nga...

"Ahm, Opo! Gf niya nga po ako. Actually nga, kanina ko pa po talaga siya inaantay... may usapan kasi kami na magkikita kami ngayon eh?! Diba Christian?!.." sabi ko

"Ah... ganun bah?! Pasinsiya kana iha kung natagalan kami, kasi medyo traffic sa daan eh... BTW, introduce mo naman 'yung Gf mo sakin Christian?" sabi ng Daddy ni Christian

"Well... meet...Ahm---" 'di ko na siya pinatapos pa at ako na 'yung nag-introduce ng sarili ko

"Mitchie po Sir... Mitchie Dela Cuesta..." pagpapakilala ko sa aking sarili

"Well, nice to meet you Mitchie ( then we shake hands ) for now on, tito na 'yung itatawag mo sa akin... Tito Zach." sabi ni Tito Zach

"Sige po Tito Zach!" – Me

"Pasinsiya talaga Yam ah, kung natagalan ako... 'wag kang mag-alala... 'di na mauulit!" paghingi pa ng paumanhin sakin ni Christian...

"Well... hinding-hindi na talaga ito mauulit dahil pagkalabas ko ng mall, iisipin ko nalang talaga na hindi kita na-meet, hindi tayo nagkita, at hindi kita nahalikan!!!" sabi ng isip ko!

"Ok lang 'yun YAM... sanay naman ako na pinag-iintay!" diniinan ko talaga yung YAM niya, nakaka-UMAYam na kasi eh!

Hayst! Ba't kaya Yam 'yung tinatawag nya sakin??! Endearment ba namin 'yun??! Este nung Gf niya?! Ang baduy naman kung endearment nila 'yun?!!! Ang panget!

"Sige po Dad, una na po kami ng Gf ko." Pagpapaalam niya pa sa Daddy niya. Then, 'yung Dad niya naman agad na ding umalis. Kami naman, umalis na rin papuntang... RESTAURANT?!!

"Teka, ano gagawin natin dito?" pagtatakang tanong ko naman kay Christian?

"Siyempre kakain! Ano ba ginagawa ng mga tao sa restaurant???' pabalik niyang tanong sakin

"kumakain!" sagot ko naman sa kaniya

"Eh! Di kakain tayo?!" sigaw naman nito sakin!

Walanghiya! Oo nga no?! Bumubo ata ako dito... kainis naman! Napahiya tuloy ako?!!

"Ay KABAYO!!!" sigaw kong sabi... paano ba kasi, ginulat ako ng phone ko...

[ On The Phone! ]

Jea: Hoy?! Bes! Yung eggs asan na?!

Sigaw niya sa kabilang linya! Sakit sa tenga! Naiinis na ata 'yung dalawa sakin! Nandito pa kasi ako sa mall...

Me: Sorry... sorry... sorry... papunta naku diyan Bes! Nagkaproblema lang kasi dito sa Mall!

Explain ko sa kay Jea...

Jea: Bakit? Ano ba nangyayari diyan?

Pag-aalalang tanong naman nito sa akin...

Me: May nakapasok kasi na malaking unggoy dito sa Mall... sinusundan ako?!!

Jea: Pumunta kana dito baka isama kapa ng unggoy na 'yan sa kagubatan!

Me: Right away Boss!

Then... Jea end up the call. Akma na sana akong tatalikod ng hawakan ni Christian ang kamay ko!

"San ka pupunta?" tanong nito sa akin...

Grabe tong mokong na to ah?! Ano bang pakialam niya eh... 'di ko naman siya kaanu-ano??! Tsaka, tapos na 'yung Mall show namin...

"Ano ba pakialam mo?!" galit na tanong ko dito!

"Di mo ba ako tatanungin kong bakit ko ginawa 'yun?!" – Christian

"Hindi na! I'M NOT INTERESTED! Tsaka, may importanti pa 'kung lakad. Nakakasira kana ng araw?!" sabi ko at agad siyang tinalikuran...

Hayst! Kakainis!!! Walangya... sana nga talaga 'di nalang ako pumunta dito sa Mall?! Kung alam ko lang, kung alam ko lang na magkikita kami?!! Nakakabwisit!!!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon