Chapter 28:

304 5 0
                                    

Christian's POV:

"Jea!" tawag ni Mitchie dito. Nilapitan naman siya ng kaibigan ng makita siya nito.

"Mitch! Uy, buti nakarating kayo ng safe. Kamusta naman kayong dalawa?"

"Asu't-pusa." sagot ko.

"Tsk. Tumahimik ka nga." sabi ni Mitchie at inirapan ako. Kanina pa talaga to nananaray! Sungit din!

"Ba't magkahawak kayo ng kamay?" pag-iinterogate nito.

Oo nga no? Ba't sila nakaholding hands.

"Bro ba't kayo nakaholding hands?" tanong ko din.

Kaagad naman silang nagbitawan ng pagkakahawak ng tinitingnan namin ni Mitchie yung kamay nila.

"Ah---Eh by pair kasi yung Jogging namin, pero kung tutuusin FunRun na nga yun. Nasa mechanics kasi na dapat huwag mahiwalay sa paris kaya naghawak kamay na kami..." sagot ni Topher.

"Ahh." sabay naming sabi ni Mitchie.

"Si Zam nasaan?" tanong ni Mitchie.

"Kasama si Mike. Nauna kasi kami kaya di ko alam kung asan na siya." sabi naman ni Jea.

"Mitchie!"

"Zam!" at kaagad na nagyakapan. Ay! Makayakap sa isa't-isa akala mo isang taon ding di nagkita.

"Bro! Kamusta kayong dalawa?" biglang naitanong sakin ni Mike.

"Wala. Ang sungit ng babaeng yan." sabi ko.

"Eh kagabi? Wala din ba?"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan. Ang dumi mo Mike!" sabi ko.

"Huy wala akong ibigsabihin ha, tinatanong ko lang naman kung may progress kayo sa isa't-isa."

"Wala nga. Ang kulit mo din."

"Mike! Inalagaan mo ba tong Mitchie namin?" sigang tanong ni Zam sakin.

"Tsk. Ba't ko naman aalagaan yan? Di naman yan baby! Kaya nya na sarili nya nu?! Tsaka! Grabi yan paka---"

Hindi ko na napagpatulo'y ang sasabihin ko dahil kinover-up ni Mitchie yung bibig ko.

"Ang ibig niyang sabihin---grabi---grabi pakaingay. Oo!Ang ingay ko kasi nung magkasama kami! Parati kaming nagsisigawan, kasi alam mo na? Hindi magandang magsama ang Asu at Pusa..."

Grabi maka ninja moves tong babae na to. Bakit ayaw niyang malaman na grabi siya makapakal ng Jollibee. Hahaha hindi ba alam ng mga friends niya na parang baboy siyang kumain?! Hahaha... I have a plan. Sa wakas may pang blackmail na din ako sa kaniya.

"Eh kagabi. Kamusta naman kayo? Wala ka bang ginawa kay Mitchie?"

"Ako? Ako ba tinatanong mo Zam?"

"Oo ikaw! Sino pa ba?"

"Ba't naman? Ano namang gagawin ko dito ( sabay duro ng kamay kay Mitchie ) eh yung totoo nga niyan. Siya nga tong---!"

"ARAY!!!" sigaw ng aking utak. Langyang babaeng to, kinuro't ba naman ako sa tagiliran. Hayst! Makakaganti din ako dito. Humanda talaga tong pandak na to sakin!

"Zam. Nagugutom na ako. Kain muna tayo." pagyayayang sabi ni Mitchie.

"Ay tamang-tama. May inihanda sila ni Prof. Daming pagkain sa Hall. Hali na kayo! Jea hali kana." sabi ni Zam.

"hahaha. Ano bro? Okay ka lang? Nakita ko yun." pang-aasar na sabi ni Mike.

"Makakaganti din ako sa pandak na yun. Maghintay lang siya."

"Hahaha okay lang yan. Tara! Hali kana. Panigurado yung dalawang mukong nandun na yun. Basta pagkain, hindi yun nahuhuli!"

"Si Joseph at Johnny pa!" sabi naman ni Topher.

"Tara. Gutom nadin ako e."

Kaagad kaming nagtungo sa Convention Hall at tamang tama nga ang daming nakahandang pagkain. Wow! Nandito din yung paborito ko. "Spaghetti with chesse!" sabay naming sabi ni Mitchie.

"Oyy! Baka pag-awayan nyo na naman yan ah. Ang dami niyan. Subra-subra yan sa inyo." saway sa amin ni Zam.

Kaagad akong kumuha ng paborito kung pagkain at pinuno ko talaga yung pinggan ko. Bahala na. Gutom ako. Ganun din yung ginawa ni Mitchie. Tsk gaya-gaya talaga!

"Baboy!" bulong ko sa kaniya.

Tiningnan niya naman ako ng masama tsaka ako. " Aray!!!" sigaw ko. Nakuha ko naman ang atensiyon ng lahat dahilan para tumingin sila sa direksyon namin.

"Pagpasinsiyahan niyo na si Christian ah. Masakit lang talaga yung tiyan niya. Gutom na kasi." sabi ng pandak nato.

Langya naman. Sino bang hindi mapapasigaw. Eh bigla niya kung inapakan. Grrr! Kunti nalang talaga sasabog naku ! Hindi ko na to palalampasin pa sa susunod. Humanda tong pandak na to.

"Subukan mung asarin ulit ako! Hindi lang yan yung aabutin mo sakin!" sabi niya at sabay na umirap.

At ako pa talaga yung tinakut?! Kala mu kong sino?! Hindi naman maganda! Short height, short arm, short leg?! Tsk! Pandak nga talaga! Bagay sa kaniyang tawaging shorty! Hahaha tama! Shorty!

"Ok everyone! Enjoy your breakfast dahil mamaya may ipapakilala akong guest sa inyo. At mayroon siyang message sa inyong lahat na kapupulutan niyo ng aral. Pero sa ngayon kumain muna kayong lahat. At pagkatapos maligo na ang hindi pa nakakapaligo at maghanda na kayo." announce ni Dean samin.

Sino kaya yung guest namin? I wonder?! Pero kung sino man siya. Gutom ako, kaya kakain na muna ako. Bahala siya!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon