Chapter 27

298 6 4
                                    

Mitchie's POV:

Nararamdaman kong may humahagod ng balikat ko pero dahil sa gusto ko pang matulog... E di ko nalang pinansin at sa halip ay yumakap pa ng mahigpit sa yakap-yakap kong unan...??! ( not sure of it )

"Ahemmm..." rinig kong boses pero di ko pinansin.

"Ahemmm---Ahemm!" rinig ko ulit kaya napilitan akung imulat ang magaganda kung mga mata.

"Good morning!" sabi nito. Agad ko namang kinurap-kurap ang aking mga mata. "Nananaginip ata ako e..." biglang sabi ng aking isipan. Agad namang sumagi sa isipan ko ang nangyari kagabi dahilan para maiyuko ko ang ulo ko. "Tsk! Kasalanan niya to e! Yan tuloy... mukhang ako pa yung lumabas na manyak saming dalawa!" sabi ng aking isipan.

"Masarap atang tulog mo?" bigla niyang tanong.

"Ah---Eh---parang ganun na nga." sabi ko sabay fake smile.

Agad ko namang napansin yung sitwasyon namin dahil sa palipat-lipat na tingin niya mula sakin at sa katawan niya. "Oh---shakks Mitchie!!!" biglang sambit ng lutang kung utak. Grabi... ibig sabihin kayakap ko talaga sya buong magdamag?! Langya naman...

"Ay---So-sorry! Tsk! Sana'y kasi akong kayakap yung unan ko kapag natutulog..." bigla kong rasun. Baka kasi mamaya kung anu-anong isipin niya. Naku! Itaga sa bato, wala akong balak sa katawan niya! Promise!

"Ahemm---baka naman---" di ko na siya pinatapos pa at kaagad nakung tumakbo papuntang banyo. "Maliligo nako!! Kaylangan nating makaabut sa camp!!" sigaw ko sa kaniya. Hayst! Baka mamaya kun san pa mapunta yung usapan.

Wala na naman akong narinig mula sa kaniya kaya binilisan ko nalang ang pagligo ko.

Lumabas ako ng banyo ng nakatapis. Sa kakamadali ko kasi nakalimutan kong kumuha ng damit sa backpack ko.

"Ay! Kabayo!" bigla kong sigaw ng makita siyang nakatopless sa harapan ko. Tsk! Kahit kailan talaga-ang manyak nitong lalaki nato. Alam niya namang may babae syang kasama.

"Tsk! Gulat ka?" sabi niya sabay lapit ng mukha niya sakin. "Sino bang hindi magugulat, e para kang multo! Bigla-biglang sumusulpot!" sumbat ko.

"Gwapong multo ba kamu?" sabi pa nito. At kagad na lumapit pa sakin. What the---ano bang ginagawa niya. Bigla naman akong napapikit at hinihintay na sana mawala na siya.!

"Tsk! Ba't ka nakapikit? Tumabi ka nga diyan at maliligo naku! Nag mamadali tayo diba?" sabi niya pa.

"Ikaw tong umalis sa harap ko. Hinarang-harang muko tapos magrereklamo ka ngayon!" sigaw ko sa kaniya.

"Tsk! Ang sabihin mo, hinihintay mung halikan kita." sabi niya at sabay na tinalikuran ako at kaagad na pumasok ng banyo.

"Asa ka! Kapal mu!! Mukha kang unggoy uy!" sigaw ko dito. Hayst!ang aga-aga napakalakas ng hangin dito. Naku---iwan ko nalang.

Agad ko ng kinuha yung backpack ko at kaagad na nagbihis. After kong magbihis, kaagad kong tinawagan ang hotline ng Jollibee para umorder pang breakfast namin. You know naman! Paborito ko yun!

Wala pa ngang sampung minuto ay dumating na nga yung order kong isang bucket at tatlong sphagetti. Hayst! Ginutom tuloy ako.

Kaagad akong kumain dahil nga sa nagugutom na ako. Sa gitna ng masarap kung pagkain ay bigla namang iniluwal ng pinto ng banyo ang mahanging Unggoy na si Christian! Hayst. Nakakasira ng mudo.

"Sarap naman ng kain mo. May balak ka pa naman sigurong tirhan ako nu?!" sabi pa nito.

"Tirhan? Asa ka pa! Inorder ko to para sa sarili ko lang. Di ka kasama dun!" biro kung sabi sabay irap sa kaniya.

"Hala! Talaga ba? Ay! Di ako na inform na baboy pala yung kasama ko."

Baboy ako? Grabi naman siyang makapagsalita, ganun na ba ako kalaki? E sa ang liit-liit ko kaya. Ngayon nga lang ako kumain ng kay rami. Imbis na magpasalamat siya sakin dahil sa ginawa ko sa kaniya kagabi, ganito pa yung gagawin niya---aasarin niya lang ako ng aasarin.?!

"Tsk! Wala nakung ganang kumain!" pagdadamug kong sabi tsaka kinuha ang mga gamit ko.

"San ka pupunta?" bigla niyang tanong.

"Hihintayin nalang kita sa kotse nyo Señurito! At FYI hindi po ako baboy!" sabi ko sabay irap dito.

Kahit kaylan talaga! Sarap niya na talagang patayin! Nanggigigil naku!!!

Padabug kung tinungo ang kotse niya at ng makarating ako, kagad akong nag-airphone at umidlip. For sure, matagal pa yun bago bumaba.

After 30mins.

"Mom! Mom! Where are you? Mom! Mom"

"Mom!" sigaw ko.

"Mitchie! Mitchie! Your dreamin'" sabi ni Christian sakin.

Bigla ko naman siyang nayakap dahil sa subrang takot na nararamdaman ko. I don't know, pero parang totoo yung napanaginipan ko. Pero ang blurd nga lang. Di ko nakita kung sinong babae yung tinatawag kung Mom?

"Are you okay?"

"I'm sorry!" sabi ko at kaagad na kumalas sa pagkakayakap sa kaniya.

"Ano bang napanaginipan mo?" tanong nito sakin.

"I don't know! Hindi ko din alam." paunang sabi ko.

"Nasan na tayo?" kaagad kung tanong. Mukhang nag-iba na din kasi yung sorroundings kumpara kanina.

"Kanina pa tayo nakaalis don. Ang himbing kasi ng tulog mo kaya di nalang kita ginising. Actually, malapit na tayo sa campsight."

Talaga? Kanina pa pala kami nakaalis. Sabi ko iidlip lang ako e. Napansin ko naman na tila nawala yung airphone ko.

"Yung airphone ko?"

"Nilagay ko sa backpack mo."

Mabuti naman.

"Sure ka okay ka lang?"

"Oo okay naku." sabi ko at kaagad na din siyang nagmaneho ulit. Hayst!

After 10mins.

"Mitchie..." sambit ni Christian

"Ano yun?" tanong ko habang nagscro-scrolling sa facebook. Hahaha wala kasing ka-chat kaya scroll down-scroll up lang yung ginagawa ko.

"Thanks nga pala."

"For what?"

"For taking care of me last night." bigla naman akong napatigil sa kaka scroll sa cellphone ko matapos niyang sabihin iyun.

Akala ko talaga nakalimutan niya yun. At akala ko talaga wala lang sa kaniya yung pag-aalaga na ginawa ko kagabi.

"Ay. Your welcome Señurito! Akala ko di ka marunong magpasalamat."

"Tsk *smirk*"

"Oy! Nandito na din tayo sa wakas." sabi ko ng makita ang gate ng campsight namin.

"Nagsimula na siguro yung program nila." sabi ni Christian. Kaagad niya din namang ipinarada ang kotse at kaagad na din kaming bumaba.

Una kung nakita si Jea na kasama si Topher at---magkaholding hands pa??! What?!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon