Chapter 8

1.1K 26 1
                                    

Christian's POV:

Hayst! Kakainis 'yung babaeng 'yun ah?! Ang suplada! Pasalamat nga siya dahil sa dinami-dami ng babae, siya 'yung napili kung magpanggap bilang girlfriend ko?!! Tsk... hindi niya siguro alam kung sino ako?!

BTW... I'm Christian David Sy 21 years old. I have one older sister, Mhegan Sy 25 years old. 1 month na kami dito sa Pilipinas... galing kami sa America. Naaksidente kasi ako, kaya no choice 'yung parents ko na dun ako ipagamot. I suffered from short term memory lost, kaya may mga bagay na 'di ko maalala...

I know na naguguluhan talaga kayo sa topic ko kanina, pero siyempre... ayaw kung naguguluhan kayo kaya ipapaintindi ko sa inyo para klaro, gaya ng pagmamahal ko sa isang tao... ayaw kung naguguluhan ako, gusto kong makasigurado para klaro... Haha! Waley ba? Ok lang yan, gwapo naman... sige, ikwekwento ko na muna sa inyo...

[ Flashback ]

"So... paano ba 'yan Son, we decided na ipakasal ka kay Marga when you graduated." Sabi sakin ni Dad habang nagmamaneho siya. Pupunta kasi kaming mall eh.

Teka?! Ano daw sabi niya??? AKO??? Ipapakasal kay Marga?!

What the hell did he talking about?!!!

"Ano Dad?! Bakit naman po?!! Sa tingin nyo naman papayag ako?" sabi ko

"Well, 'yun na nga... I know na 'di ka papayag pero Christian, you need to had a Gf?! Tsaka... babalik kana sa pag-aaral mo, last year mo na 'to sa college at gagraduate kana... sa Lion-Heart University ka mag-aaral, kong san ka nag-aaral noon at gusto ko na after graduation mo ay maikasal kana kagad..." – Dad

"Ba't niyo po pinagmamadalian na maikasal ako Dad?!" pagtataka kong tanong

"Christian, you know naman siguro, kung ano na 'yung situation ko diba?! Malala na 'yung sakit na meron ako... gusto ko na maikasal ka muna bago ako mawala..." – Dad

Yup! May sakit nga si Dad. Meron siyang Heart Failure... anytime pwede na siyang kunin sa amin, kaya siguro pinagmamadalian niya na maikasal kagad ako. Gusto niya siguro na andiyan pa siya sa malaking celebration ng buhay ko. 'Yung tipong maihahatid niya pa ko sa altar bago siya mawala...

"Eh, paano na po 'yung Gf ko...?" sabi ko naman

"Wag ka ngang magpalusot, sa 'di mo nga maalala 'yung mga memories mo dito sa Pilipinas...? Tapos sasabihin mo ngayon na may Gf ka?!" sabi naman ni Dad

"Totoo po 'yung sinasabi ko Dad... may Gf nga po ako, kaya nga ako sasama sa inyo papuntang Mall kasi magkikita kami ngayon..." rason ko naman

"Ok sige. Pag totoo 'yang sinasabi mo... 'di ka ikakasal kay Marga at ikakasal ka sa Gf mo pagka-graduate mo ng college..." sabi ni Dad

"Sige po." Sabi ko naman...

Hayst! Ano na ba tong gagawin ko?! Hinahamon talaga ako ni Dad eh! Bahala na nga... maghahanap nalang ako ng pwedeng ipagpanggap na Gf sa Mall!

Then, nung nakarating na kami sa mall... sabay na kaming pumasok ni Dad...

Then...

Meron akong nakita, pero 'di ko sasabihin... haha! Jk lang...

May nakita akong babae. Napaka-famillar niya talaga... 'di ko alam, parang nakita ko na ata siya dati or maybe one of my memory ko siya dito sa Pilipinas na 'di ko maalala...

"Well... asan na 'yung sinasabi mong Gf mo Christian?" tanong ni Dad

"Bahala na nga! Siya nalang, total maganda naman siya." Sabi ko sa sarili

Agad ko siyang nilapitan at hinablot. Haha! Parang ako lang 'yung nagmamay-ari sa kaniya nuh?!!

"Siya na ba 'yung Gf mo?" tanong sakin ni Dad...

"Opo Dad, siya nga po 'yung Gf ko..." sabi ko kay Dad. Hayst! I hope na makisama ka sa akin Familiar girl...

"Diba Yam?" tanong ko sa kaniya at nag-eye to eye na nagmamakaawang makisabay sa trip ko...

"Christian?!!" galit na banggit nito sa pangalan ko...

"Walangya! Maybe nga talaga isa siya sa naging parti ng buhay ko dito sa Pilipinas. May nagawa kaya akong kasalanan sa kaniya kaya ganito reaction niya sa akin...?! Naku naman, baka malaman ni Dad na nagsisinungaling lang ako sa kaniya... baka patayin ako nito..." sabi ng isip ko

"Oo Yam, ako nga 'to... ba't mukha ka atang galit ??!" tanong ko sa kaniya

"Sinong hindi magagalit?!!! Eh---" 'di ko na siya pinatapos pa ng sasabihin niya at baka kong ano pang istorya 'yung malaman ni Dad...

Agad ko siyang hinalikan sa harap ni Dad, para maging kapanipaniwala talaga diba?!

"Hayst! Pasinsiya kana Yam kong pinag-antay kita ng ganung katagal... paano ba kasi itong si Dad, ang bagal magmaneho!?" sabi ko nung bumitaw ako sa halikan naming dalawa

Agad ko naman siyang tiningnan sa mata... na para bang... nagmamakaawang sakyan niya muna 'yung trip ko?!

"Totoo bang Gf ka nitong anak ko iha?!" tanong ni Dad sa kaniya

"Please! Please... sumagot ka ng Oo" sabi ng utak ko

"Ahm, Opo! Gf niya nga po ako. Actually nga, kanina ko pa po talaga siya inaantay... may usapan kasi kami na magkikita kami ngayon eh?! Diba Christian?!.." sabi niya kay Dad

Thank you! Super thank you!

"Ah... ganun bah?! Pasinsiya kana iha kung natagalan kami, kasi medyo traffic sa daan eh... BTW, introduce mo naman 'yung Gf mo sakin Christian?" sabi ni Dad...

Hala! I don't even know this girl?! Familiar lang siya pero 'di ko pa kilala kong sino talaga siya?!!

"Well... meet...Ahm---" 'di ko na napatapos 'yung sasabihin ko ng bigla siyang magsalita

"Mitchie po Sir... Mitchie Dela Cuesta..." pagpapakilala niya sa kaniyang sarili

"Well, nice to meet you Mitchie ( then they shake hands ) for now on, tito na 'yung itatawag mo sa akin... Tito Zach. Huwag mo na kong isi-sir" sabi ni Dad

"Sige po Tito Zach!" sabi ni Mitchie

"Pasinsiya talaga Yam ah, kung natagalan ako... 'wag kang mag-alala... 'di na mauulit!" paghingi ko pa ng paumanhin sa kaniya...

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon