Chapter 26

482 9 9
                                    

[ After 45mins. ]

"Ok ka lang ba?" tanong ni Topher sakin ng mapansing hingal na hingal na ku.

"Ok lang ako!" sabi ko habang nag-jojog.

"Alam mo, pwede naman tayong huminto muna... at maglakad nalang kung pagod kana!" sabi niya na ikinatigil ko naman sa pagjojog.

"Halata bang pagod naku?" bigla kong tanong.

Naku! Ba't lumabas yun sa bibig ko.

"Well... Oo! Halatang-halata! Tingnan mo yang damit mo oh? Basang-basa na, daig mo pa naligo sa ulan." sabi niya pa sa akin.

Na-curious naman ako kaya bigla kong tiningnan yung damit ko. Tsk! Ommo... basang-basa na nga ako sa pawis! Pero actually, di ako nakaramdam ng pagod ah..! PROMISE! hindi talaga. Hay naku! Bakit kaya?!

"Sige na nga. Maglakad-lakad nalang muna tayo. Mukhang tayo din naman yung nauna sa lahat e! Bigyan natin ng chance makahabol yung iba." sabi ko pa sa kaniya.

"Mabuti pa nga. Sa lakas ng takbo natin kanina, daig pa natin yung kabayo kung magkarera... e halata namang tayo na yung mananalo mamaya. Excited pa naman akong tsumibug!" sabi niya sabay ngiti.

Hay... ngayon ko lang napansin. Pogi din pala tong isang to e! Iba din!, matutunaw mga chicks nito kong makikita yung ngiti niya. Bakit nga ba ngayon ko lang siya napansin? Iwan... Kung anu-ano na naiisip ko.

"Ikaw ba Topher... di kaba napapagod?" tanong ko.

"Ako? Tsk... basta ikaw kasama ko, di ako mapapagod..." sabi niya sa mahinang boses, dahilan para di ko marinig yung mga sinabi niya.

"Anong sabi mo? Di ko narinig e." sabi ko pa.

Nagulat naman ako ng bigla niya kong hinawakan sa kanang kamay ko

"Sabi ko, hali kana at nandiyan na sila oh?! Baka maunahan pa tayo." sabay nguso niya sa mga 4th year level na tumatakbo at nagjojog. Kaya kagad na din kaming tumakbo ng---magkahawak ang kamay?!

Ano?! Magkahawak ang kamay?! Tsk! Yeah... magkahawak nga kami ng kamay? Bakit niya ko hinahawakan? Ok naman kami kanina habang tumatakbo at nagjojog kahit di niya hawak yung kamay ko a! Anu to? HHWR/J ( Holding Hands While Running/Jogging ) "Pakipot kapa Jea! Gusto mo din naman." sabi pa ng utak ko. "Tsk! Like duhh! Hindi kaya... " denial na sabi ng puso ko. "well, hindi nga ba?!" tanong ng isip ko. "Oo na! Gusto ko! Ok!" sukong sabi ng puso ko.

Hayst! Pati sila, pinagkakaisahan ako?! Tsk, langya naman oh!

"Kunting takbo nalang Jea at makakarating na tayo ng finish line." sabi pa nito sakin.

"Tsk. Sa sitwasyon natin ngayon parang gusto ko nalang tumakbo ng tumakbo." sabi ko pa.

"May sinasabi ka?" tanong nito.

"Ha? Ako? Wala nuh?!" grabi, lakas makadepensa ng sagot ko a.

Tumango nalang siya bilang pagtugon sa sagot ko. Nagjog na muna kami nung alam naming medyo malayo-layo na kami sa mga kasamahan namin... at di nagtagal e tanaw na tanaw na rin namin yung Finish Line na pangalan sa gate ng campsight. Wow! Grabi! Di ko akalain na malapit na pala kaming matapos.

"Jea. Ano? Handa kanang Tapusin to?" tanong ni Topher sakin.

"Kung ako lang yung tatanungin, mas gugustuhin ko pang di na to matapos pa..." bulong kung sabi.

"Ano yun?" tanong nito.

"Sabi ko. Oo naman syempre... gusto ko na din kasing kumain na!" sabi ko pa.

"Ganun ba? Parehus tayo. Kaya... ano pang hinihintay natin, for the last run! Food here we GO!!!" sigaw niya pa. At kagad na rin kaming tumakbo sa huling pagkakataon! Hay naku! This moment, is the best moment happened in my life! I will treasure this probably!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon