Chapter 30

407 3 2
                                    

15 years ago... may malaking trahedya na nangyari sa aming buhay.

We lived on a life na kompleto lahat, mapa materyal man o emotional needs. Pero sa masayang buhay na meron kami---nagbago lahat ng yun ng pumasok sa politiko si Daddy habang tagasuporta naman nito si Mommy. Hindi gusto ni Daddy na malantad yung family namin sa social media dahil delikado at baka kami ang gawing alas ng mga kalaban niya laban sa kaniya. Kaya di alam ng lahat yung tungkol sa amin ni Michaella. Parati silang busy ni Mom. Hanggang sa dumating sa point na, it was an election day---base on my observation... mainit yung laban ng katunggali ni Dad. Ayaw nitong magpatalo.

That time, pauwi na sina Mommy at Daddy at kasama nila si Michaella habang ako nag-aantay sa kanila sa bahay nang tambagan sila sa daan. Pinaulanan sila ng bala. At di kinaya ng mga bodyguard ni Daddy iyun. Natamaan sa ulo si Michaella. Habang si Daddy naman natamaan sa balikat. At si Mommy nagtamo ng sugat sa binti.  Kaagad namang may nagrespondi sa kanilang mga pulis at agad silang dinala sa pinakamalapit na hospital.

Nung nabalitaan namin ang nangyari, agad naman kaming nagtungo ni yaya sa hospital kung nasan sila.

"Mom kamusta po si Dad?"

"Your Dad still concious Zammy pero hindi naman daw malala yung sitwasyon niya sabi ng Doctor." sabi ni Mommy at kagad na niyakap ako.

"How's Michaella?"

Pagkatapos kong itanong yun. Naramdaman ko naman ang tulo ng luha ni Mommy sa balikat ko.

"I don't know Zammy. But all we can do right now is to pray for her and to your dad."

"She'll be fine right?"

"Yeah. Ofcourse!"

Nakampanti naman ako sa sinabing yun ni Mommy. Niyakap ko lang siya hanggang sa maibsan yung nararamdaman niya.

After 3 days nagising na din si Dad but Michaella still not in progress. The operation was succesful pero mukhang 50-50 kung magigising siya o hindi. We are looking for a miracle nalang sa ngayon. But I hope, wag mo na siyang kunin samin...

After 3 months. Still Michaella is in comma. Ikaw ba naman ang matamaan ng bala sa ulo, iwan ko kung mabubuhay kapa. Pero wala namang imposible kay God. I know di niya pababayaan ang kapatid ko.

"Zammy! Wala ka bang pasok ngayon?" tanong sakin ni Daddy.

"Wala po Daddy. Absent po yung teacher namin kaya dumiritso nalang po ako dito. Gusto ko po kasi na kapag gumising si Michaella nandito po ako e."

"how sweet our little Zammy." sabay yakap ni Daddy sakin.

"Dad, hindi po ba napapagod si Michaella? Tatlong buwan na po siyang natutulog diba?" curious kung tanong dito.

"Well... syempre napapagod din siya kasu nga lang e di pa kaya ng katawan ni Michaella na gumising kaya nagpapahinga pa ito."

"Kung manghihina po pala ang katawan, matagal pala silang nagigising Daddy?"

"Oo! Subra..." sabi ni Daddy.

Bigla namang bumukas ang pinto.

"Mom!" sambit ko sabay lumapit at yumakap sa kanya.

"Honey, wala kang pasok?" tanong nito.

"Wala po Mom. Absent po si Teacher." sabi ko.

"Btw, I bought some foods. Kumain na muna tayo."

"Eh paano po si Michaella Mom?"

"Oh honey---kapag gumising na siya. Saka siya kakain kasabay natin. Sa labas tayo kakain! Gusto mo din yun diba?" aliw sakin ni Mommy.

"Opo. Gusto ko yun."

Tapos ng usapan naming yun. Kumain na din kami. Sa gitna ng kainan namin bigla nalang may nagsalita...

"Where I am?" and I know who is it.

"Mom. Michaella!" tanging nasambit ko.

"Dad call the doctor!" sabi ni Mommy kay Daddy.

Kaagad namang lumabas si Daddy para tumawag ng Doctor.

"Oh---sweetie---Michaella. Don't worry now, Mommy is here."

"Who are you?" tanong ni Michaella.

"She is Mom. Don't you remember? I'm Zammy your Ate!" sabi ko sa kaniya.

Bigla naman siyang nanginig-nginig at tudo tunog yung kung ano man sa gilid namin. Nataranta si Mommy at bigla na namang napatulo yung luha niya.

Nang dumating yung doctor at kasama nitong nurse at si Daddy. Kaagad nilang chineck yung kalagayan ni Michaella.

"Doc. What's happening?" natatarantang tanong ni Mommy.

"Mrs. Ramirez kumalma lang po tayo..." sabi naman ng Doctor

Niyakap naman ni Daddy si Mommy. Iyak lang ng iyak si Mommy tapos ako, inuobserbahan ko lang yung mga nangyayari.

Michaella's body was shocked dahil sa biglaang paggising nito at pagrereact sa mga nakita niyang tao. She also suffer for what we call this amnesia. Wala siyang naaalala. Even us, her family.

After 1 year ng pagrerecover ni Michaela, mas minabuti ni Mommy at Daddy na paalagaan na muna siya sa isa sa pinagkakatiwalaan naming kasambahay---kung saan close siya kay Michaella at tinuring siya nitong parang Mommy na rin. Mom and Dad is so busy at si yaya yung palaging nandiyan at nagbabantay sa amin kaya hindi maiwasang mapalapit yung loob namin dito lalo na si Michaella.

Mas komportabli si Michaella na kasama si Yaya kumpara sa amin. Kaya walang magawa si Mommy kundi... ipaubaya na muna si Michaella kay Yaya dahil mas makakatulong ito para mabilis siyang gumaling.

Napilitan sina Mom at Dad na doon na muna kaming tatlo sa state habang si Michaella maiiwan dito sa Pilipinas. Wala namang magawa yung parents ko kasi ayaw ni Michaella na sumama sa amin. Sinusustintuhan lang ni Mommy si Michaella. Buwan-buwan nagpapadala siya kay Yaya ng pera at pambili ng gamot para dito. Tumitira si Michaella sa bahay ni Yaya. Hindi sila sa bahay tumutuloy dahil ayaw ni Michaella. Mas tinuring niya talaga na pamilya si yaya kesa samin. Mas magaan yung loob niya dito kumpara sa amin.

Matapos ang isang taon. Umuwi kami ng Pilipinas. Nagsimula muli akong mag-aral. Pinarenovate ng parents ko yung bahay namin. Naging kaklase ko si Michaella nung pasukan. Hindi ko na siya kinulit-kulit. Naging magkaibigan naman kaming dalawa, kaya ok na rin. Nasanay na rin ako na mag-isa. Nasa state kasi sina Mom at Dad. Nandon kasi yung business namin. Pero balak nilang magpatayo ng branch dito sa Pilipinas kasu wala pang exact date kung kaylan. Once na may branch na dito sa Pilipinas, hindi na sila aalis pa at makakasama ko na rin sila. Once a year lang kasi silang umuuwi pero palagi din naman kaming may communication through skype at viber. Binibilin nila palagi na bantayan at alagaan ko si Michaella, at sinusunod ko naman yun.

Ganito yung naging takbo ng buhay ko sa loob ng sampung taon hanggang ngayon.

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon