Chapter 29

317 3 3
                                    

Zam's POV:

"Hindi ako makapaniwala na  sa wakas kasama ko na kayong dalawa ngayon..." sabi ni Mitchie at kaagad na yumakap samin ni Jea.

"Grabi ka naman. Kahapon ka lang nawala samin e. Btw, ba't di kayo nakaabut kahapon? May nangyari ba?" tanong ko.

"Ay naku Zam. Dami---madami ang nangyari. Yung isa muntikan na akong mahulog sa bangin, buti nalng talaga at nandiyan si Christian---kung wala, iwan ko lang kung nandito ako ngayon. Yung pangalawa naman, ayun naabutan kami ng malakas na ulan kaya napilitan kaming magpalipas ng gabi sa hotel at yun. Yun lang..."

Grabi pala pinagdaanan nito.

"Buti naman talaga at ligtas ka. Kung nalaman kung nalaglag ka talaga sa bangin, naku---mapapatay ko tong si Christian. Pero dahil ligtas naman kayong nakarating ngayon dito... E goods na yun!" sabi ko.

"Well, Mitch---yun lang ba talaga? Nung kagabi? Kumusta naman kayo? Magkatabi ba kayong natulog?" biglang tanong ni Jea.

"Jea. Ano ba yang tinatanong mo kay Mitchie!" saway ko dito.

"Kaya nga... Napakadami ng tanong, hindi ba pwedeng kumain nalang tayo at mag-enjoy. Stress kasi talaga ako buong araw kahapon." sabi naman ni Mitchie.

"Pero nga Mitchie. May point naman mga tanong ni Jea. So, Ano nga ba? May nangyari ba kagabi?" bigla kong tanong.

"Jea. Zam! Wala. Promise! Gutom ako kaya kumain nalang tayo." sagot nito.

"Deffensive a! Sige na nga lang kumain nalang tayo. Gutom din ako e." sabat naman ni Jea.

"O siya. Tama na. Kain na tayo. At para makapag-ayus pagkatapos nito." sabi ko.

"Zammmyy! Zammmyy! Mom's calling!" tunog ng ringtone ng phone ko.

"Guy's excuse me. Sasagutin ko lang to a..." pagpapaalam ko pa .

"Ok sige. Walang problema." sabi naman nila.

Nung makalayu-layo naku. Agad ko namang sinagot yung call. "Hello! Mom?".

"Zammy! Honey---Umuwi nakami." sabi ni Mom sa kabilang linya.

Teka, ano daw??! Umuwi na sila?

"What? Umuwi na kayo? Kaylan pa? Ba't di nyu ko sinabihan? Sana na sundo ko po kayo."

"Oh... Honey, pasinsiya kana kung di na namin nasabi ng Daddy mo sayo. Kahapon lang kami nauwi. Balak ka naming surpresahin ng Daddy mo e."

"Mom naman. Hahaha well, nasurpresa nyu nga naman talaga ako. Teka, nasa bahay po ba kayo ngayon?"

"Nope. Mamaya malalaman mo. Btw, kamusta yung kapatid mo?" biglang singit nito.

"Well, she's fine Mom. Masaya naman po siya."

"Ok. Good to hear. Mag-iingat kayo."

"We will Mom."

"Ok. Need to hung up. I love you. See you."

"I love you Mom---what??" magtatanong pa sana ako kung ano yung ibig sabihin niyang see you??! Tsk! Ano ba to si Mommy. Nakakagulat. Akala ko sa susunod na taon pa sila uuwi.?? Wag niyang sabihin na magpapakilala na sila? Hayst! Ang gulo niya din ah.

Agad na kung bumalik sa pwesto ko. "Mommy mo?" tanong ni Jea.

"Oo e." sagot ko.

"Ba't siya napatawag?" tanong naman ni Mitchie.

"Kinamusta lang ako. Tsaka, nandito na sila."

"Umuwi na sila?" tanong ni Jea.

"Oo. Yun sabi niya sakin e."

"Talaga? Atlast ma memeet na namin parents mo." Jea said.

Actually kasi, di pa nila na meet ang parents ko. Minsan lang kasi magbakasyon yung parents ko e. Once a year lang siguro, tapos nagkakataon din na pabalik na sila ng state bago malaman ng mga kaibigan ko nanandidito pala sila.

"Kaya nga. Last kung nakita yung parents mo Zam, sa pic mo sa phone. Kasu medyo blurry pa yun." sabi naman ni Mitchie.

"Ako, yung picture nila sa bahay nila. Kasu 2years ago pa yun e." sabi naman ni Jea.

"Hahaha. Wag kayung mag-alala ma memeet nyo rin parents ko." sabi ko sa kanila.

"Siguraduhin mo lang ah. Wag ka ng dumagdag sa mga taong paasa!" sabi ni Jea

"Hayst! Oo. Titingnan ko muna yung sitwasyon. Pag nasigurado kong ok na. Ipapakilala ko kayo."

"Bakit? Naguluhan ako." dagdag pa ni Jea.

"Ay basta! Kumain nalang tayo. At baka tayo pa yung mahuli. Ikaw Jea ha, bilisan mo diyan. Maliligo pa tayo!" sabi ko.

"Oo nga pala. Medyo madami na din gumagamit ng banyo. Hirap makipagsiksikan. Lalo na kapag alam mo namang wala kanang space para makisiksik!" sabi nito.

"Huy Jea! Tigil-tigilan mo nga yang kakahugot mo! Kanina kapa! Nawala lang ako kahapon, ganito kana ngayon?!" saway naman ni Mitchie sa kaniya.

"Hayst, iwan ko nga diyan. Pansin ko din mga linya niyan ngayong araw." sabi ko.

"Wala. Ibig ko lang namang sabihin e kaylangan ko na ngang bilisan yung kilos ko. Mahirap ng mahuli. Alam niyo na?!" Jea said.

"Oo alam na namin! Bilisan mo na diyan!" sabi ko pa.

Actually lang, may kutob na naman ako e. Feel ko---inlove na tong si Jea. Iba din manusok tung si Kupido. Nagpapagaling sa Hugot.

Pero may problema pa ako ngayon? May katanungan pa ako sa aking isipan na si Mom at Dad lang ang makakasagot. Tsk! Ba't ba kasi di nila ako sinabihang uuwi sila. Kainis naman!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon