CHAPTER 22

647 9 1
                                    

"Christian i para mo muna diyan!" sabi niya sa natatarantang boses.

"Bakit ba?!" sabi ko habang nagmamaneho pa rin.

"Eh... naiihi naku!" sabi niya na ikinatigil ko naman sa pagmamaneho.

"Kanina nung nasa City tayo, hindi ka umihi! Tapos ngayon na nasa sulok tayo ng kung ano mang lugar ito, tsaka ka naman iihi?!" sabi ko sa malakas na boses.

Mahirap na kasi at mukhang napakadelikado dito kung san man kami! Baka mamaya, daanan kami ng mga holdaper... tapos agad-agad papatayin

"Eh... sa ngayon lang ako naiihi! Kasalanan ko ba yun?!Ha!?" sabi niya at kaagad na bumaba ng sasakyan.

Agad din naman akong bumaba atsaka siya sinundan. Mahirap na... baka kung ano pang mangyari sa kaniya. Mamaya, patayin pa ako ni Zam.

"Huwag mo nga kung sundan?! Kaya kung sarili ko nu?!" sabi niya.

"Eh d huwag! Bahala ka!" sabi ko at kaagad na bumalik ng sasakyan.

Suplada talaga ng babaeng yun! Tsk! Bahala siya sa buhay niya!

( after 10 mins. )

Hayst! Ang tagal naman atang umihi nun? Talaga bang naghanap pa siya ng location kung san siya komportable. Eh, sa puro mga damu't halaman na naman yung nandiyan... sapat lang para may e-cover na siya sa sarili niya.

( after 5 mins. )

"CHRISTIAN!" sigaw ng isang supladang babae, si Mitchie.

Tsk! Ano na naman kaya ang kaylangan niya?! Pinapalayo niya ko kanina tapos tatawagin niya ko ngayon? Hayst! Mga babae talaga hirap intindihin! Ang gulo! Yung tipong akala mo, araw-araw dinadatnan!

"CHRISTIAN!!" sigaw niya ulit!

"ANU??!!!" sigaw ko pabalik!

"CHRISTIAN TULONG!!!" sigaw niya na ikinabahala ko na sa kinauupuan ko.

Naku naman! Ito na nga bang sinasabi ko e! Kaya ang tagal niyang umihi!!! Patay ako nito kay Zam e!

Agad akong tumakbo kung san siya.! Hindi ko siya nakita kasi ang damo!

"Na san ka ba?!" agad kung tanong.

"CHRISTIAN! nandito ako! sa baba!!Bilis Christian!" sabi niya.

Baba?? Ba't naman siya mapupunta sa baba?!

And then... I step forward,

"Uhh-Ohh!" biglang nasambit ko ng makita siyang nakakapit sa isang matibay na kahoy sa mataas na bangin.

"Christian! Bilis! Tulungan mo ko.?! Nangangalay naku e!" sabi niya na ikinabagsak naman ng kaniyang mga luha.

Bigla naman akong nataranta at agad na iniabut ko yung kamay ko sa kaniya!

"Yung kamay mo! Abut mo dito sakin!" sabi ko.

Agad niya din namang iniabot yung kanang kamay niya. Dahilan naman upang mahawakan ko ito.

"Christian! Huwag mo kong bibitawan!" sabi niya habang iyak ng iyak.

Hayst! Iwan, pero parang tinutusok tong puso ko habang nakikita siyang ganto.

"Oo! Basta kumapit ka ng mabuti! Pagbilang ko ng tatlo tsaka kita hahatakin!" sabi ko.

1

2

3

Kaagad namang hatak ko sa kaniya dahilan para makaakyat siya.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa!

She hug me so tight... that me and myself can't resist to hug her too!

"Thank *sub* You! Thank you*sub* for saving my *sub* life for the second time!" she whispered habang iyak pa rin siya ng iyak!

For the second time??? Bigla ko namang tanong sa sarili ko?! Tsk! Nagkamali lang siguro to?! Eh, isang beses ko palang naman siyang nailigtas... which is, ngayon palang.

"Nakaihi ka na ba?" biglang tanong ko.

"Nope! Ayaw ko ng umihi dito! Natatakot naku." sabi niya naman.

"Sige. Halika na at mukhang dumidilim na rin!" pagya-yaya ko.

She only nodded!

It's 4:30pm, so maybe hindi kami makakaabot ng Baguio, baka gabihin kami sa daan. Mga 2 hrs pa naman bago kami makarating dun... kaya I only drive and drive and drive hanggang sa maabutan nga kami ng ulan! Hayst! Naku naman?! Kapag minamalas nga naman oh?!!

Mitchie open the Radio and we find out na may bagyo kaya magiging malakas ang pag-ulan ngayon.

"Christian, pano na ngayon?!" tanong ni Mitchie sakin.

"Tutuloy nalang siguro muna tayo sa pinakamalapit na Hotel." bigla ko namang sabi.

"Sige." tanging sagot niya.

Tanaw na namin yung Hotel ng bigla namang huminto ang sasakyan?! Naku naman! Parang mapapasubok ata kami dito ah!

"Anong nangyari? Ba't tayo huminto?" tanong ni Mitchie.

"Hindi ko alam. Teka, titingnan ko. Dito kalang." sabi ko at kaagad na bumaba.

Pagbaba ko, bumungad talaga sakin yung gulong sa likuran.!

"Mukhang hindi kinaya! Tsk! Flat!" tanging nasabi ko.

Mukhang mapapasugod kami nito papuntang Hotel.

"Mitchie! Na Flatan tayo! Kaya mukhang mapapasugod tayo sa ulan!" sabi ko sa kaniya.

"Naku Christian! Basang-basa ka na oh?!" sabi niya.

"Huwag mo na akong intindihin, halika na.!" sabi ko.

"Teka, " paunang sabi niya sabay kuha niya ng payong.

"Tara?!" she said.

Agad ko namang ibinigay yong jacket ko sa kaniya. Para di siya masyadong mabasa.

"Salamat!" sabi niya.

Tapos, takbo na kami ng takbo hanggang makaabot kami ng hotel.

Hayst! What a CHALLENGING Day!

Walang Happy Ending [ ON HOLD ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon