Chapter 22 Field trip scene 3

579 25 0
                                    

Xyle's P.O.V

"Isang hakbang mo lang patay ka na pati ang babaeng mahal mo."sabi ng babae sa likod ko. Hinarap ko siya.

"Bakit mo to ginagawa?"tanong ko. "Cause your my fiance."sabi niya. "Alam mo ang totoo kung bakit ako magpapakasal sayo."sabi ko. Aalis na sana ako ng. "Xyle makinig ka sakin kung ipapatuloy mo pa ang mga hakbang na yan di lang ito ang sasabog na baril."sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?"tanong ko. "Look around xyle guns is everywhere."sabi niya.
Agad kong nakita ang mga nakatotok na baril. "My father always monitor you xyle alam niya lahat ginagawa mo at kung sino kinakausap mo he knows everything xyle isang sabi ko lang sa kanya patay agad yang si may kaya xyle layuan mo na siya dahil napupuno na ko kating kati na ang dila ko isabi to lahat kay dad lalayo ka o mamatay siya?"tanong niya . Bakit lahat ng to nangyayari sakin? May nagawa ba kong mali para gawin to ng panginoon sa kin?

Agad akong napatingin kay may na ngayon na umiiyak gustong gusto ko siya lapitan pero alam kong may mangyayari ngayong gabi. Biglang tumulo ang mga luha sa mata ko. May patawarin mo ko kung gagawin ko to. Alam kong pagod ka ng habulin ako at mahalin pa ulit ulit kaya ititigil ko na ang pagmamahal mong binibigay sakin ikaw lang masasaktan sa huli. Mahal kita pero mas gusto kong palayain ka kaysa mawala ka pang habangbuhay.

"Sige di ko na siya papansinin basta ipangako mong walang mangyayari sa kanya kong may mangyari mang masama sa kanya di ako magdadalawang isip na patayin ka pati ang lahi niyo."sabi ko na galit. "Ok tara."sabi niya. "Sandali lang."sabi ko. "Ano?"tanong niya. "Can you give me one night to talk to her please vanessa."pag aawa ko. "OK,bibigyan kita ng oras para usapin mo siya at tapusin ang namamagitan sa inyo ok tomorrow bago tayo umuwi."sabi niya sabay alis. Tiningnan ko ng huling sandali si May. May di ako ang lalaking nararapat sayo humanap ka ng iba na mamahalin ka ng buo at di ka iiwan. Bigla niyang iniangat ang ulo niya.

"Xyle andiyan ka ba?"sigaw niya. Biglang tumulo ang mga luha ko. Sorry May duwag ako eh. DI ako ang magiging savior mo ngayong gabi mahal kita. Kahit bukal saking loob na iwan siya sa gitna ng gubat na nag iisa wala akong magawa. Pagka alis ko ang siyang pagkadating ni luke. Iiwan ko na siya sayo luke kaibigan. Agad akong umalis.

LUKE'S P.O.V

Ng may narinig akong ingay galing sa may kakayuhan banda agad akong tumakbo at tumungo doon. Pagkadating ko doon Isang  babaing nakahiga. Agad akong lumapit at nalaman na si May ito..

"May gising ano ba? May"sigaw ko.
Mabuti gumising siya. "Xyle?"tanong niya sabay upo. Xyle na naman? Bakit di pwedi ako na lang. "May ako to si luke."sabi ko. "Asan si xyle? Hinanap niya ba ko? Asan siya? Humingi ba siya ng tulong?"tanong niya.

"Ahmmm May wala dito si xyle eh"sabi ko.  "Ha? Asan siya? Nawala rin ba siya? Hanapin natin siya luke."pag aawa niya. Bakit si xyle parin ang hinahanap niya kahit may nararamdaman siyang sakit sa katawan ? May bakit? Ganoon mo ba siya ka mahal?

"May tara na malalim na ang gabi delikado na dito."sabi ko. "Ayaw ko hanapin muna natin si xyle baka napano na siya."sabi niya sabay tayo bigla na lang siyang na pa upo at sinisikap na namang tumayo. Hinawakan ko ang braso niya at pinaupo siya. "May itigil mo na ang paghahangad na mahanap yang g*g* na xyle na yan. Alam mo ba  di niya magawang hanapin at di man pang siya nag alala sayo kaya wag mo na siyang hanapin andito ako wag ka ng humanap na iba."sabi ko.

"Wag ka ngang magsinungaling diyan luke mahal niya ko kaya hahanapin niya ko alam ko rin na nag aalala din siya kaya itigil mo yang pinagsasabing mong yan."sabi niya. Biglang tumulo ang mga luha niya. "Kung di ka naniniwala sa sakin bakit ka umiiyak?" Tanong  ko.

"DI ako umiiyak."sabi niya sabay pahid ng mga luha niya. Bigla siyang tumayo at nagsimulang naglakad alam kong natatakot siya pero iniinda niya. Shit bakit ako ang nasasaktan para sa kanya? Asan ba kasi yung g*g* na yun. "Kung andito si xyle dapat siya ang nandito at hindi ako .May please makinig ka naman oh di kaba naawa sa sarili mo? Takot ka sa dilim  kaya itigil  mo ang paghahanap sa kanya."sabi ko. Napatigil siya sa paglalakad.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon