Chapter 38 The truth

387 15 0
                                    


"Long time no see Krystal."sabi ng lalaking ka edad ng papa ko.

"Si-sino po kayo?"tanong ko na natatakot,bakit niya alam ang pangalan ng mama ko ehh wala nga yung kaibigan dito sa Pilipinas.

Ngumiti siya na malademonyo. "Kamukhang-kamukha mo talaga ang ina mo."sabi niya sabay ngiti ng nakakatakot.

"Sino po kayo?Bakit niyo kilala ang mama ko?"tanong ko. "Hmmm sabihin nalang natin."yumuko siya at biglang tumingin sakin na nakakatakot sabay ngiti. "Parte ng nakaraan mo pati ng mama mo."sabi niya.


"Kung sino man kayo wala na akong pakialam,pwedi umalis na kayo bago pako tumawag ng pulis."sabi ko. Unti-unti siyang lumalapit papunta sakin.

"Di mo ba gustong malaman sino ang kapatid mo o anong nangyari sa nakaraan?"tanong niya. "Wag kayong lumapit,please sabihin niyo na lang kung anong nangyari."sabi ko na iniinda ang sakit sa paa ko dahil natapakan ko ang bobog.


Huminto siya. "Ngayong pinagmamasdan kita kamukhang kamukha mo nga ang mahal kong si Krystal."sabi niya sabay ngiti.

Nanlaki ang mata ko sa gulat dahil sa salitang 'mahal kong si krystal.' na sinabi niya. "Mula sa mga labi,ilong at kinis ng balat mo nakuha mo sa kanya pero ang isang problema lang yang mga mata mong matatapang kung tumingin na galing sa hudas mong ama."sabi niya.


"Wala kayong karapatan sabihan ang papa ko ng hudas."sabi ko. Humalakhak siya. "Hudas ang papa mo siya ang hudas kong kaibigan na inagaw ang mama mo sakin."sabi niya. "Sabihin niyo na lahat ang nalalaman niyo at sino kayo.Sino nga ba talaga kayo?"tanong ko.


"Handa mo na bang e handle ang katotohanan at masakit na nakaraan?"tanong niya. Napatingin ako sa baba at tumingin sa kanya. "Oo handa na ako sa katotohanan na sinasabi mo."sabi ko.


"Ako si Max Yu ang matalik na kaibigan ng ama mo noon.Nagkagusto ako sa mama mo pero sa kasawaing palad nagkagusto siya sa papa mo ginawa ko ang lahat para mapasakin siya pero walang nangyari. Sa pagkasabik ko na mapasa akin ang mama mo kinidnapped ko siya."sabi niya sabay tawa.


Agad akong napaiyak sa sinabi niya. "Bakit mo yun ginawa?"sigaw ko lalapit sana ako sa kanya ng makatapak ako ng bobog napatigil ako.

"Ginawa ko yun dahil mahal ko siya,alam mo ba anong ginawa ko? Ginahasa ko siya."sabi niya sabay halakhak na parang demonyo. "Demonyo ka!! Kahit alam mong ayaw ng mama ko sayo pinagpilitan mo parin ang sarili mo hayop ka."sigaw ko sabay iyak.


"Napaisip ako kahit di mapupunta sakin ang puso at pag-ibig ni Krystal mapapasakin naman ang katawan niya.Nabuntis si Krystal akala ko magpapakasal siya sakin pero nag pakasal siya sa walang hiya kong kaibigan tinanggap parin siya ng papa mo kahit buntis siya sa iba.Namuhay sila ng masaya."sabi niya na nagagalit.


Tumingin siya sakin. "Dumating ang araw pinanganak na niya ang anak namin yun ay ang ate mo.Kinuha ko ang ate mo sa hospital kung saan nanganak si Krystal nakita ako mismo ng ama mo ng kinukuha ko ang ate mo pero di niya ko pinigilan subalit kanya pa kong pinagpilitan na umalis pinalabas na lang ng ama mo na patay na ang ate mo sa mama mo."sabi niya na nagagalit.


"Hindi yun magagawa ni papa mabait siyang tao."sabi ko na umiiyak. "Sige tanongin mo mismo ang ama mong hudas,tanongin mo sa kanya ang kasalanan niya sa nanay mo.Ngayon naghihigante ako at ang higante ko ay ikaw."sabi niya sabay tawa.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon