Chapter 32 The Drunk May

506 15 11
                                    


"Noona kailangan na nating umalis mag gagabi na po."pag aaya ni umji. Nandito pa rin ako sa studio habang nakatingin sa pizza.Bakit kailangan pa niyang umalis? Di ba siya masaya sa piling ko? Bakit kailangan niyang lumayo? Mas gusto niya bang wala ako sa tabi niya? Ano bang problema niya para saktan niya ko ng ganito? Bakit nag dedeliver siya ng pizza?


Agad akong tumayo at sinundan si umji papunta sa van namin.Agad akong sumakay sa van.


"Mang Carding dito nalang ako sa convenience store baba may bibilhin lang ako ma una na kayo ni umji umuwi susunod na lang ako."sabi ko. "Noona di pwedi baka may maka kilala sayo."sabi ni umji. "Di nila ako makikila umji ako na bahala dun,gusto ko lang ma pag isa.Masakit pa eh,sige na baba na ko."sabi ko sabay baba.Agad kong sinuot ang mask,sumbrero at shades ko.Upang di nila makilala.


Agad akong pumasok sa convenience store at kumuha ng tatlong bote ng soju agad ko itong binayaran sa counter at umupo sa labas. Binuksan ko ang isang bote ng soju at ininom ito. "Xyle bakit kaya mo kong iwan? Mahal mo ba talaga ako?"bulong ko sa sarili ko habang umiiyak. Agad kong na ubos ang isang bote ng soju.


Binuksan ko na naman ang pangalawang bote ng soju agad ko itong ininom habang umiiyak. "Xyle magpakita ka sakin at sabihin kong anong problema.Di yung nagtatago ka ano ba talaga ang problema?"sigaw ko. Agad kong na ubos ang soju.Agad kong binuksan ang pangatlong bote.


Medyo na hihilo na ko pero di ko yun iniinda. Iinomin ko na sana ng may lalaking pumigil sakin. "Akin na."sabi ko sabay abot ng bote sa kamay niya pero iniwas niya ito. "Akin nga sabi ehh!! Bakit mo inilalayo ang alak ko,akin na."sabi ko sabay tayo.Agad akong natumba dahil sa hilo na ko.


Luke's P.O.V


"Akin na nga sabi ehhh!!."sabi niya sabay abot pero di niya na kuha iyon dahil iniwas ko ang kamay ko agad siyang tumayo kaya natumba siya sa bisig ko. Nag kalapit ang mukha namin. Ngayon ko lang napansin na umiiyak siya. "Ba-bakit di-di mo binibigay s-sakin yan iinom pa ko."sabi niya na parang bata.Agad ko siyang ini upo at tinapon ang bote ng alak.


"Bakit mo yun tinapon? Di naman yun sayo ha?"sabi niya tatayo sana siya ng pinigilan ko siya.

"Iinom ka na lang ba?Upang mawala yang sakit sa puso mo? Di naman ya nakaka gamot eh.Wag ka ngan mag paka tanga dahil lang sa kanya,maraming pang lalaki sa mundo kaya itigil mo yan pag iinom mo."sabi ko.


Agad akong tumalikod sa kanya. Nagulat ako ng umiyak siya ng malakas. "Oo tanga ako,napaka tanga ko upang mag habol sa kanya kahit pinapalayo niya ko sa kanya.Anong magawa ko mahal ko siya? Alam ko di nawawala ang sakit sa puso ko kahit uminom ako,pero kahit isang araw,isang oras,o isang minuto man lang mawala ang sakit sa puso ko gagawin ko ang pag inom araw-araw dahil ang sha-shakit shakit kasi ehh."sabi niya agad akong humarap sa kanya.


"Madali lang naman eh alisin mo siya sa puso mo kalimutan mo siya."sabi ko. "Paano ko siya aalisin sa puso ko at sa isipin ko eh siya na yung hinahanap nito,paano ko siya kakalimutan? Siya na yung naka marka sa puso't isipan ko paano ko siya mawawala sa isip at puso ko kung pati katawan ko siya ang gustong kasama't kayakap.Paano ha,paano?"tanong niya sabay iyak ng napakalakas.


Sana ako na lang minahal mo,sana di na lang kita pinabayaan sa kanya sana inangkin na lang kita kahit hindi ka akin.Bigla siyang tumayo at nag lakad na parang matutumba.Agad ko siyang pinigilan. "Saan ka bah pupunta?"tanong ko habang hinahawakan ang mga balikat niya. "Hahanapin ko siya,tatanungin ko siya kung mahal niya ba ako,tatanungin ko siya bakit siya umalis sa piling ko?"sabi niya sabay iyak na naman.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon