Chapter 47 Let you go.

334 20 6
                                    


Luke's P.O.V

Napatingin ako kay May di siya mapakali at laging tinitingnan ang cellphone niya. Tumayo ako sa harap niya agad naman siyang napatingin sakin.


Ngumiti ako sa kanya ng mapakla. "Pupunta muna ako ng C.R ng 15 minutes."sabi ko. "Bakit ang tagal mo?"tanong niya. "Balit ang tagal ko?Ito na rin kasi ang huling sagot mo."sabi ko. Naguguluhan siya, "Anong ibig mong sabihin?"tanong niya.


Tumingin ako sa mga mata niya. May papalayain na kita kahit masakit,alam ko siya pipiliin mo.Gumawa lang ako ng choices. "Pag balik ko dito dapat nakapag desisyon kana.Pag nakabalik ako dito na andito ka parin sa upuan na ito akin ka,pero pag balik ko dito na wala ka na upuan na ito sa kanya ka."sabi ko.


Agad akong tumalikod at naglakad.Ang sakit palayain ang mahal mo yung feeeling na gusto mo ng mamatay.Nakakatatlong hakbang pa ako ng huminto ako sabay harap sa kanya. Tumakbo ako at niyakap siya. Agad tumulo ang mga luha ko. "Pwedi ba ako na lang piliin mo?"tanong ko sabay nito ang pagtulo ng luha ko.


Yinakap ko siya ng mahigpit at sabay pikit.Alam ko ito na ang huling yakap ko sa kanya kaya lulubus lubusin ko na. Lumayo ako kaunti at ngumiti sa kanya ng fake. "Luke nahihirapan ako."sabi niya. "Mahirap talagang mamili,pero kailangan mong pumili para sa ikakasaya mo.May masakit sakin itong gagawin ko,pero kailangan kong gawin para sa ikakasaya mo."sabi ko at agad na tumalikod.


Nagulat ako ng niyakap niya ko mula sa likod. "Salamat sa lahat at patawad."sabi niya.May ang sarap itigtil ang oras para makasama kita kahit sandali lang,pero di ko magawa dahil di ko pag-aari ang puso mo.


Tinanggal ko ang mga kamay niya at naglakad na hindi man lang tumingin sa likod,dahil pag ginawa ko yun baka di ko magawang palayain si May.Pagkadating ko sa C.R agad akong umiyak ng malakas.May alam mo ang sakit palayain ka.Biglang may bumukas sa C.R nagulat ako ng makita ang babae dito sa men's comfort room.


Nagulat din siya. "Ahh so-sorry di ko na-napansin panlalaki to."sabi niya at agad na isinirado.Agad kong pinunasan ang mga luha ko.Nagulat na naman ako ng bumukas ang pinto. Yung babae na naman. Pumasok siya at binigay sakin ang panyo.Di ko yun tinanggap tiningnan ko lang ito.


"Pogi wag ka ng umiyak,ganyan talaga ang pag-ibig minsan masaya minsan masakit.Kaya wag kang ma ubusan ng hope makakahanap karin ng iba."sabi niya sabay lagay ng panyo sa gilid ko.Agad siyang lumabas.


Napatingin ako sa panyo at hinawakan ito. May nakaburda na pangalan na 'Kate' pangalan niya siguro ito.Agad akong lumabas at unti-unting bumalik sa upuan ko.Agad akong napatingin sa upuan ko at ngumiti ng makita itong bakanti.


Nakapili na nga siya at ang pinili niya ay si Xyle at hindi ako malinaw sa akin. Napabuntong hininga ako at sabay nito ang pag tulo ng luha ko.Umupo ako. "Luke."agad akong nagulat sa narinig ko. Agad akong napatingin sa likod at doon nakita si May na nakangiti.


Lumapit siya sakin. "Luke nakapili na ko."sabi niya. Anong ibig niyang sabihin?Ako ba? "Salamat sayo at nalaman ko ang totoo kung sino ang laman ng puso ko kundi si Xyle patawarin mo ko kung di ako umalis agad di ko kasi kaya umalis ng di nag papa alam.Salamat Luke sa pagsalo sakin sa mga oras na nahuhulog ako at nasasaktan you heal me salamat pero patawad dahil di ko nabigay ang pag-ibig na hangad mo.Tandaan mo ito,mahal kita pero bilang matalik na kaibigan ko."sabi niya at bigay sakin ng kwentas na binigay ko sa kanya na brokenhearted. "May babaing nararapat sayo at di ako yun.Salamat sa lahat."sabi niya at agad na umalis.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon