Chapter 24 The mesirable Xyle

648 23 3
                                    

Vanessa's P

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Vanessa's P.O.V

Hi guys alam kong hindi niyo ko gusto dahil sa ugali ko pero wala kayong magagawa si author ang nag desisyn na mag P.O.V ako dahil wala na yung impokritang prinsesa niyong May. Ako na ngayon ang bagong prinsesa. Wahahaha.

Pero kahit wala na ngayon si May di parin ako masaya lalo na't nasasaktan si Xyle.

Sa totoo lang hindi ko naman gusto magpakasal kay xyle kahit matagal ko na siyang mahal dahil alam kong di niya ko kayang mahalin pabalik.

Wala akong magawa kong ang dad ko na ang dumisisyon di ko kayang baliin yun. Kung di ako magpapakasal sa kanya may mangyayaring masama kaya napilitin akong gawin ito.

Kahit masakit makita si xyle na nahihirapan ng dahil sa nilayo ko ang mahal niya sa kanya tinitiis ko kahit masakit. Kahit iba ang laman ng puso niya okay lang sakin kaysa mawala si xyle.

Hindi niyo pa maiintindihan ang nangyayari sa ngayon pero promise ipapaliwanag ko na sa tamang panahon.

Agad akong nagulat dahil biglang nag whistle ang kettle. Agad ko itong kinuha at nilagay sa isang planggana na may malamig na tubig. Nilagay ko ang bimpo,planggana at chicken soup sa isang tray para dalhin sa kwarto ni xyle.

Agad akong pumasok at nilagay sa isang lamesa ang tray. Pinatay ko ang aircon para di siya ginawin. Agad akong umupo sa kama niya. Tiningnan ko ang mukha niya na bahid ng lungkot.

Hinawakan ko ang mukha ang init niya. Agad kong binasa ang bimpo at pinunas sa kanya. Habang nagpupunas ako sa leeg niya bigla niyang hinawakan ang kamay ko na ikinagulat ko agad akong napatingin sa kanya. Gising na siya pero bakit ganyan siya makatingin?

"Ma-may?"tanong niya na nanghihina. Agad akong napabalikwas ng tingin. "Ahmm matulog ka muna ha para maging malakas ka."sabi ko sa kanya. Aalisin ko na sana ang kamay niya pero hinigpitan niya ito ng paghawak. "Iiwan mo ba ko?"tanong niya. Bakit ganito ang nararamdaman ko? Ang sakit sakit. "Matulog ka muna xyle para magkalakas ka."sabi ko.  "Ayaw ko baka mawala ka na naman alam kong panaginip lang to kaya ayaw  ko ng magising sa katotohanan na wala kana."sabi niya sabay tulo ng mga luha niya. Ang sakit sakit makita siyang nagkakaganito. Pinikit ko ang mata ko  at bumuntong hininga.

Inalis ko ang mga luha niya. "Di ako aalis sa tabi mo di kita iiwan mag isa."sabi ko. "Talaga? Di ka ba mawawala pag pumikit ako? Di ka ba aalis at iiwan ako?"tanong niya. "Hindi ako aalis dito lang ako sa tabi mo hanggang sa gumising ka."sabi ko.

"May tiwala ako sayo May na di mo ko iiwan sana di mo ko niloloko. Pipikit lang ako sandali ha wag  kang mawawala."sabi niya. Tumango lang ako at ngumiti ng mapait. "Mahal kita."sabi niya bago pikit ng mata niya.  Tinakpan ko ang bibig ko para di niya marinig ang iyak ko.

Ang sarap pakinggan ang salitang 'mahal kita'sa mga labi niya pero di para sakin.
Umiyak ako ng napakalakas. Tiningnan ko ang mukha niya. Sorry xyle kung ginawa ko to sa inyo ni May wala lang akong magawa.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon