Chapter 46 Choose

351 15 2
                                    


May's P.O.V


*TANG!TANG!TANG!TANG!TANG!TANG!*Tunog ng stainless na pinukpok.

Agad akong napabangon dahil sa ingay. "Sunog!Sunog!Umji sunog!."sigaw ko habang nakapikit. "Noona!Gising na."sigaw ni umji. "Umji may sunog."sigaw ko. "Noona walang sunog ibuka mo kaya yang mata mo."sabi niya.


Unti-unti kung binuka ang mata ko,at nakita si umji na may hawak na stainless na plato at sandok. "Bakit mo dala yan?Magluluto ka ba?"tanong ko. "Oo nag luto ako ng lugaw na bulati!Hahahaha"sigaw niya habang tumatawa.


Binatukan ko siya,agad naman siyang napahawak sa batok niya. "Ang sakit nun ha!"sabi niya. "Para ka kasing baliw eh!Na overdose siguro ka ng drugs noh?"tanong ko. "Gusto mo ng drugs?"tanong niya. Babatokan ko sana siya ng lumayo siya.


"Joke lang noona!Ano ka ba?Bumangon ka na noona para samahan kumain si kuya Xyle."sabi niya at agad na tumalikod.Agad akong nagulat sa sinabi niyang Xyle.Agad akong umalis sa kama at hinila siya.


"Anong sabi mo?A-andiyan s-si Xyle?"tanong ko na natatakot. Napa cover siya sa bunganga niya. "Don't tell me,di mo na alala anong nangyari kagabi?"sabi niya na di makapaniwala. "Ano bang nangyari kagabi?"tanong ko.


"Wala ka talagang ma-alala kung bakit ka nalasing?"tanong niya. "Alam ko naglasing ako tapos may lumapit sakin na lalaki tapos sinuntok siya ni-"tumingin ako kay umji na nanlalaki ang mata. "Ni Xyle?Si Xyle naghatid sakin dito?Sagutin mo ko umji."sigaw ko.


Biglang bumukas ang pinto at biglang pumasok si Xyle.Agad akong tumalikod. "Oo ako naghatid sayo at sumuntok sa lalaking nang bastos sayo."sabi niya.Agad akong napakamot sa ulo ko. "Patay!Yung niluto kung lugaw nasusunog na.Alis muna ako noona ba-bye."sabi niya at agad na umalis.


Umji wag mo kong iwan,nahihiya ako kay Xyle. Na fe-feel ko lumalapit siya,humarap ako sa kanya.Saktong pagharap ko ang paglapit ng mukha namin.Napalunok ako,humarap nga ako para palayuin siya ngayon ang lapit niya na.


Ang lakas ng pintig ng puso ko sobra.Nagkatinginan lang kaming dalawa. Ngumiti siya,ang gwapo niya. "Ang cute mo pala pag nag bla-blush ka."bulong niya.Agad akong dumuko at napahawak sa mukha ko.Ang init nga,nakakahiya naman.Itinaas niya ang mukha ko at inilapit niya pa yung mukha niya.


Ano bang trip niya? "Paano kung halikan kita?Magiging angry birds kaba ka pula?"tanong niya. Agad ko siyang tinulak at tumakbo palabas ng kwarto agad akong bumaba ng hagdan at umupo sa lamesa na pinaghahainan ni umji.Para akong si Flash kanina. "Oh noona,andiyan ka na pala?"tanong niya.


"Wala pa,nasa taas pako naliligo.Kaluluwa niya lang to,gusto mo?"sarcastic kong tanong. "Ahhh gutom na kaluluwa niya."sabi niya at agad kumuha ng bowl.Nagulat ako ng makita si Xyle sa tabi ko. "Bakit andiyan?"tanong ko pasigaw. "Di mo napansin?Andito na ko."sabi niya.


"Bakit ka ba andito?"tanong ko. "Nakatulog ako sa kwarto mo eh."sabi niya. "Wow ha!Tumabi ka sakin?"tanong ko. "Ano naman?Tabi nga tayo sa boracay natulog eh."sabi niya. Pinadabog ni umji ang paglagay sa bowl na may lamang lugaw.


"Ano?Pumunta kayo ng boracay?"tanong niya. "Oo,wala namang nangyari umji eh!"sabi ko. "Bakit di niyo ko sinama?"tanong niya.Tingnan mo tong babaing to,akala ko nag-aala siya sakin. "Sorry,gusto ko lang kasi makapag isa kasama siya."sabi ni Xyle.Agad kong kinain ang lugaw kahit mainit.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon