Chapter 49 Wedding Day

391 14 5
                                    

May's P.O.V

Unti-unti akong naglalakad papuntang altar.Habang nakatingin lang kay Xyle di ako makapaniwala na ikakasal na talaga kami,parang kahapon lang nerd ako na may amnesia,ngayon ikakasal na sa pinakagwapong idiot gangster.

Hayyy akala ko di totoo ang mga fairytales at happy ending.Habang papalapit ako kay Xyle papalakas ang tibok ng puso ko ngumiti ako kay Xyle ngumiti din siya pabalik.Nakatingin lang ako sa kanya hanggang sa nakarating nako sa harap niya.

"You're so beautiful mahal."sabi niya. "Talaga mahal?"paninigurado ko. "Very."bulong niya.Nilagay ko sa braso niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papuntang harapan at umupo.

Napatingin ako sa harap bakit walang pari? "Bakit walang pari?"tanong ko kay Xyle. "Na late lang daw nang kaunti si Father."bulong niya. "Ahhh okay."sabi ko. "Bakit excited ka na ba sa honeymoon natin?Kung gusto mo dumiritso na lang tayo sa hotel."bulong niya.

Hinampas ko siya sa braso. "Bakit ka nag sasalita ng ganyan?Nasa simbahan tayo,tumigil ka nga."sabi ko. Biglang bumukas ang pinto sa harap at lumabas ang pari. Laking gulat ko ng makita ang papa ni Vanessa.Napatayo kaming dalawa ni Xyle,habang nakaharang ang kamay ni Xyle sakin.

"Magandang araw sa inyong lahat,wala bang tutol sa kasalang ito?"tanong niya na nanlilisik ang mga mata. "Hoy tanda!Bakit andiyan ka?Umalis ka diyan."sigaw ni Xyle. "Tumigil ka!Ako tumututol ako,dahil akin lang si Krystal.Di ko siya papayagang ipakasal sa iba.Kaya mamatay ka na."sigaw ng ama ni Ate Vanessa.

Biglang naglabas ng baril ang papa ni ate vanessa at itinutok kay Xyle. Agad nanlaki ang mata ko. "Wag!"sigaw ko. "Anong wag?Siya nga itong sumira sa kasalan natin kaya ako naman sisira sa kasalan niyo.Pakialamero ka kasi Xyle pati si Krystal aagawin mo.Kaya mamatay ka na."sigaw niya at agad na pinutok ang baril ikatlong beses.

"Hayop ka!Demonyo ka!Walang hiya ka!"sigaw ko at dali-daling lumapit kay Xyle. "Mahal gumising ka."sigaw ko habang umiiyak. "Mahal!Please gumising ka."sigaw ko. "Tulungan niyo ko."sigaw ko. "Mahal."sabi ko. "Mahal please."bulong ko.

"Mahal please."bulong ko.

"Mahal?"agad akong nagising sa sigaw sakin.Napatingin ako sa gumising sakin. "Mahal okay ka lang?"tanong ni Xyle.Napatingin ako sa paligid andito pala kami sa eroplano,napatingin ako kay Xyle sabay yakap sa kanya.

"Mahal akala ko totoo."bulong ko. "Bakit ano bang nangyari?Nanaginip ka ba?Shh wag ka ng umiyak."bulong niya habang hinahaplos ang buhok ko. Lumayo ako kaunti. "Mahal guguluhin tayo ng papa ni ate Vanessa,papatayin ka niya sa araw ng kasal natin."sabi ko habang umiiyak.

Hinawakan niya ang mukha ko. "Shhh mahal walang mangyayari ha?Pangako yan,andun sa mental ang papa niya.Kaya walang mangyayari calm down."bulong niya habang pinupunasan ang mga luha ko. "Mahal pano kung-"bigla niyang hinarangan ng hintuturo niya ang bibig ko.

"Walang masamang mangyayari ha?Pangako yan mahal."bulong niya sabay yakap sakin. "Miss isang basong tubig dito."sigaw ni Xyle sa Flight stewardess. Hikbi parin ako hikbi. "Shh mahal tahan na."bulong niya.Agad binigay samin ang isang basong tubig.

"Uminom ka muna."sabi niya sabay bigay sakin ng tubig. Agad ko naman yung ininom. "Sige na mahal suotin mo na yang seatbelt mo lalanding na ang eroplano."sabi niya.Agad ko naman itong sinuot.

Agad kaming lumabas nagulat ako ng makita ko si umji at sandy mandy na may hawak na banner. "WELCOME BACK COUPLES." 

Sandy Mandy

Sandy Mandy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon