Chapter 23 The last Goodbye

693 26 10
                                    

Di ko pa rin makalimutan ang ginawa niya. Aishh pati dito sa tent ma alala ko yun? Ang mokong tumakbo lang pagkatapos non iniwan niya ko nakatulala. Aish sarap sapakin ng mokong.

Hinawakan ko ang labi ko. Bakit iba ang nararamdaman ko ngayon? Ang lakas ng tibok ng puso ko pagkatapos ng halik na yun.

Agad siyang humiwalay sakin habang nakatulala. "May ok ka lang?"tanong niya. Di parin ako umimik. Bigla na lang siyang tumakbo. "May Saranghaaeee"sigaw niya. Agad akong natauhan pagkatapos ng sigaw niya. Aisshh ang sarap niya sapakin.

Agad kong sinapak ang ulo ko. "Wag mo na ngang isipin si luke kalimutan mo ang nangyari May."sabi ko sa sarili ko. Bakit ba ko ganito?

Hahay ang daming nangyari ngayon may masakit at masaya sakit na dulot ni xyle at saya na dulot ni luke. Bakit ko ba mahal si xyle? Puro sakit lang binibigay niya. Eh nandiyan naman si luke saya lang binigbigay sakin pero sinaktan ko pa. Saklap ng buhay ko sana bukas di na masakit ang mangyari.

-----------------------------

Agad akong nagising sa pagkagutom aish wala pala akong kain kagabi. Tiningnan ko ang bag ko. Mabuti naman may isang biscuit pwedi na toh. Lumabas ako para doon kumain.

Naglakad lakad ako para malibot ko tong bagiuo dahil last day na namin dito. Ako pa pala ang gising dito. Alas 5:00 a.m. pa. Sabagay ang aga pa. Agad akong pumunta sa may bangin at umupo sa may grass habang kain kain ang biscuit.

Bakit feeling ko ngayon may mangyayari? Sana wala. Tumingin ako sa langit. Wow ang ganda ng sun rise. Ang ganda talaga. Agad akong tumayo at lumapit kaunti para makita ko pa. Yan klaro ko na tumalon talon ako ng biglang na slide ang paa ko.

Wahhhhhh.

Biglang may humawak sa bewang ko. Nanginginig ang paa ko. Di ko kayang gumalaw,dahil feeling ko kunting galaw ko lang ma huhulog nako. "Step backward May."sabi ng lalaki sa likod ko. "Ayoko di ko kaya baka mahulog ako."sabi ko habang nanginging at umiiyak.

"Magtiwala ka lang hihilahin kita at di kita hahayaang mahulog."sabi niya. "Pano ako magtitiwala sayo eh sinaktan mo nga ako eh."sabi ko. "Kahit sinaktan kita dapat magtiwala ka dahil ililigtas kita kahit anong mangyari May trust me step backward ."sabi niya. "Ayoko kahit anong sabihin mo ayoko kahit mahulog ako ayaw kong magtiwala sa katulad mo."sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

"Magtitiwala ka lang ba sakin kong tayong dalawa ang tatalon diyan?"sabi niya. Agad akong natakot sa sinabi niya. Unti unti kong ginalaw ang paa ko. "Yan slowly step backward you can make it may."sabi niya. "Natatakot ako xyle baka mahulog ako."sabi ko. "Andito lang ako,and I will promise you na ililigtas kita dito."sabi niya. Kahit ayaw kong sumunod sa kanya dahil manloloko siya. Pero ang puso ko gustong gusto maniwala sa kanya.

Unti unti kong ginalaw ang paa ko at tinapak sa mga paa niya pinikit ko ang mata ko para di ako matakot. Pagkatapos non bigla akong hinila ni xyle at pinayakap sa kanya.

Agad akong umiyak ng napakalakas dahil sa takot.

"Ahhhhh hik hik hik (sob) akala ko mahuhulog nako akala ko ma-mata-tay nako. Salamat."sabi ko sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Bigla niyang hinagod ang buhok ko. "Sshh di ko hahayaan yun."sabi niya. Nagkayakap lang kami ni xyle hanggang sa nakalabas na si haring araw.

Unti unti akong pinakawalan ni xyle pero ako nakayakap pa rin ako sa kanya. "Bitawan mo ko May."sigaw niya sabay tulak sakin na sanhi ng pagkatumba ko. Bakit niya to ginagawa? Bakit niya ko tinulak? "Xyle anong nangyayari sayo?"tanong ko habang tumutulo ang luha ko.

When Ms.Nerd Meets Two Idiots Gangster(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon