TEN-Move on?

8 3 0
                                    

Ashley's point of view

"Peter, paano kung isang araw magbago nalang bigla si David?" out of the blue kong tanong .

"Alam mo Ash, ang isang tao nagbabago. Wala akong kilala na hindi nagbago. May mga stages ang buhay natin ee"  sagot naman niya.

"Kasi, parang ganun na yung nangyayari ee. Simula nung sinabi sakin ni David na nakatanggap sya ng message tapos pinagtatangkaan ng masama si Trixie, naging mas busy at focus na sya kay Trixie. Once a week na nga lang sya pumunta dito sa bahay ee." Sabi ko naman sakanya.

"Mahal mo talaga si David noh? Mas lamang talaga sakin ang bestfriend mo. Ha-ha" tugon naman ni Peter.

Bigla ko syang nahampas sa braso.

"Arte neto." Sabi ko sakanya.

"May aaminin ako sayo Ash." naging seryoso naman sya.

"Hmmm. Ano ba yun Peter?" tanong ko.

"Kasi Ash. Yung sabi mong playboy ako? Totoo yun. Ayoko naman kasing magsinungaling sayo. Nung nakipagmeet ako sayo sa convenience store, pagtitripan lang sana kita noon kaya ganun yung mga text messages ko sayo. Pero alam mo Ash, nung nakita ko yung mga pagpatak ng luha mo dahil nakita mo yung mahal mo na may mahal na iba, dun ko narealize na mali amg manloko. Kaya nagkaroon ako ng commitment sa sarili ko na magbabago na ako. Simula nun, humingi ako ng tawad sa lahat ng babaeng pinagtripan ko nun. Di nga sila naniniwala sa sorry ko ee. Pero hinayaan ko na basta nagsorry na ako sakanila. Simula nung araw na yun, narealize ko sa sarili ko na dapat may isang taong sasalo sayo. Yung ililigtas ka sa pagkahulog sa maling bangin. At alam kong ako yung makakatulong sayo. Believe me Ash, tong panliligaw ko sayo, makakapaghintay toh. Hindi kita pinipilit." mahabang pahayag ni Peter at nagkatitigan kami.

I feel his sincerity. I feel someone na kaya akong ilayo mula sa sakit na nararamdaman ko kay David. Nakapagdesisyon na ako. Para maayos ang lahat, handa ko ng kalimutan si David bilang mahal ko. Bestfiends lang talaga kami at alam kong magiging maayos ang lahat.

Move on. Move on.

Si Khiefer na ang mamahalin ko. 😊

Sana bumalik na sa dati ang lahat. Namimiss ko narin kasi ang bestfriend ko ee.

"Khiefer, salamat kasi anjan ka palagi. Sa tuwing pupuntahan ako ni David sa bahay, anjan ka palagi para tulungan akong magkunwari na masaya. Salamat sa lahat Khiefer. Salamat. " pagpapasalamat ko kay Khiefer.

"No worries Ash. I'm so happy na hindi na pilit yang mga ngiti mo. Maaliwalas na yang mukha mo. Alam mo, mas gumaganda pa ang isang anghel kapag laging nakangiti." sabi ni Peter.

"Bolerong Khiefer" sabi ko sakanya at napatawa nalang kaming dalawa.

*******

Pupuntahan ko ngayon si David sa bahay nila.

Hmm. Siguro namimiss ko na talaga amg bestfriend ko.

Miranda's Residence

"Mocho!! Lumabas ka jan! Kukurutin pa kita sa singit! May kasalanan ka sakin! " sigaw ko habang nakangiti. Gawain ko na yan dati sa tuwing pupunta ako sa bahay nila. Pag narinig yan ni David, alam na niya ang ibig kong sabihin.

Si ate Dalia naman ang nagbukas ng gate.

Ngumiti si ate at nagbeso beso kami.

"I miss you baby!" masayang bati sakin ni ate Dalia. Tapos bigla syang tumahimik tapos nag pout. Ang cute ni ate Dalia.

"Why ate?" worried kong tanong.

"Kasi baby, may nililigawan na si bunso ee. Malungkot ako kasi di ikaw yun. Bakit baby girl? Nereject mo ba si bunso?" tanong ni ate habang hawak nya yung bewang ko at naglalakad kami papasok sa bahay nila.

"Ah. K-kasi ate. Mas nagustuhan niya si Trixie ee. Hehe" sagot ko naman sakanya.

"So that means, kung hindi si Trixie ang nagustuhan ni bunso, gusto mo rin sya?" tanong ni ate Dalia at muling nag aliwalas yung mukha niya.

"Ah. Eh. H-hehehe. K-kasi p---" she cut me off.

"No buts! Gotcha! May gusto ka kay bunso!" masayang sabi ni ate at paupo na kami sa sala.

"Pero, baby girl, kung si Trixie talaga ang gusto nya, may magagawa ba tayo? Haystt." sabi ulit ni ate Dalia at biglang naging worried yung mukha niya.

"Ate Dalia, don't worry about that. Bestfriends forever naman na kami ee." pag eencourage ko sakanya.

"Sabagay. I trust you baby girl. Alam kong pag nasaktan si bunso, anjan ka para sakanya. Wait lang ha? Tawagin ko na muna si bunso. Stay here okay?." sabi ni ate Dalia.





Hindi lang ako sigurado kong mapapasaya ko si mocho kapag nasaktan sya kasi bilang bestfriend niya, baka mas masaktan ako na makita syang nasasaktan. Pero handa akong gawin lahat para sa bestfriend ko. I love him so much.


------

-rhianvae❤❤😘

My Bestfriend Turns into a Stupid GangsterWhere stories live. Discover now