"Hindi mo man lang ba ako papansinin, monica?"
Di ako sumagot.
Pesteng manliligaw.
"Uy." Sabi pa niya.
Nakakaloka pero di ko na lang pinansin. Mas lalala yan kapag papansinin ko. Di ko naman siya pinayagang manligaw saakin pero nanligaw talaga. Halos nagmumukha ng burol yung sa labas ng apartment ko sa dami ng flowers na pinahatid niya.
Namamatay lang tuloy.
Ako pa sa kanya, yung pera niya na ginastos niya sa mga gifts at ano pang kaputanginahan niya para sa akin eh dapat idinonate na niya. May matutulungan pa sya.
Nasa canteen kami. Kumakain ako.
Pero jusme. Para siyang linta bes!Kung san ako, andun din sya.
Ininom ko yung juice.
At nagtingin-tingin sa paligid. Syempre sa gilid ako nagtingin-tingin kasi nasa harap ko yung lalaking ewan ko lang kung anong pangalan.
"Hindi mo na ba ako mahal?"
Seryoso niyang sabi kaya naman nabuga ko lahat ng ininom kong juice dun mismo sa mukha niya.Narinig ko yung tawanan sa paligid namin.
Hindi ko na lang pinansin. At tinitigan ko siya ng diretso sa mata niya. Namula naman siya dun at yung pisngi niya umakyat na pataas.
"Uunahan na kita ha. Unang una, hindi kita gusto. Hindi ko na kasalanan yun. Pangalawa, layuan mo na ako. Pangatlo, tumigil ka na. Maawa ka na sa mga efforts mo." Sabi ko. Paalis na sana ako ng nagsalita ulit siya.
"Wala ka namang boyfriend ah."
Napatigil ako.
I bit my lower lip and faced him again."May boyfriend man ako o wala. Wala parin akong feelings sayo." Sabi ko habang dahan-dahan akong lumalapit sa kanya.
Nakatayo lang siya dun. Tsaka basa na ang mukha niya dahil sa juice.
"Magugustuhan mo lang rin naman ako kapag hahayaan mo ako."
Sagot niya. "You just never tried."Napangisi ako.
"Lakas mo pre." Sabi ko."Alam mo..." Panimula niya.
"Hindi ko alam." Agad kong sabi.
With sarcasm."Alam mo hindi ko alam kung bakit single ka parin hanggang ngayon. Marami namang nagkakagusto sayo. Pero kalahati dun takot sayo. Kalahati naman mga malalakas at makakapal mukha para tapatan ka. Pero ni isa man lang wala kang napansin? Di mo man lang ba naisip na ang ganda mo para maging loner? Single? Di ba dapat may mahal ka? Bakit? Anong meron? Di ko nga alam kung sino ex mo eh. Tangina nakakaloko naman to eh. Its been 5 months since i courted you. Ni wala ka man lang nagkaroon ng feelings para sa akin?" Sabi niya.
May lalaki pa palang ganito?
Akala ko patay na lahat.Napaisip ako.
"Nakakainis no?" Sagot ko. Nabigla siya sa sagot ko.
Alam ko yung feeling na matagal na kayong magkasama pero di mo alam kung bakit ayaw niya.
Naiintindihan ko siya.
Masakit.
Nakakainis.
Ginawa mo naman lahat.
Pero benalewala lang.Parehas naman kami ng sitwasyon ng gagong to eh.
"Ang ano?" Tanong niya. Kaya nabalik ako sa reality nung napaisip ako.
Ngumiti ako at inayos yung necktie niya. Nakita ko na namang namula siya.
"Alam ko yung nararamdaman mo. Kung ako sayo, habang maaga pa. Manligaw ka na lang sa iba. Magkagusto ka sa ibang babae. Wag sa akin. Kasi yang nararamdaman mo. Ganyan rin ako ngayon. Wag mo kong tularan." Sabi ko. Binitawan ko na ang necktie niya na kanina inayos ko. "So, Peace na tayo?"
Natulala siya sa akin.
Ngumiti na lang ako at nagsimulang umalis.
Nung nagsalita siya ulit. Di ko na siya nilingon. Tumigil na lang ako at Pinakinggan ko nalang siya.
"Kung sino man yung lalaking tinutukoy mo... Sana pansinin ka na niya. Susuko na ko sayo. Pero wag kang sumuko sa kanya!" Sigaw niya.
Natawa ako. At itinaas ko ang isang kamay ko na parang nagpapahiwatig na 'paalam'. At sumakay na ako sa kotse ko.
BINABASA MO ANG
Dear Bed (Completed)
Romance"Fight for me. For us." - Jodeb Jodeb Franco and Monica Saguirel's love story starts off as any ordinary love story would. They met, they fell in love, and everything seemed perfect. However, Jodeb had a secret that he kept hidden from Monica - a se...