Chapter 22 - Climax

6.2K 90 6
                                    

Nandito na kami sa airport.
Sinuot ko headset ko habang naghihintay sa sign na papasok na ang mga passengers.

Nang biglang may umupo katabi ko.

Isang babae.
Di ko kilala.

May kausap sya sa cellphone niya.
I-click ko na sana ang play para makinig ng music nang marinig ko ang pangalan ni Bed.

"Jodeb, tabi tayo mamaya ah." Sabi niya.

Tinanggal ko ang headset ko.
Nakikinig ako sa mga pinagsasabi ng babaeng to.

"Sige na jodeb..." Nagpapacute siya.

Tsk. I rolled my eyes.

"Yey! Bye. I love you."
Lumaki ang mata ko.
At lumingon sa kanya ng di nagpapahalata.

Sino naman sya?

Di ko sya nakita nuon ah.
Tinignan ko sya mula ulo hanggang paa.

Nakasuot ng skirt.
Tas sleeveless na blouse.
Kung girlfriend niya to, paano?

Di naman niya type ang babaeng ganto eh? I sighed.

Pero ano?

I love you kamo? I love you mo mukha niyo.

Nainis na ako kaya sinuot ko na ang headset ko at nagpaplay ng music.

May bago ka naman pala eh.
May bago ka na.
Peste.
Ano bang iniisip ko.

Hanggang sa nakarating na kami sa Airport. Di ko parin maiwasang mainis sa bawat oras na makikita ko syang kasama ang babae na yon.

Hindi na ako kumain ng lunch.
Wala pa naman ako nagbreakfast.
Wala akong gana. Walang wala.

Halos umabot kami ng sampo sa binigyan ng trip to Bohol. Pero kanya-kanyang grupo.

Kasama ko sa grupo si bed at ang Babae niya. Nakakainis, kami talaga tatlo ang magkasama.

Kahit San talaga magpunta. Magkasama silang dalawa.

Nasa Panglao kami ngayon.
Nag stay kami sa isang hotel.
Buti na lang at individual ang rooms. Maloloka na ako kapag magkasama pa kaming tatlo.

Baka makapatay ako ng tao.

Bukod kasi sa nagseselos ako.

Nasasaktan ako.

I shook my head and sighed.

Matapos Kong inayos ang mga gamit ko. Gabi na rin naman.  Napagpasyahan Kong maligo sa pool.

I wore my bikini.

Tinignan ko ang oras. Maaga pa pero madilim na.
Magrerelax muna ako.
Nakakahayblad tong araw na to. Bwisit.

Imbis na sa pool ako. Napadpad ako sa tabi ng dagat. Nakuha kasi ng attention ko ang party lights. Tas may smoke.

Yay, miss ko nang magenjoy nang party. Its been a year.

Bukod sa miss ko ng mag party.
Gusto Kong kalimutan muna si bed kahit sandali. Ang saya nila tignan kanina.
Pakiramdam ko tuloy, pinapaselos nya ako.

Ginulo ko buhok ko.
At agad pumunta dun.
The music were good.
Napapasayaw ako.

"Drinks?" Sabi sa akin ng isang bartender sa tabi. At inofferan ako ng drinks.

I drank it all in.

At sumayaw ako.
Feel na feel ko ang music.
Sa pagsasayaw ko, nakaramdam ako ng kamay sa bewang ko.

Its a guy.

I don't know him.

Pero sinabayan niya yung mga galaw ko. And hell, miss dancing.

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon