Chapter 11 - Heartbreak

5.6K 84 1
                                    

It's been 1 week since bed asked me. Nung sinabi niya sa akin na bigyan ko siya ng oras.

Hindi ko na rin alam kung gugustuhin ko pa bang pansinin o kausapin si ethan. Alam ko namang pinagseselosan siya ni bed.

Nagsimula ng mag reply si bed sa akin. Pero ayaw niyang tumatawag ako. Lagi niya ring sasabihin na Kakayanin daw niya para sa akin.

Ewan ko.

Walang ni isang idea ang pumapasok sa utak ko kung ano ang mismong kakayanin niya. Kung ano ang pinapahiwatig niya.

Hindi ko alam saan ako pupunta ngayon.

Since nasa kotse na ako. I'm in the middle of thinking where to go.

So napag-isipan kong pumunta sa condo ni bed. I already have a key. Nakita ko kasi to sa drawer niya. And i think ito yung ka duplicate. Kinuha ko na. Nang hindi niya alam.

-
Nagpahinga lang naman ako sa kwarto niya.

Since nagugutom ako napag-desisyonan ko na magluto.
I mean, mag-bake.

Mag-bake lang ako ng cookies.
Tapos naghahanap ako ngayon ng tray na gagamitin ko.

Binuksan ko yung mga drawer isa-isa.
Nag may napansin ako. Nakita ko na mga gamot pala to.

"Ba't naman may mga gamot dito?" Sabi ko. Hindi ko naiwasang mag-isip ng kung ano-ano.

Pero,  naman. May gamot naman dapat ang mga bahay sa isang tao diba?  In case na lagnatin. Meron namang emergency kit churva eh.

Babasahin ko na sana ang description nang narinig kong nag-ring yung cellphone ko.

Binalik ko kaagad ang gamot kung san ko nakita at kinuha. At sinagot yung tawag. Unknown number lang naman pero sinagot ko.

"Hello?" Bati ko.

"Is this monica saguirel?"

"Opo. Bakit?"

Nanigas ako sa kinatatayuan ko.
Di ko alam kung ano ang irereact ko.
Ang alam ko lang, iniisip ko yung taong yun. Kinabahan ako bigla.

And the next thing i knew, pumunta kaagad ako sa hospital.

-
Takbo ako ng takbo.
Nang biglang may nakabunggo ako na isang lalaki.  I think he's a patient.

"Sorry." Sabi ko. Pero di sya sumagot at dali-dali syang lumayo sa akin ng nakayuko. Di ko na nakita ang mukha niya kaya benalewala ko na lang.

Napadpad ako sa isang room na kanina ko pa hinahanap.
Nasa pintuan pa ako. Para akong binagsakan ng ilang sako ng bigas. Ang bigat ng pakiramdam ko.

At unti unti akong lumapit sa taong mahalaga sa akin. Maraming nakaconnect sa mga katawan niya.
Umiiyak na rin ako. At lumuhod ako, kinuha at hinawakan ko kamay niya.
Hinaplos ko iyom at hinalikan.




"Mommy." Sabi ko. I was near to tears.
Nang ngumiti sya.



-
Kinabukasan, Pinapauwi ako ni mommy. Ayaw niyang magutom ako. Babalik na lang daw ako bukas. Pero di ko makalimutan ang sinabi ng doctor sa akin. Nagsimula na dawng lumala ang sakit niya.

Napapikit ako.
Hindi ko kayang mawala si mommy.

Nakahiga lang ako.
Umiiyak.
Nagmumukmok.
Hindi naka-on yung lights.
Ang dilim.

Biglang may nagbuzz sa pinto.
Gabi na... Sino kaya yun?

Ayokong tumayo. Feeling ko magkakalagnat ako. Ang init ng pakiramdam ko na malamig. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ko sa kumot.

Narinig kong bumukas yung pinto.
Then, that would be bed. Walang ibang makakapasok sa apartment ko kundi ako at si bed lang.

But im so weak. I dont want to stand. I also dont wanna move.

Bumukas yung pinto ng kwarto ko. He turned on the lights. And sit beside me.

"Are you okay?" Mahina niyang sabi sabay lagay ng kamay niya sa noo ko. Pagkatapos nun hinalikan niya ito.

"Okay lang ako." Sabi ko. Kahit hindi.

Pinaupo niya ako at napasandal ako sa kanya. Pinikit ko mata ko.

"Hindi ka okay beb eh. Kuha lang ako ng gamot hah." Akma siyang aalis pero pinigilan ko sya.

Napatingin siya sa kamay ko at sa akin pero niyakap ko siya.

"Masakit yung nalaman ko ngayon. San ka ba nagpunta huh?" My voice broke. And i cant help it. Im crying. Again.

"A-ano yung nalaman mo?" Sabi niya. Para na rin syang nasaktan habang pinapanood akong nasasaktan. Nakita ko sa mga mata niya ang awa at sakit.

"M-May leukemia si mommy... Palala na ng palala ang sakit niya." At humagolgol ako ng iyak. Humihikbi na ako. At pikit mata akong umiiyak.

Hinaplos niya ang likod ko.

"Bakit ganun bed? Matagal nang tinago sa akin ni mommy ang totoo. Kasi matagal na pala niyang nalaman yung tungkol sa sakit niya. She didn't told me. Not at all."

"Alam niya kasi na Masakit  para sayo kapag nalaman mong may sakit siya." Sabi niya.

"Anong ibig mong sabihin?" Sabi ko.

"Ngayon mo pa lang nalaman na may sakit sya diba? Tinatago nya lang yun sayo kasi ayaw niyang makita kang nahihirapan at masasaktan nang dahil sa kanya. Piliin niyang lumayo, di magparamdam, o kaya ilihim ang totoo." Sabi niya. Hindi sya makatingin sa akin. Nakatulala sya habang sinasabi niya yon.

"Di ba pwedeng sabihin na lang nila ang totoo?"

"Isa lang yan eh, mahal na mahal ka niya." At matapos syang magsalit, tumingin siya sa mga mata ko. And he smiled at me. Isang mapait na ngiti.

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon