"Beb." Kausap ko yung taong masyadong pabebe.
"Oh?" Sabi ko. Habang inaayos ko yung damit ko at inilagay ko sa bagahe.
"San ka?" Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Yung mukha niya talaga nakakainis na nakakatawa.
Dahilan para mapatigil ako sa ginagawa ko. Nasa apartment ko si jodeb ngayon. May susi siya sa bahay ko. Ewan ko kung paano nangyari. Hindi naman kami.
But I already gave my all to him.
I don't know. We kissed like what other couples do. We had sex. But we're actually not in a relationship. I always thought we're just fuck buddies. But he won't name it that way.Ayaw niya lang talaga na may label kami. Pero para na rin naman kaming magkarelasyon sa ginagawa namin eh. Wala nga lang label.
"Iiwan na kita." Biro ko.
Nagulat naman ako sa reaksyon niya. Naging cold bigla yung expression niya.
"Iwan mo ko?" Seryoso niyang tanong.
"Hindi nga tayo. Bakit ka magagalit?" Sabi ko. I'm testing him.
Di siya sumagot. As what I've expected.
"Sama ako." Pangungulit niya. Para na rin niyang inalis ang topic.
Gosh. Hind ko talaga siya maintindihan. Ano bang problema kung tatawagin na kaming in a relationship diba? May girlfriend na ba siya already? Tas kabit ako? Ganern? Kaya ayaw niyang may label kami ganern? Ultimo M.U na label wala. Nakakaloka ha.
Hinihintay ko na lang talaga na tatanungin niya ako. Di ko na nga maalala kung paano kami nauwi sa ganito.
"Punta ako ng boracay. 2 weeks naman yung sembreak eh. Magpapakalayo-layo muna ako." Sabi ko habang binalewala yung presensya niya.
Agad niya akong hinarap sa kanya.
"Magbabakasyon ka lang naman pala! Akala ko naman iiwan mo na talaga ako!" Sabi niya sabay kirot sa pisngi ko.
Tinulak ko siya palayo sa akin. Inirapan ko siya at kinuha yung bags ko.
Ngayon na ako aalis. Kaloka siya.
"Ako na magdala." Sabi niya. Edi hinayaan ko naman. Mabigat eh.
Paglabas namin. Nakita kong nilagay na niya yung mga gamit ko sa likod ng kotse ko. Pumasok na ako at pinapaandar na niya yung makina ng bigla syang pumasok at sumakay.
"Hoy hoy! Labas!" Sigaw ko sa kanya.
Hindi siya nakinig sa akin. Nag seat belt pa ang gaga. Sabay tingin sa akin. At kinindatan pa ako. Aba.
"Lumabas ka nga!" Sabi ko.
"No." Sabi niya.
"So sasama ka?"
"Yes!"
Para siyang bata tignan. Adorable.
I rolled my eyes. At wala akong choice kundi ang isama na lang siya. Nakakaloko naman oh. Gusto kong mapag-isa.Pero habang nagmamaneho ako, nung napatingin ako sa kanya... Napangiti ako.
Inabutan kami ng gabi sa biyahe. Halos tatlong oras nga yun. Tas si jodeb mahimbing na natutulog.
Nasa loob parin kami ng kotse. Naka-parking na kami sa isang resort. Actually, resort to nang tito ko. Sabi niya kasi sa akin. Punta lang daw ako dito anytime.
Kinuha ko yung cellphone ko at binuksan ang flashlight. At itinutok sa mata ni bed. Ay jobed. Mali, Jodeb. Jodeb.
Unti-unti siyang nagising at inalis ko ang cellphone ko. Halatang inis na inis siya.
"Good morning gago." Sabi ko sa kanya.
Nag-inat sya at saka napatingin sa paligid. Napatingin din ako kung san siya nakatingin. Ganda ng sunset.
Wait.
"Luh. May party? Woooahh." Sabi ko. Naexcite ako bigla. May beach party!
"Ako lang ang dapat makapunta don." Sabi niya.
Hinampas ko siya.
"Ano ka? Pinagbabawalan mo ba ako?" Sabi ko. Bumaba na ako ng sasakyan.
Bumaba rin sya. At pumunta sa likod para ilabas yung mga gamit ko. Kasi wala naman siyang dalang gamit niya. Tsk.
"Marami kayang lalaki don, pustahan." Sabi niya.
Natawa ako. Is he acting like my boyfriend right now? Kasi kung oo. Gusto ko, gustong gusto ko.
"Oh eh ano naman? Wala naman akong boyfriend." Sabi ko. I'm testing him again.
"Ginagago mo ba ako?" Sagot niya sabay lapit sa akin.
"Anong sabi mo?" Sagot ko. I crossed my arms.
Antayin ko na lang ang moment na ikaw na mismo bumigay bed. Aantayin kong ikaw na mismo ang may gustong lagyan ng label kung ano man ang meron tayo ngayon.
"Kung magpaparty ka. Sama ako." Sabi niya sabay irap at paalis na sana sa harap ko.
"Bat parang ang strikto mo bigla sa mga balak ko?" Sabi ko. Nilapitan ko siya.
"Masama ba?" Kalmado niyang sabi.
"Hindi naman. It just sounds like You care..." I said and his face lightens up and smiled. "...like what a boyfriend do." Dugtong ko. Naglaho ang ngiti sa mukha niya.
Napakunot ang noo ko.
Ba't ba ang misteryoso nito?
Ba't ayaw niya akong maging girlfriend? Officially?"Ayoko lang na baka mabastos ka." Sabi niya. Hindi siya makatingin ng diretso sa akin.
"Ano ba tayo?" Malamig kong sagot. Sabay alis sa harap niya at pumunta na sa building ng matutuluyan namin. One thing, kitang-kita ko kung paano nagbago ang expression ng mukha niya.
Ipapalabas ko sayo Jodeb na para na akong nawawalan ng interest sayo. Sana naman bumigay ka na hayuf ka.
Tanungin mo na kasi ako. Manligaw ka na o gusto mo tayo na talaga. Hinihintay lang naman kita eh.
Hinihintay lang kita.
BINABASA MO ANG
Dear Bed (Completed)
Romance"Fight for me. For us." - Jodeb Jodeb Franco and Monica Saguirel's love story starts off as any ordinary love story would. They met, they fell in love, and everything seemed perfect. However, Jodeb had a secret that he kept hidden from Monica - a se...