Chapter 9 - Again and again

5.8K 85 0
                                    

Hindi ko maintindihan si bed.

Talagang nakakalungot lang isipin na... Ngayong may label na kami, di na kami palaging magkasama. Samantalang noon, wala pang label. Halos di kami mapaghiwalay sa kung saan-saan magpunta. Nakakamiss lang.

Nakatulog ako ng magdamag nun sa kotse ko nung nalasing ako. Mabuti na lang at na-lock ko yung kotse.

Hinanap din ako ni ethan. Which was overwhelming. Kasi may paki siya sa akin. Yung boyfriend ko, ewan ko lang.

Masakit lang isipin na yung boyfriend ko, hindi man lang ako iniisip.
It's been 1 week na nga. Pero di siya nagpaparamdam. Text/Call, walang wala.

"Tulala ka na naman."

Napamulat ako sa realidad. Sa kakaisip ko di ko napansin na tapos na pala ang break time. Late na ko. Ba't pa ko papasok. Diba?

Wala naman siguro ang teacher namin ngayon ehhhh.

"Hoy, nakikinig ka ba sa akin?"

Napatingin ako sa lalaking nasa harap ko ngayon.

"Nakita mo si bed?" Sabi ko sa kanya.

"Huh? Sinong bed?"  Napakamot sya.

"Si jodeb. Nakita mo ba siya? Pumasok ba siya ngayon?" Sabi ko sa kanya.

"Nasa america kaya siya ngayon. Di mo alam?"

Halos gumuho yung mundo ko.
Nasa america siya?
Buti pa ang kaibigan niya, alam niya kung san siya. Eh ako? Girlfriend  niya. Perong walang alam. Peste.

Ano ba talaga ako sa kanya?
Para na akong walang silbi eh.
Di ako makapaniwala sa narinig ko. Seriously? Naiiyak ako.

Unti-unti ng pumasok sa kokote ko kung ano ba talaga kami.
Siguro nga fuck buddy lang talaga kami. Echos lang siguro yung pinag-sasabi niya sa akin. Siguro nga may girlfriend na talaga siya. Tas ako, ewan ko na.

"Di mo alam?" Tanong ni ethan sa akin. "May sak--."

Siguro nga wala lang ako sa kanya.

"Bullshit!" Hindi ko na kayang makinig pa. Ayoko na. Sawang-sawa na ako sa ganito. Di man lang magpaparamdam.

Kinuha ko cellphone ko and tried to call him. Nag ring naman pero tangina ayaw niyang sagutin. I ended the call at Nag-type ako ng message para sa kanya.

To: bed
Ayoko na.


-
"Mag-usap tayo." Sabi niya.

Pero patuloy ko parin siyang iniiwasan.

"Monica naman." Sabi niya.

Hind ko pa rin siya pinansin.
Nang bigla niya akong hinatak at dinala sa isang stock room. Talagang kinaladkad niya ako. Kapal.
Eh di siya na. Magagawa niya lahat ng gusto niyang gawin.

Mismo siguro na iwan ako, magagawa na rin niya.

"Ano ba!" Sigaw ko. Sabay alis ko sa mga kamay niyang nakahawak sa mga braso ko.

"Kausapin mo naman ako oh." Sabi niya.

Nagsukatan kami ng tingin. At binasag ko ang katahimikan.

"Sige! Magsasalita ako. Pero,  Sabihin mo muna sa akin na pumunta ka nang america na putangina wala akong alam. Sabihin mo sa akin kung bakit palagi kang nawawala. Sabihin mo sa akin kung ano ba talaga ang tanginang tinatago mo!" Ang bilis ng kabog ng dibdib ko.  Para narin akong kinakabahan.

Hindi siya nakasagot.

I smirked. Ayoko na.

"Kung hindi ka rin naman sasagot, bat ka pa humiling sa akin na kausapin ka, diba?" Sabi ko at palabas na sana pero pinigilan niya agad ako.

Napaharap ako sa kanya.
Nakayuko siya.
Naiinis ako. Naiinis na talaga ako.

"I can explain." Sabi niya.

"Okay, explain." Nagtinginan lang kami. At nakita ko na hindi niya alam kung ano ang sasabihin. He opened his mouth to speak but... Tumahimik sya.

Napaluha ako.
Sa sobrang inis na nararamdama ko. Napaluha na lang ako. And i hate it.
Tinignan ko siya ulit.

"EXPLAIN!!!" Sinigawan ko sya.

And I watched him cried. He is damn crying!

At nasasaktan ako. Wala na akong makitang dahilan pa na ipagpatuloy pa namin ang kung ano kami.

"You're losing me bed. Go on. Itago mo pa ang lihim mo."

I let go of his hand.

"Monica..." Tinawag niya ako sa pangalan ko.

"Let's take a break."

At umalis ako.
Iniwan ko siya sa loob.
At nung nakalabas ako sa building, ibinuhos ko yung sakit at mga luha.

2 weeks later .

The next thing i knew. Nasa harap ko na naman siya. Pumayat siya bigla.
Nakakainis lang kasi mawawala lang yung mga sakit at inis na nararamdaman ko.

We're fine. He surprised me nung mothsary namin. Kaya pinatawad ko sya kaagad. Di ko lang talaga kayang magtanim ng galit sakanya. Mahal na mahal ko siya.

And then, mawawala na naman siya. We're doing fine tapos mawawala na naman.

Si Ethan na yung palagi kong kasama. San ako magpunta,nandun siya.
May problema ako, binuhos ko sa kanya. Nandun rin sya sa oras na walang wala ako.

Pero nakakainis. Ganun pa din ang daloy nang relasyon namin ni bed. Dadating sya, tas mawawala ulit.

Nakakasakal na nga eh.
He already lost me.
But, kami na ulit.
Shame on me.

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon