Nasa apartment lang ako.
Buong araw akong tambay. Walang ginagawa. Higa lang. Tulog, kain, tas tulog ulit.To: bed
Di mo ba talaga ako rereplyan?Lumipas ang ilang minuto.
To: bed
Lets meet up.Tas tinapon ko cellphone ko pero tumunog kaya dali-dali ko na ring kinuha.
From: mom
D'you have time?Nawala ngiti ko dala ng dismaya na akala ko si bed ang nagtext.
Pero inayos ko na ang sarili ko at pumunta kay mommy."Mom." Sabi ko sa kanya sabay upo ko sa silya na kaharap niya. Agad siyang napangiti sa akin. Nasa isang cafe kami ngayon. Bihira lang siyang magyaya. Di ko alam kung bakit.
"Hey baby. How was school?" Sabi niya naman sakin. Hindi ko na sinagot. I changed the topic. Lagi lang naman nakalipad ang utak ko.
We talked and talked with different topics.
Hanggang sa dumating kami sa topic na iniiwasan ko noon. Pero handa ko nang sagutin ngayon.
"So, do you have a boyfriend already?" Sabi niya.
Napangiti ako.
"Yep." Proud kong sabi.
"Are you guys spending each time together?" Nawala ngiti ko. Napansin naman yun ni mommy. "Or not." Dugtong niya.
Pinilit kong ngumiti.
Pero di ko magawa.
Di ko alam kung boyfriend ko ba sya.
Para naman kasing hindi.
Wala nga siyang oras sa kin."May problema ba?"
Ilang sandali ang lumipas.
And i burst into tears.
Buti na lang at nasa isang corner kami na table. Kaya Wala masyadong tao."Hindi ko alam kung may problema, mom." Simula ko.
"I feel like he's hiding something from me." Sabi ko.
Pinapakinggan niya lang ako. At yun ang hinahanap-hanap ko sa panahon ngayon. Though, si ethan ay nasa tabi ko sa panahon ngayon. Yung taong marunong umintindi sa akin. Iba pa rin talaga kapag ang ina na ang nakaramdam sa sakit na naranasan ko. In the end, a mother can really feel what her daughter is feeling.
She patted my back.
"No, dont be sweet. Mas lalo lang akong maiiyak." Sabi ko. Sabay kaming napatawa. Nakakaloka kasi habang pinupunasan ko yung luha ko. Pinilit kong tumawa para gumaan ang loob ko.
"Dapat pag nasa isang relationship, marunong kayong magbigay ng oras sa isat-isa." Sabi niya.
Mas naiyak pa ako.
Nakikinig lang ako sa kanya."Second, dapat open kayo sa isat isa. Alamin ang problema. Kaya kung ramdam mong may tinatago sya. Alamin mo. Wag kang padalos-dalos sa mga desisyon mo ha? "
Napatango na lang ako.
Aalamin ko kung bakit dadating at mawawala si bed. Hindi naman sya kasi ganyan dati pa.
Our topic changed and mom decided to go home.
Sumakay na ako sa kotse ko.
Biglang tumunog ang cellphone ko.
From: bed
BebDi ko alam kung maging masaya ba ako o ano sa message niya.
I called him.
He answered.
"Bed."
Nag expect akong magsalita sya pero umubo siya ng matagal. Hino-hold nya pa ng ilang segundo bago siya makabalik sa linya.
"Okay ka lang?" Sabi ko kaagad.
"O-oh."
Pakiramdam ko hindi.
"Pupunta ako sa condo mo. Andiyan ka ba?"
"Oh." Sabi niya.
I ended the call.
-
As he opened the door, i immediately hugged him.At niyakap niya din ako. Ng mahigpit.
"Kumain ka na ba?" Sabi niya sabay punta sa sofa at umupo. Sininyasan niya ako sa umupo katabi ko.
Tumango lang ako bilang sagot.
Nilagay ko yung cellphone ko sa table at umupo sa tabi niya.
"May tanong ako bed." Sabi ko.
Pero di niya lang ako pinansin. Ang attention niya ay nasa buhok ko.
Nang biglang nag ring yung cellphone ko.Ethan Montana
Calling...Parehas kaming dalawa na napatingin sa cellphone. At nilingon siya.
Nagkatinginan naman kami ni bed.
Kukunin ko na sana yung cellphone pero hinarangan niya ang kamay ko.Hanggang sa na end na yung call.
"Problema mo? Kaibigan mo naman yun ah?" Sabi ko sa kanya.
"Kaibigan o hindi. Iinit pa rin dugo ko."
"So? Loyal naman ako sayo."
"There's so many guys at school who damn likes you monica. Now, Ano sa tingin mo ang dahilan na tumatawag siya sayo?" Sabi niya.
Napacrossed arms ako."Ahhh. Nagseselos ka? Ganun? Ano naman sa tingin mo sa isang taong biglang darating tas mawawala lang rin?" Sabi ko. Nagbago ang expression sa mukha niya. Okay, i expected that.
"Beb naman." Sabi niya at akma niya akong lambingin. Pero tumayo ako.
Nagulat sya at napatingin sa akin.
"You know what? Malapit na. Malapit na akong magsawa sa mga pinaggagawa mo bed. Hindi ko alam kung saan ka. Wala kang oras para sa akin. Ayaw mong sabihin sa akin kung bakit. Ayaw mo, bed. Pagod na ako bed. Sana naman alam mo yun."
"Beb." Sabi niya. "Im sorry, may inaasikaso lang naman ako."
Napangisi ako.
"Putangina bed. Ano ba kasi yang inaasikaso mo?!" Di ko na mapigilan ang sarili ko. Sinigawan ko na siya.
Imbis na sagutin niya ako. Bigla nya akong niyakap. Sinuntok-suntok ko yung likod niya at napaiyak.
"May iba ka na ba? Bat feeling ko ang layo mo na sa akin?" Sabi ko.
"What? No. Wala akong iba. Alam mo namang ikaw lang diba?" Pinunasan niya yung luha ko.
"Pero bakit ka laging nawawala?" Sabi ko na parang nagmamakaawa.
Hindi na siya sumagot. Lagi naman ganyan ang matatanggap ko eh. Wala na siyang maisasagot kapag ganun na ang tanong ko sa kanya.
"Beb, wag ka naman sanang sumuko sa kin. Lalaban pa ako. I promise aasikasuhin ko. And I'll comeback to you. At di na ako mawawala pa. Just give me time." Sabi niya.
Di ko alam.
Di ko alam kung ano ang aasikasuhin niya pero tumango na lang ako.
BINABASA MO ANG
Dear Bed (Completed)
Romance"Fight for me. For us." - Jodeb Jodeb Franco and Monica Saguirel's love story starts off as any ordinary love story would. They met, they fell in love, and everything seemed perfect. However, Jodeb had a secret that he kept hidden from Monica - a se...