Chapter 4 - From now on

8.3K 129 11
                                    

Pumunta ako ngayon sa party. Sabi ko sa kanya. Mag CR lang ako. Pero agad akong lumabas.

Napadpad ako dito sa may counter.
Nakakabingi yung music. Andaming tao. Bikinis and fires. It's already freaking hot.

Uminom ako ng isang glass.
At isa pa.
Isa pa.
At isa pa.
Isa pat isa pa.

"Gusto kita." Bigla niyang sabi sa akin.
Di ko alam kung ano ang maisasagot ko. Di ko naman alam na may gusto rin pala siya sa kin.

Naging mag-barkada kami. Mismo kaming dalawa lang. Name it, bestfriend/tropa/ano pa. Nagkakasabay kami sa ano-anong bagay. High school pa yun. Tas college na kami ngayon.

Pero hanggang ngayon, di niya parin ako niligawan. Ganun lang yun. Nag confess lang siya sa akin. Tapos. Sasabihan ko naman siya na may gusto rin ako sa kanya pero di naman niya masyado binibig deal. Di ko nga sya maintindihan eh.

Di ko alam san tutungo.
Hanggang sa 20 na ako.
He kissed me. And all.

I thought na... Kami na.

But I was wrong.

Sabi niya dapat mag tropa parin.
Di ko parin siya maiintindihan.

I tried to make him want me.
Yes, he want me.
He never told me that he loves me. And I don't know if he does.
All i know is that, he really want to be with me all the time.

Gusto niya ako ang kasama niya.
Gusto niya ako yung taong andun, andiyan para sa kanya.

Di ko alam kung ano ang pinaghahawakan ko. Na basta basta ko na lang binigay sa kanya yung mga gusto niya. Yung mga ginagawa niya. Gusto ko rin naman.

Nagkakasundo naman kami sa kahit anong bagay. Di ko lang talaga maintindihan kung bakit hanggang ngayon... Wala kaming label.

We're going way too far. Alam mo yun?

Parang kami na hindi.

Walang wala na ako niyan pag mawala sya sa akin.

Anong meron ba pag naging kami talaga? It's just a stupid label, i know.

But i always dreamed of being called his. His girlfriend. Instead of  a friend/tropa/barkada.

"Ma'am, tama na po. Para kasing hindi mo na kaya eh."

*paaaaaaaak* Sinampal ko ang bartender. Pero balewala lang kay kuya. Napatingin ako sa palad ko na para bang naguilty ako dahil sa nagawa ko kahit wala namang ginawang masama si Kuya.

Pero, napatawa ako nung naalala ko ang sinabi ni Kuya.

"Kaya ko pa eh. Ako pa. Kaya ko pang maghintay ng sobra-sobra at masaktan ng bonggang-bongga!" Sigaw ko at tumawa ng tumawa.

Nahihilo na ako.

Tumayo ako pero bigla akong napatumba. Pero wala ako nalanding sa lupa. Nalanding ako sa isang braso. Familiar na braso. Magandang braso.
Masarap na braso.

Napatingin ako kung sino.
At napatawa ako na parang walang bukas.

Bago pa ako makapagsalita, binuhat na ako ni bed. Ang gwapo kong bed. Bakla to. Gago rin.

"Hoy. Baba mo nga ko." Lagi kong bukambibig nung nasa elevator pa kami.

Sinuntok ko yung dibdib niya kaso parang wala lang. Wala naan akong lakas eh.

Hanggang sa nakarating na kami sa room namin. Hindi siya umimik simula pa kanina nung sinalo niya ako.

Pinahiga niya ako sa kama. Pero di siya umalis. Instead, pumaibabaw sya sa akin.

Kaloka. Ba't dalawa ulo niya?
Ohmygad. Alien to!
Natawa ako sa sarili ko. Ano ba tong mga nasa isip ko ngayon?

"Ayokong makita kang umiinom." Sabi niya.

May halong inis at galit. Pero kalmado lang ang pagkasabi niya.

"Bakit?" Sabi ko ng may halong lungkot sa boses.

"Ayokong makita kang umiiyak."

"Bakit nga?" Inis kong sabi.

Naalala ko na naman yung tanginang label na yun. Ano ba talaga tayo bed?

Naiiyak na naman ako. Umiyak pala ako kanina?

"Ayokong may kausap kang lalaki."

"Bakit? Tayo ba?" Matigas kong sabi. Diniin ko talaga yung tayo ba.

"Ayoko sa lahat ang hindi ako sinusunod, monica." Galit niyang sabi.

"Fuck you. Ano ba kasi ako sayo?"

Di siya umimik.

Nagtitigan lang kami at kitang kita ko kung paano siya kaseryoso na nakatitig sa akin.
Para na kong naduduling sa lapit ng mukha niya sa akin.

Feeling ko talaga apat na ang ulo niya.



"From now on, you're my girlfriend."

Matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon na matagal ko nang ipinagdasal at pinangarap.

I paused.

Pero nung nag-sink na sa utak ko ang sinabi niya,agad ko siyang sinunggaban ng halik.

I lost my mind when he answered every kisses from me.
Nalulunod ako sa mga halik niya.
Mas lalo niya pang diniinan.

And we kissed all night. Til i fell asleep in his arms.

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon