Chapter 18 - His confession

4.6K 72 0
                                    

"MONICAAAAAAA!!!"

Nagulat ako nung may sumigaw na isang lalaki sa pagkalabas ko sa airport.

"Omo." Sabi ko. Napatakip ako sa bibig ko. Ano ba monica, pilipinas to!
Nag Korean korean ako. May pa bow bow pa akong nalalaman. Magalang naman kasi akong tao.

Pero agad akong niyakap in Ethan.
Nasasakal na nga ako.

Kumuwalas siya.

"Wow. Kinis ng balat ah. Koreanang Koreana. Puro ba gulay kinakain mo dun?" Biro niya.

"Mambobola. Nagmumukha ka nang fuckboy dahil sa buhok mo." Sabi ko.

"Hey Sean, get her bags..." Sabi niya sa isang lalaki na parang bodyguard niya.

"Yes Sir."

Nagulat ako dun.
"Aba. Umasenso ka na ah."

"Dapat lang." At nag wink sa akin.

Pinagbuksan niya ako ng pinto.

"Gentleman natin ngayon ah?" Sabi ko ng pabiro.

"Sumakay ka na nga. Pinapakilig mo ako eh."

Inirapan ko na lang sya. Ano bang pinagsasabi niya?

"Ang bakla mo." Sabi ko at sumakay na.

Habang nasa biyahe kami papunta sa apartment ko.

"Hoy monica. Kailan ka papasok sa trabaho mo?" Sabi niya.

"Tomorrow. Speaking of trabaho, ano trabaho mo?" Sabi ko.

Napangiti sya.

"Di ka naman criminal diba?" Sabi ko. At tumawa sya.

"Di ah. Grabe ka naman. Isa kaya akong Vice president sa company ng tatay ko."

"Vice president nga din ako eh. Parehas pala tayo eh no?" Sabi ko.

Namula naman siya.

Ano bang meron sa kanya?
Natatawa ako sa mga reaction niya kahit wala lang naman sa akin.

Nakarating kami sa apartment ko.

Namiss ko to.
Wala namang nagbago.

"Dinner?" Sabi sa akin ni ethan sa likod ko.

"Okay." Sabi ko.

"Call ya later." Sabi niya.

Umalis na sya.
Humiga ako sa kama ko.
Pumikit ako.
At mukha ni bed ang naalala ko.

Kamusta na kaya siya?
Buhay pa naman sya diba?

-
Nagising ako sa pag ring ng cellphone ko. Inabot ko iyon at sinagot ko.

"Hello?"

"M-monica?"

Napakunot yung noo ko.

Tinignan ko kung sino ang caller.
It was bed.

My heart skipped a beat.
Napatigil ako.
And he hanged up the call.

After one year and ilang months. Tumawag siya.

Ibig sabihin... Okay siya?
Thats a relief.

Kinakabahan ako.

Oh god, I knew it.

Narinig ko lang Boses niya.
And I remember every single memories that we've shared before.

I still do love him.

-
Sinundo ako in ethan para mag dinner. Laking gulat ko kasi sa isang Entertainment company pala sya. Almost the same with us pero my company is more on selling beauty products.

Nagkukwentuhan lang kami in ethan.

"Nga pala." Sabi ko.

"Hmm?" Sabi niya habang iniinom niya ang wine niya.

"Tumawag sa akin so jodeb kanina." Sabi ko. Dahilan para mapatigil sya.

"Ano sinabi niya?" Sabi niya.

"Well, binanggit niya lang ang pangalan ko at... He ended the call."
Sabi ko. I was just being honest.

"Ah. Cr lang ako. Excuse me." Sabi ni ethan.

Agad naman siyang tumayo.

Nung bumalik na sya. Nagyaya na syang umuwi. Para bang nasira araw niya. Problema nya.

Tahimik kami sa biyahe at pagpasok ko sa building. Naramdaman Kong nakasunod pa sya.

Nasa elevator kami ngayon.

I broke the silence

"Ethan... Among problema?" Sabi ko sa kanya.

Humarap sya sa akin na ikinagulat ko.

He sighed.

"I cant keep it anymore monica." Sabi niya. Ikinulong niya ako sa isang corner ng elevator. Walang ibang tao kundi kami lang.

"Keep what?" Sabi ko na lang. Naiilang ako sa actions niya.

Ang susunod na sinabi niya ang ikinagugulat ko. Para akong nabingi.

"I like you."

Bago pa ako makapagsalita.
Hinalikan niya kaagad ako.
Nilunod niya ako sa halik niya and he pulled up.

Nagulat ako kaya hindi ako nakagalaw at nakapagsalita.
Tsaka naman bumukas ang elevator.

Lumabas ako. Pero di na sumunod so ethan. Nagtitigan lang kami hanggang sa nag-close ulit yung elevator.

Gosh. He can't like me.

What just happen?

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon