Chapter 6 - Incomplete

7.1K 99 0
                                    

Masayang-masaya ako sa bakasyon ko. 2 weeks yon. Damang-dama ko yung pagmamahalan naming dalawa. Char lang. Para nang honeymoon namin eh.

Napatawa ako.

Wala kasi siyang dalang gamit. Kaya napilitan siyang bumili ng mga gamit na bago. Oa naman. Kala mo naggigipit na sa pera. Ayaw kasing mag aksaya. Kaya nga type ko siya eh. And now, namumula na ako sa mga iniisip ko.

Mas pipiliin niya pang igasto ang pera niya sa mga importanteng bagay lang.

Napatawa ulit ako sa kakaisip ng mga bagay-bagay.

Nang may tumama sa noo ko. At nahulog naman sa desk ko yung tumama. Napa-kagat ako sa labi ko nung makita ko kung ano ang tumama sa noo ko.

Board eraser.

I gulped.

Nawala yung ngiti ko at napatingin sa harap.

"Get out of my class Ms. Monica Kyle Saguirel." Galit na sabi ni ma'am.

Napanga-nga ako. Nakakahiya.
Niligpit ko yung books ko. At napakamot ako sa ulo.

Nung nasa labas na ako.
Agad kong pinunasan yung noo ko.
Sakit nun ah.

Dumiretso na ako sa library.
Nilabas ko yung cellphone ko.

To: Bed
Pumasok ka?

Agad akong nakareceive ng reply. Wengya, bakit nakakakilig?

From: Bed
Wala. May inaasikaso lang.

To: bed
Ano naman?

At di na siya nag reply.

Anyari sa kanya?
Baka busy lang.

Buong araw akong distracted. Palagi akong nag check sa phone ko if may mensahe na ba galing sa kanya.

Birthday ko na bukas.

Pero di siya nagpaparamdam.

Umuwi akong mag-isa.
Humiga na ako kaagad. Hindi pa nga ako nagbihis.

"San ka na bang gaga ka." Sabi ko at di ko na namalayan na nakatulog ako.

Nagising ako. Sabado na. Yey.
Napatingin ako sa cellphone ko.
Wala man lang text? O Tawag?

Tinapon ko yung cellphone ko malayo sa akin. Naiinis na ako.
Di siya nagparamdam sa akin kahapon. Tapos ngayon? Araw ko pa naman. Birthday ko pero Wala siya.

Naligo na ako.
Nagbihis ako at nagsuot ng denim shorts, sneakers, at white v-neck T-shirt.

Kinuha ko ang headset ko. Halos mababaliw na ako sa kakahanap ng cellphone ko. Pinagsisihan ko tuloy natinapon ko siya.

Nasa huli talaga ang pagsisisi.

Pero nakita ko rin naman.
I wore a maroon cap. Headset on. Music was playing. At dala-dala ko yung digital camera ko.

I'll travel alone.
At uuwi na ako sa bahay namin after.

Nung nasa kotse na ako.
Tumunog yung phone ko. Dali-dali kong in-open yun. Nagmamasakaling siya na yun. Pero hindi pala.

From: Mom
Happy birthday sweetie. Please come home. We missed you.

Napangiti ako.

Kahit ang sama ng ugali ko. Maldita ako o ano. Lagi parin silang nag-alala sa akin. Iniisip pa rin nila ako.

To: mom
I will. Thank you mom. I love you.

Napadpad ako sa isang park.
Picture lang ako ng picture.
Upload ng pictures.
Picture ulit.
Nakikinig ng music.
Picture ulit.

Hanggang sa na-bored ako.

Para akong single chick ngayon.

Nabored ako ng bongga kaya naman napagpasyahan kong umuwi na lang sa bahay namin.

I parked my car sa garage ng bahay.
Napatingin ako sa bahay.
All is well. Sarap sa pakiramdam na makabalik na sa kung saan ako lumaki.

Pumasok na ako. May ilaw naman sa labas pero walang bukas na ilaw sa loob.

I turned on the lights. And a big surprise, surprised me.

"Happy birthday monica!"  Sigaw nilang lahat. Nakita ko yung mga masasayang mukha nila. At sinalubong nila ako ng mga yakap at halik.

Lagi lang akong napapangiti sa pinaggagawa nila. Di ako makapaniwala.

Aside sa banner na happy birthday, monica. Mayroong banner din na Welcome home.
Nakakataba ng puso.

Yung lamesa naman na punong-puno ng mga pagkain. Nakakataba ng mata.

Hinanap ko si mommy. At agad niya kong niyakap.

"Happy birthday, welcome home baby." Sabi niya sa akin.

Masayang-masaya yung mga ka- relatives ko. Neighbors. Friends ko nung sa high school  pa ako.
I missed them all.

Part of me assumed na andito si Jodeb. Pero alam kong wala. Binalewala ko nalang muna ang pag-iisip ko kay Jodeb.

Naging masaya na rin ako.
Andaming gifts. Pagkatapos ng kainan. Pinapatulog na yung mga bata. Nagmimistulang bar yung bahay nung lumalalim na ang gabi. Nagkaroon na din ng pool party.

We party all night. And i was damn happy.

But i feel so... incomplete.

Kumirot puso ko don.

Natapos ang party. Pumunta na ako sa kwarto ko. They never changed my room. Not even a bit. And i feel loved. Walang nagbago.

Still, buhay na buhay ang bata na monica sa kwarto. Humiga na ako sa kama ko. Napagod na rin ako ng todo.

I checked my phone.
Still, di siya nagpaparamdam.

I texted him.

To: bed
I hate you.

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon