Chapter 5 - My kind of happiness

8K 116 9
                                    

"May tanong ako." Sabi niya.

Kakagising pa lang naming dalawa.
Ano ba ang date kahapon? Diba naging kami na talaga kagabi?
Kinikilig ako sa mga iniisip ko. Geez monica. Para kang high school stude.

"Hoy. Nakikinig ka ba sa akin?" Ulit niyang tanong.

"O-oh?" Sabi ko. At napatitig siya sa kin.

Yakap-yakap pa naman namin yung isat-isa. Nakahiga pa rin. Tas face to face.

So warm.
Gustong-gusto ko to.

"Bakit ang saya mo?" Sabi niya.

Napakunot yung noo ko.
Di pa ba obvious? Bobo nito.

"Kasi... May tayo na. Girlfriend mo ako, boyfriend kita." Namula ako sa sinabi ko.

Napatitig lang siya sa akin.
Mas hinigpitan niya yung yakap niya sa akin.

"Ah." Sagot niya.

Bakit parang ang gago nito? Ba't parang ako lang ang masaya? Pinagsisihan niya ba yung sinabi niya sa akin kagabi?

"May tanong rin ako." Simula ko.
Nilaro-laro niya yung buhok ko.
Pero nakatingin parin siya sa mata ko.

"Bakit ayaw mong may label tayo noon?" Sabi ko. Dahilan para mapatigil sya sa ginagawa niya.

I can see pain in his eyes.
Di ko alam kung bakit.

Bakit ba?

"Uhm... Tayo lang rin naman ang mahihirapan."

Napakunot yung noo ko. Mas lalo ko siyang hindi naintindihan.

"Eh bakit sinabi mo yun kagabi?" Sabi ko na seryosong-seryoso.

Napaupo sya. Napaupo na rin ako.

"I can't lose you." Sabi niya. "Bahala na... Basta ang alam ko. Ginawa ko yun para maging masaya ako. Tayo."

Hindi ko talaga siya naintindihan. Ano bang dahilan? Ano bang meron?

Pero kinilig naman ako sa sinabi ng baklang ito.

Tumingin sya sa akin. At akmang hahalikan ako pero putangina!


Napautot ako.

Napapikit sya sa kakatawa. Ang lakas naman kasi ng tunog. Tas yung tono pa talaga ng utot ko, parang nag-doremifasolatido.

Peste.

Pero kay bed? Di na ako nahiya. Magdusa siyang amoyin tong utot ko.

Tawa pa rin siya ng tawa.

Hinampas ko siya sa braso. At binato ko siya ng unan.

Di pa siya tumigil kaya napikon na ako.

"Ano ba bed! Tumigil ka nga." Sigaw ko.

Nakasimangot ako pero parang nanggigil lang siya sa akin.

Nakaka-haybald.

Pinunasan niya yung luha niya. Naiyak pa. Tsk. Hawak-hawak niya na ngayon ang tiyan niya.

"Di ka ba talaga titigil?" I grabbed his neck and knocked him down.

Nasa kama rin naman kami kaya okay lang na i-wrestling ko siya ng todo.

"Ano ha? Tawa pa!" Sabi ko.

Para namang di siya nasaktan sa pag lock ko sa braso niya.

Nong napa-aray siya. Pumaibabaw ako sa kanya at ginugulo yung buhok niya.

"Oo na. Sorna beb. Di na ako tatawa." Nakakapikon. Sinabi niya yun pero tumatawa parin naman.

"Tawa pa! Jongina. Papatayin kita!" Sabi ko ng buong buo.

Mas napatawa pa siya.

Tangina. Di naman umamoy yung utot. Yung tunog lang kasi talaga.

"Papatayin mo ako? Kaya mo?" Sabi niya sabay lipbite. Is he seducing me right now? Kasi kung oo, game ako.

He licked his lips.
Abaaaaa.

Sinipa ko yung tagiliran niya. Hindi pa talaga siya titigil eh no?

"Papatayin talaga kita sa halik." Sabi ko. Sabay lipbite rin.

Inunahan mo ko. Tignan natin kung sino ang mananalo.

Hahalik na sana ako pero kung saan-saang banda tumama yung mga halik ko. Ayaw niyang magpakiss sa labi.

Nilayo ko yung mukha ko. Pero nasa ibabaw niya parin ako. Ang laki ng mga ngiti niya.

"Bakla ka ba, bed?" Sabi ko.

Nawala yung loko niyang expression.
Naging seryoso siya bigla. At siya naman ang pumaibabaw sa akin.

Yung dalawa kong kamay hawak niya.
Para na rin akong walang kawala.

"Sinong bakla?" Sabi niya. Husky pa talaga ang boses niya.

Pero bago pa ako makasagot. Hinalikan niya ako. This time it was soooo slow. He was so slow that i froze.

Pababa ng pababa ang mga halik niya. He is kissing my neck. Damn. Ang bagal ng halik pero ang sarap sa pakiramdam.

Napa-ungol ako kaya natawa na naman siya ulit.

Peste.

Nakakapikon na po talaga. Nakakabitin pa.

"Nagtatanong lang naman ako kung bakla ka." Sabi ko. "Tumahimik ka na, walang nakakatawa." Patuloy ko.

"Hindi ako bakla. Halikan pa kita ulit diyan eh. Mapapa-ah kana naman." Ginaya niya pa talaga yung boses ko na umungol. Binatokan ko siya. At umalis siya sa ibabaw ko.

"Tsk. Marunong din naman humalik yung mga bakla no." Sabi ko ng mahina. Pero narinig niya. Bakit ko ba nasabi yun? Eh totoo naman kasi talaga. Marunong humalik ang mga bakla!

Kaya naman pumaibabaw na naman siya ulit sa akin.

"Di ka talaga titigil eh no?" Sabi niya.

"Ikaw nga kanina. May poreber na kayo ng tawa mo." Sabi ko at hindi tumingin sa mga mata niyang nakapako sa akin. Nakakatunaw eh.

"Beb. Alangan namang ikama pa kita?" Sabi niya dahilan para mapatawa ako.

Humiga siya katabi ko.
At tumawa na lang din sya.
Parehas kaming tumatawa.
Nakakatuwa.
Agang-aga, ang ingay na namin agad.

Pinagdasal ko pa to noon. Pero nangyayari na ngayon.

I kissed his cheeks and closed my eyes.

"Im so happy, bed." Sabi ko.

"Deb." Pangungurek niya na naman sa akin.

Tumawa na naman ako kaya natawa na naman siya.

My kind of happiness.

Dear Bed (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon