Chapter 4

2.8K 74 3
                                    

#IkawNaNga
CHAPTER 4

Loisa's P.O.V.

At kung minamalas ka nga naman. Magkaklase pa talaga kami ng Alonte na ito sa Economics subject ko. Gusto ko na tuloy mag shift dahil nabwibwiset talaga ako sa tuwing nakikita ko siya. His guts! I can't even handle the nerve of that guy!

Nakaupo ako sa bandang likuran malapit sa bintana at siya naman ay nakaupo sa aking harapan. Oh diba? Bwisit na buhay. Wala akong choice eh! Pagbalik ko dito sa classroom, halos naubos na yung mga magagandang pwesto kaya no choice ako.

Hindi ko nalang siya papansinin. 1 hour class lang naman ito. Kayang-kaya.

"Hi Loisa."

Tiningnan ko ang katabi ko at napagtanto kong si Allen Cecilio ito. Ang Mr. Nice Guy ng school namin. Sabi nila mabait daw tsaka gentleman. Napakakinis din ng kanyang mukha. He's so neat to look at and he looks so presentable.

"Hello Allen." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Ang ganda mo pala kapag malapitan."

Ay hala grabe sya!

"Hindi naman. Pero salamat."

"Ang ingay."

Kahit kailangan asungot talaga tong Alonte na ito eh! Sumasabat kahit hindi naman kasali sa usapan.

Hindi nalang namin siya pinansin at nakinig nalang ako sa introduction ni Ma'am para sa magiging lessons namin this semester.

Malapit na rin mag finals kaya todo bigay ng mga activities ang aming mga teachers at may mga sandamakmak na reports na kahit kakasimula pa lang namin bumalik galing Christmas vacation.

Accountancy yung kinuha kong kurso dahil ito yung parang gusto ng magulang kong kunin ko. Napamahal na din ako kaya okay lang. Si Maris naman, psychology yung kinuha niya pati na rin si McCoy kaya halos lahat ng subjects ay magkaklase sila.

Ewan ko lang sa Ronnie Alonte na ito. Sa palagay ko, nag shift lang siya ng Accountancy dahil hindi ko naman siya naging kaklase noong 1st semester.

30 minutes na simula nung nag didiscuss si Ma'am. Naiihi tuloy ako.

Kinalabit ko si Allen.

"Ahhh Allen, pwede favor? Pahawak naman nitong bag at water bottle ko oh. Pupunta lang akong CR. Mabilis lang."

Agad niyang kinuha yung mga gamit ko.

"Sige ba. Walang problema yan."

Ngumiti ako at nagdahan-dahan sa paglabas para hindi mapansin ni Ma'am. Sa bandang likod nalang ako dadaan.

-----------------------------------------------------------------------------------

Ronnie's P.O.V.

Bigla akong nakaramdam ng antok.

Fuck. Ang tagal naman matapos mag lecture ng matandang 'to!

Magtetext na nga lang ako sa girlfriend ko.

To: Sue Babe <3
Babe, anong gawa mo? Boring ng class namin.

*message sent*

"HAHAHAHAHA sige na pre! Uminom kana diyan sa tubig ni Loisa parang nag kiss na rin kayo niyan!"

Tumingin ako sa likuran.

Nasan yung Loisa na yun? Loisa nga ba pangalan nun? Ah basta. Ang sadistang babae. Tsk.

Hindi lang pala sadista burara pa. Iniiwan yung gamit niya sa kung kanino lang!

"Ayan ayos! iinom ka din naman pala eh! Pag balik ni Loisa ibigay mo kaagad sa kanya yan!"

Biglang umigting ang aking panga. Napakakitid ng mga utak. Yan yung mga lalakeng torpe. Dinadaan sa indirect kiss! Psh. Mga walang modo.

Humanda sa akin 'toh mamaya.

-------------------------------------------------------------------------------------

Loisa's P.O.V.

Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa nakabalik na ako sa classroom.

Pag-upo ko, agad kong kinuha yung mga gamit ko kay Allen.

"Salamat Allen ha." Sabay ngiti ko sa kanya.

"Walang anuman Loisa. Basta ikaw."

Biglang nakuha ang atensiyon ko kasi tumayo ang mayabang! Edi sino pa? Alam niyo na!

Bigla siyang humarap sa akin at tiningnan ako sa mga mata. Pakshet. Nang-aakit ba siya?

"Nakakauhaw naman."

Nagulat ako dahil bigla niyang kinuha yung tubig ko at talagang ininom niya! As in linagok talaga! Oh my god!!!

"Ano ba????! Bakit mo ininom ang tubig ko???"

Ngumisi siya at agad na umupo.

"Nakakuhaw eh. At tsaka, kumalma ka nga diyan. I am doing you a favor!"

Kalma? Bwisit siya. Dammit! Ronnie Alonte, you will always be my favorite target!

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon