Chapter 20

2.7K 71 3
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 20

Loisa's P.O.V.



"Class, sorry for the delayed schedule but I am just informed by the principal today that all Accountancy and Business Ad students will be staying in the Gym for some Business Seminar."



Nagsigawan ang buong klase sa announcement ni Miss. Mas mabuti na rin yun! Boring kasi kapag discussion.


Agad kaming nagsitayuan para pumunta sa gym. Paniguradong nandoon din si Ronnie kasi lahat ng Accountancy students daw eh. Sana makita ko siya.


I bit my lower lip dahil sa naiisip ko. Sobrang obsessed ko na ba sa kanya? Di niyo naman ako masisisi. Sobrang sweet niya kasi tsaka sobrang maalaga pa. Dating gawi pa rin naman. Sinundo niya ako kanina sa bahay at hinatid sa classroom ko.


Pagdating namin sa gym, medyo puno na. Kami lang yata yung kahuli-hulihang block na dumating. Agad kaming kumuha ng mauupuan. Nagpalinga-linga ako nagbabaka sakaling makita ko siya. Pero dahil sa dami ng tao, di ko siya nakita.


"Good morning everyone!" Napabaling ang atensiyon ko sa harapan sa babaeng nagsasalita. Coordinator ata.


"We are all gathered here today for an important seminar regarding about business since all of you is interested about this matter."

Yup. I am really into business. I really dream about having my own boutique of clothes.


"We have invited a special guest to enlighten us about the field of business. Supposedly, we will have Mr. Garcia of the Shipping company but he has already an appointment...."


Garcia? Wait. Don't tell me....


"So instead, we will be listening to his son, please help me welcome, Joshua Garcia the future CEO of the Garcia's Shipping Company."


Kasabay ng pagpasok ng lalaking naka tuxedo ay siya ring panlalamig ng aking katawan at ang panunuyo ng aking lalamunan.


It's been awhile since the last time we've met. Sobrang laki na ng pinagbago niya. Gwapo siya noon pero lalong tumingkad ang kaguwapuhan niya ngayon. Halos hindi ko siya makilala.


Damn. That's my ex boyfriend right there.


Oo. Tama po ang nabasa niyo. Joshua Garcia was my ex boyfriend and also my first love.


"Oh my God! Gwapo niya!!!" Singhal ni Julia na nasa likuran ko. Tsk. Kahit sino nalang ba? Mas mabuti pa at si Joshua ang pagtuunan niya ng pansin kesa kay Ronnie ko. Kainis ang babaitang toh!


"Good morning to each and everyone." Mas lumalim pa ang kanyang boses. Asan na kaya siya nag-aaral ngayon? Naging kami noong 4th year highschool ako. Tumagal din ng 8 months yung relasyon namin. Mas tatagal pa sana kung hindi lang talaga kami hinadlangan ng pamilya niya.


Hindi kami mayaman eh. Sakto Lang. Sila naman, sobrang yaman. Syempre mas gugustuhin ng magulang niya babaeng mayaman din para sa kanya.


Sobrang hirap nga ng break up namin kasi tagal kong naka move on. First love kasi eh. Pero di naman ako nagsisi sa naging kahinatnan. Di ako nagsisi dahil nakilala ko naman ang isang Ronnie Alonte na sobrang pinapasaya din ako ngayon.

"So, before anything else, I would like to introduce myself, I am Joshua Garcia and I am here to conduct a seminar on how to manage a business." Biglang nagtilian yung mga babae sa paligid. Di ko naman sila masisisi. Eto kasing si Joshua parang si John Lloyd Cruz din eh.


Nagsimula na siyang mag conduct ng seminar at nag share ng mga experiences niya sa business.


Tumagal ng halos kalahating oras ang pagsesermon sa harap nang biglang napatili ng malakas ang mga babae. Anong nangyayari?


Tiningnan ko ang katabi kong kaklase. "Uhmmm, anong nangyayari?"



"Pipili daw siya ng isang babae sa crowd para maging partner niya sa harap! Kunyari may interview na magaganap! Omg!" Kilig na kilig din 'toh eh! Akala niya mapipili siya. Sa dami bang babae dito!


"May napili na po ako!" Nagsigawan na naman yung mga babae sa paligid. Nakakarindi nubayan!


Biglang tumunog yung phone ko at tiningnan kung sino yung nagtext.


1 new message from:
Baby 💜

San ka banda? Di kita mahanap.


"Ahhh miss, ano pong pangalan nun?" Nagtanong si Joshua sa teacher na malapit sa kanya.


Binaling ko naman ang aking atensiyon sa phone ko. Magtitipa na sana ako ng irereply nang biglang hinampas ako ng katabi ko! Bwisit toh ah!


"Loisa, ikaw daw! Ikaw daw! Swerte mo! Bwisit kaaaa!!!!"


Gulat na gulat kong tiningnan ang harap nang makita kong tinitingnan ako ng lahat pati na rin si Joshua.


Shit. Bakit ako?!! Alam ko sinadya niya toh. Ughhhh! Nakakainis!


Bigla akong pinagpawisan! Hindi sana ako pupunta sa harapan pero sinundo ako ng adviser namin sa upuan ko kaya no choice ako.


Ang tahimik ng paligid. Bwisit! Nakaka intimidate tuloy!


Para akong nililipad sa ere nang makita ko kung gaano pa kalayo ang lalakarin ko bago makapunta sa stage.


Lumunok ako at pinagpatuloy ang paglalakad nang may nakita akong isang pamilyar na matang nakatingin sa akin.


Those eyes bore into me. Hindi lang ako ang tinitingnan niya kundi pati na din ang kaluluwa ko. Napaawang ang bibig ko at nangatog ang binti ko. Ang mga mata niya ay tila apoy na punong puno ng galit.


Fuck. Galit na galit akong tinitingnan ni Ronnie Alonte.


Sorry, baby. I wish I could run away but I couldn't! Baka isipin nilang baliw ako!

Nang makarating ako sa stage, kinuha agad ni Joshua ang aking mga kamay.

Sinulyapan ko ng isang beses si Ronnie at tinagilid niya ang ulo niya na para bang ineexamin ako. Kinagat ko ang labi ko. Nakita ko kung paano niya tinitigan ang kamay kong nakahawak sa kamay ni Joshua. Napabulong ako sa sarili ko ng ilang mura.

Huminga ako ng malalim at pinagdasal na sana matapos na 'toh. Damn. Galit na galit siya. My man is so fucking mad!

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon