Chapter 27

2.9K 75 14
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 27


Tatlong buwan na ang lumipas simula nang naging kami ni Ronnie. Hindi naging madali ang relasyon namin dahil na rin sa mga magulang ko.

Ilang linggo akong di kinibo ni Papa dahil nilihim ko raw sa kanila na may nanliligaw sa akin. Nakakalungkot, syempre. Pero patuloy pa ring sinuyo ni Ronnie ang mga magulang ko hanggang sa kalaunan ay natanggap rin nila kami.


Pinakilala niya na rin ako sa kanyang pamilya at pati na rin sa kanyang mga pinsan. Parang buong angkan niya ata ay kilala na ako eh. Sobrang saya namin.

Hatid-sundo niya ako sa bahay. Dinadalhan niya ako ng pagkain, madalas kaming gumala. Di rin naman maiiwasan ang away at selosan. Mga pagsubok lamang iyon upang mas lalong mapatibay ang isang relasyon. Nananatili kaming matatag.


Lalo na ako. Pinipilit kong maging matatag. Katulad ngayon.


"Ronnie, maging sweet ka naman kay Julia! Ilapit mo yung mukha mo sa kanya at titigan mo siya sa mata." Sabi ng photographer sa boyfriend ko.


2 weeks ago, nakuha siya bilang isang brand ambassador ng sikat na clothing line. Syempre sobrang saya ko para sa kanya dahil magandang opportunity din iyon. Ang masaklap nga lang, may partner siya. Ngayon ko lang din nalaman na ang magiging kapareha niya ay si Julia Barretto. Yung kaklase kong may gusto din kay Ronnie. Nakuha din kasi si Julia kasi yung Tita niya ay isa sa mga nag handle ng business.


Hula ko nga eh baka si Julia pa ang nag suggest na kunin si Ronnie. Syempre nagseselos ako pero di ko lang sinasabi kay Ronnie dahil baka masira ang career niya.


Sumasama ako sa kanya tuwing may photoshoot siya dahil Saturday at Sunday ang sched niya kasi may klase sa Lunes hanggang Biyernes.


Napasinghap ako ng sobrang lapit na ng mga mukha nila. Bwisit. Kailangan ba talaga ganyan? Ito yung mahirap kapag showbiz eh, kailangan talagang scripted para kagatin ng masa yung loveteam.


Sana naman ay hanggang sa photoshoot lang si Ronnie. Wag sana siyang kunin sa isanh serye o movie lalo na kung si Julia ang kanyang makakapareha. Wala akong tiwala sa babaeng yan eh. Kung makadikit parang linta.


Sarap sumigaw sa mukha niya ng 'HELLO MAHIYA KA PO SA GIRLFRIEND NIYANG NILALANDI MO' kaso nirerespeto ko si Ronnie. Ayokong itigil niya ang career niya ng dahil lang sa akin. Trabaho lang din naman. Trabaho lang dapat.


Medyo mahirap na rin kaming lumabas kasi parating may paparazzi na nakasunod sa kanya. Kaya sa tuwing may date kami, dapat may kasama kaming iba para hindi mahalatang nagdedate kami.

May mga fans na din si Julia at Ronnie. Pinangangalandakan talaga nila na gusto ni Ronnie at Julia ang isa't-isa dahil lang sa mga sweet nilang pictures. Nakuuuu. Kung alam niyo lang talaga.


"Okay! It's a wrap! Bukas ulit!" Sabi ng photographer.


Agad na kumalas si Ronnie sa scripted na yakapan nila ni Julia at naglakad siya patungo sa akin.


Kahit gaano pa sila kasweet sa scripted na mga kilos nila ni Julia pag may camera, sa akin pa rin siya uuwi at the end of the day. Lumalabas ang totoong siya kapag walang camera. Sa akin lang siya ganito. Sa akin lang dapat. Dahil ang mga importanteng bagay ay nangyayari sa offcam.


"Baby, sorry pinaghintay kita." Nginitian niya ako saka hinalikan ako sa noo. Kitang-kita ko na pagod na pagod siya. Kawawa naman ang baby ko.


"Okay lang po. Pagod na pagod yang mukha mo ah? Okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya sa gilid ko at nagpunas ng pawis.


"Hirap magpanggap pag may camera eh. Kailangan ganito. Kailangan ganyan. Kailngan mong maging sweet at magpanggap sa taong makakasama mo para lang sa mga fans."


IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon