Chapter 12

2.7K 65 4
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 12

Loisa's P.O.V.


"Loisa, ano ba yang suot mo!!" Kasalukuyan akong pinapagalitan ni Maris dahil balot na balot daw ako sa aking suot. Psssh. Pake niya ba kung gusto kong magpantalon.



Nasa bahay kami ngayon. Namimili ng masusuot ko. Nag-aayos. Naghahanda para sa "DOUBLE DATE" kuno. Opo. Tama po ang inyong nabasa. May double date kami nina Maris at McCoy tsaka si Ronnie at Ako. Ewan ko ba pakana lahat ni Maris 'toh eh!



Sabado ngayon kaya pinayagan ako nina Mama na gumala. Yun nga lang syempre, di ko sinabing may date ako. Malamang!!! Baka di ako payagan jusko


Nakasuot si Maris ng mini black dress na scoop back at fitting na fitting sa katawan niya. Sobrang sexy naman nitong bestfriend ko!


"Loisa oh! May mga magaganda ka namang damit dito. Wag ka magpantalon! Baka mamaya maturn off si Ronnie niyan dahil sa kabaduyan mo!" Sabay abot niya sa akin ng red na sleeveless tsaka maong high-waist shorts at white sneakers.




"Hala! Pake ko kung ma-turn off siya? Di ko na kasalanan yun. Tsaka ano ba 'toh Maris! Baka ginawin ako dito!"




"OA mo bes! Dali na!!! Baka mamaya malate pa tayo." Inirapan ko nga! Masyadong atat eh.



In the end, sinuot ko rin ang binigay niya at nilagyan niya rin ako ng choker. Naku! Perks of having a fashionista bestfriend.


Nagkulot lang kami ng buhok tsaka light make-up at nagpaalam na kami nina Mama para makaalis na.



Habang nasa biyahe kami, panay tawag si McCoy kay Maris.


"Hello love? Oo. Papunta na kami. Sa Jollibee yung meeting place natin ah. See you."

Ibinaba na ni Maris ang telepono at tiningnan ako. Ngumiti siya. "Ganda naman ng bestfriend ko. Sobrang sexy pa. Subukan lang talaga ni Ronnie na saktan ka, Nakuuuu!!! Malilintikan sa akin yun."

"Maris, diba sabi ko sa'yo, kung ano mang meron sa amin ni Ronnie ngayon, laro laro lang parang tropa tropa chill. Tinutulungan ko lang siyang paselosin si Sue."

Tumingin ako sa harapan. "Dahil kapag bumalik na si Sue, mapuputol na rin ang anumang koneksiyon ang meron sa amin."

Bumuntong-hininga si Maris. "Panindigan mo yan. Pinasok mo kasi yan eh. Kung bakit ka ba kasi pumayag. Pero alam mo bes, malay natin baka mahulog din si Ronnie sa iyo. We don't know. Basta ikaw, wag mong pigilan yang nadarama mo dahil kung saan ka masaya, nakasuporta lang ako palagi sayo.



Hayyyy. Napakaswerte ko sa bestfriend ko.




Lumipas ang halos dalawampung minuto ay nakarating na rin kami sa mall na napag-usapan namin. Dumiretso kaagad kami sa Jollibee at nadatnan namin ang busangot na mukha ng dalawa. Katulad ni Maris, naka all black din si McCoy p, black shirt at black pants. Si Ronnie naman, naka maong pants, pink na tshirt at white na jacket.






Gwapo naman ng baby ko. 🙈🙈🙈🙈🙈🙈🙈🙈 Hayaan niyo na. Tayo lang naman nakakabasa nito HAHA






Nagbeso kami sa kanila at umupo na. Nagpaalam si Maris at McCoy dahil sila nalang daw ang mag-oorder.





Tiningnan ko si Ronnie at ewan ko pero parang naiirita yung mukha niya. "Huy! Anyare sayo?"




"Wala." Di siya makatingin sa akin.




"Ano nga?!"





"Wala nga kasi."





Bumuntong hininga ako. "Di naman kita mapipilit eh. Sge bahala ka kung ayaw mong sabihin."





I saw that he clenched his jaw and I swear to God he's hundred times hotter when he did that.





"Bat ganyan ang suot mo?" Ngayon tiningnan na niya ako ng diretso sa mata. Parang kinukuryente ako.






"Anong mali sa suot ko?"





"Sa tingin mo maaakit ako diyan? Kung ginagawa mo yan dahil sa akin, pwes sinasabi ko sayo hindi epektibo."






"Oh edi hindi. Sabi mo eh."





"Malaki talaga yung pagkakaiba niyo ni Sue. Dahil siya? Hindi niya kayang magdamit ng ganyan para lang maimpress ako."




Ngayon, medyo nagalit na ako sa sinabi niya. Fuck. Ito ang pinaka ayaw ko sa lahat. Ang ikumpara ako sa ibang tao.





"Malamang magkaiba talaga kami. Oo alam ko. Sige. Siya na maganda, siya na ayos manamit. Ako? Ako lang naman yung trying hard manamit para sayo. Oh ayos na ba? Diba yan ang gusto mong marinig diba?"




His eyes softened. I don't know if he felt guilty or what. I don't care. Those words just pointed right straight through my heart. Ang sakit. Sobra.





"Loisa... Hindi naman yun ang ibig kong sabihin."




Pinipigilan ko ang luhang kanina pang gustong lumabas. Ayokong umiyak. Ayokong umiyak sa harapan niya.




Ngumiti ako ng pilit. "Okay lang. Alam ko naman siya talaga yung lamang eh. Kailangan mo lang naman ako para may mapagkatuwaan ka. Huwag kang mag-alala. Pag nagkabalikan na kayo, hindi na ako hahadlang pa. Ayoko ng tinatago ako. Ayoko ng pilit kong tinatago kung ano man ang meron tayo dahil iyon ang gusto mo."




Magsasalita na sana siya pero biglang dumating sina McCoy at Maris na dala-dala ang order namin.



Nakakapagod ding magmahal. Nakakapagod magmahal ng isang taong hindi sigurado kung ikaw lang ba talaga ang pipiliin niya. Nakakapagod umasa sa wala.

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon