Chapter 10

2.9K 84 3
                                    



#IkawNaNga
CHAPTER 10

Loisa's P.O.V.

*ring* *ring*

"Ano ba Loisa! Gumising ka na!" Dinig na dinig ko ang sigaw ni Mama galing sa labas ng kwarto ko. Tiningnan ko ang oras at 7AM na pala. 7:30 yung class ko. Dali-dali akong naligo at nagbihis. Patay! Baka malelate ako nito.


Tagal ko kasing natulog kagabi eh! Eh paano ba naman. Ayaw magpatulog ng Ronnie na yun. Kahapon kasi, pumayag ako sa gusto niya na paselosin si Sue. Tanga na kung tanga pero parang ito lang din kasi yung tanging paraan para mas makilala ko siya at para maipadama ko sa kanya na hindi siya nag-iisa. Nag exchange numbers din kami kagabi at tumawag siya pagkatapos niya akong ihatid sa amin. Mga halos tatlong oras din kaming nag-usap. Sobrang sarap niyang kausap. Hindi kami naubusan ng topic. At yun ang dahilan kung bakit late na akong natulog.


Pumayag ako tsaka may deal kami. May ginawa akong mga patakaran:

1. Bawal ang physical contact. No holding hands, hug at lalong lalo na ang kiss!

Pero sabi niya, kailangan daw yung holding hands kapag makasalubong kami ni Sue. Para-paraan din eh!

2. Bawal akong gumastos kapag may mga date. Sa kanya lahat ng gastos.
3. Bawal siyang makipaglandian sa ibang babae kundi silang dalawa pa ang mauntog ko sa pader!
4. Bawal ang masyadong clingy. Ayaw ko ng palaging nagtetext o tawag. Kapag kailangan lang at may importanteng pakay.
5. At ang pinakahuli, BAWAL MAINLOVE.

Sabi pa niya baka daw nilabag ko na yung panglima. Hangin eh noh? Oo gusto ko siya pero hindi pa umabot sa puntong inlove na talaga.

"Ma, Pa, mauna na ako!" Paalam ko kina Mama at Papa na nasa sala.


"Kumain ka muna Loisa!"



"Wag na po! Mamaya na." Madalian kong sinabi tsaka agad-agad na pumara ng jeep.


Habang papalapit na kami sa eskwelahan, napansin kong sarado na nga ang gate. Naku lagot! Late na talaga ako. Maglilinis na naman sa library. Kainis! Naugalian na kasi naming maglinis ng library kapag late. Hayyy hassle!

"Manong! Para po." Agad akong bumaba at tinakbo ang distansiya patungong skwelahan. Sumigaw ako para marinig ng school guard namin at agad akong binuksan.



"Tagal mo naman. Naiinip na ako kakahintay."



Tiningnan ko ang nasa harapan. Nakahilig siya sa kanyang sports car na pula habang inaayos ang buhok. Gwapo. Bwisit talaga tong Alonte na toh.



"Bakit nandiyan ka? Atsaka sinabi ko bang hintayin mo ako?" Lumapit siya sa akin at nilagay ang takas ng aking buhok sa likuran ng aking tenga. Medyo nanlambot ako sa kanyang ginawa pero nanatili akong mahinahon.


"Ganda naman ng baby ko." Biglang namula ang pisngi ko sa kanyang sinabi. Fuck. Why is he saying this? Bakit niya ako pinapahirapan ng ganito? Parang kuminang ang lahat ng pwedeng kuminang sa paligid at tili tumigil ang ikot ng mundo.



Wala akong ibang marinig kundi itong tibok ng puso ko.

Kinunot ko ang noo ko upang hindi mapaghalataang kinikilig ako. Bwisit toh! "Anong baby?! Tsaka ikaw! Tigilan mo ako sa mga moves na ganyan! Asus hindi na ako madadala diyan. We don't have to pretend right now. Wala si Sue dito."


Tumawa siya ng mahina. "Bakit? Pwede pa rin naman tayong magpanggap kahit wala si Sue diba? Bakit init ng ulo mo? Hindi mo nalang na-appreciate na hinintay kita." Umamba siyang tumalikod na parang nagtatampo.


Hinawakan ko yung kamay niya. "Uy! Joke Lang. Oh sige, thank you sa paghintay."


Nagdadalawang isip pa siya pero nginitian din naman ako. "Tara na! Maglinis na tayo ng library."

Habang naglalakad kami, hindi niya pa rin binibitawan ang kamay ko. Feeling ko tuloy ang ganda ko. Who would expect, right? This is Ronnie Alonte. Pinagkakaguluhan. At ngayon ay hindi kinahiyang hawakan ang aking kamay.


Parang sasabog na ako sa kasiyahang nadarama.


"Hoy Loisa! Ano yan?!" Napahinto kami ni Ronnie nang tinawag ako ni Maris. Patay! Hindi ko pa pala naikwento sa kanya ang nangyari.

Magsasalita na sana ako pero inunahan ako ni Ronnie. "Maris, mamaya na please." Hinagit na niya naman ako.


"Bes, kita tayo mamayang dismissal." Sigaw ko Kay Maris.


"Ano ba Ronnie, bat nagmamadali ka?!"


"Pake mo bang gusto kitang masolo?" Hindi ko inasahan ang isasagot niya. This guy really knows how to make me shut up. I hate his guts. So much. But I love his ways. In anything possible.



"Bat ka ganyan? Pabigla-bigla ka sa mga sinasabi mo."


"Halata ngang kinikilig ka eh." Sabay tawa niya. Kinurot ko nga! Bwisit na toh.


"Aray! Napakasadista mo talaga!!!" Inirapan ko na lang. Haha asar!


Pagpasok namin sa library, agad naming tinanong ang librarian kung ano ang pwede naming gawin at pinagpunas niya lang kami ng mga bintana.

Agad naman kaming kumuha ng basahan at sinimulan na ang pagpunas.

"Bakit mo nga pala ako hinintay?"

Tiningnan niya ako ng seryoso. Hayyy. Yang mga matang yan. Diyan din ako nainlove eh. Ang gandang mga mata. Sayang nga lang at hindi ako ang hinahanap-hanap niyan kundi si Sue. Pero sana... Sana balang araw ako na ang hahanapin niyan.

"Masama bang hintayin ang girlfriend ko?"



Ngumiti ako ng pilit.



"REBOUND girlfriend mo."



Bumuntong hininga siya. "Loisa, nag-usap na tayo tungkol rito. Diba sabi ko wag mo masyadong isipin na rebound ka lang kasi susubukan kong hindi ipadama sayo yun."




"Pero Ronnie, kapag bumalik na sa'yo si Sue? Ano tayo? Back to strangers?"



Hindi siya nakasagot. Haha tang ina. Oo nga naman. Kapag bumalik na si Sue, mawawala na ako sa eksena. As in wala.


"Eh paano kapag bumalik nga siya, pero iba na yung gusto kong makasama?"

Tiningnan ko siya na parang hindi makapaniwala sa sinabi niya. Talaga ba? Magiging posible kaya iyon? Marinig ko lang sa kanya balang araw na ako yung pipiliin niya, okay na ako. Sapat na sa akin yun. Ipaglalaban ko siya kahit sino pa ang humadlang.

I wonder what our relationship was. I'm afraid to ask. I'm fine with no label. I'm fine like this. I'm happy. He's too. I hope so.

-------------------------------------------------------------------------------------

I'm so happy about your feedback about this story. Love y'all 💜

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon