Chapter 31

2.2K 92 1
                                    

#IkawNaNga
CHAPTER 31

Loisa's P.O.V

"Talaga? Anong gagawin mo sa California?" Tanong ng adviser ko. Titig na titig pa rin si Ronnie sa akin. Kung makamamatay ang titig, kanina pa akong pinaglalamayan ngayon.

"Bakasyon lang po." Sabi ko sa kanya. Ayoko yung inuusisa yung personal ko na buhay.

"Wow. Oh sige, Andalio. Mag-ingat ka doon sa California." Sabi ng adviser namin.

"Ingat, Loisa."

"Loisa, pasalubong."

Sigaw naman ng mga kaklase ko. Nginitian ko lang sila at nung naglakad na ako para umupo, sinulyapan ko si Ronnie. I saw him clenched his jaw. Parang galit na galit siya. Tsss. Pake niya ba?

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at agad na umupo.


Dalawang oras ang first subject namin. Dalawang oras din akong walang sa sarili.


Agad akong lumabas ng classroom para sana magpunta ng Canteen nang may humila ng kamay ko at kinaladkad ako.



Bwisit!


"Ano ba?!" Sigaw ko kay Ronnie.


Hindi niya ako tinitingnan. Patuloy siyang naglakad habang mahigpit na hinahawakan ang kamay ko. I tried to get my hand but his grip was too tight!



"Ano bang trip mo Ronnie?! Bitawan mo nga ako!"


Di pa rin niya ako pinapansin hanggang sa namalayan ko na dinala niya ako sa soccer field. Walang tao at sobrang tahimik.


Binitawan niya yung kamay ko at tinulak ako sa pader habang kinulong niya ako sa kanyang mga braso.


"Ano?! Aalis ka na lang ng walang pasabi?! Aalis ka na lang pagkatapos ng nangyari?!" Galit na galit niyang sabi sa akin.



Tssss. Dalawang buwan lang akong mawawala ugok!



"Pake mo ba?" Taray kong sagot sa kanya.


Bigla siyang yumuko. Mga ilang segundo bago siya tumingin sa akin nang mapansin kong umiiyak siya. Fuck.


"Mang-iiwan ka na naman! Tang Ina Loisa! Bat mo ba ako pinapahirapan ng ganito!"


Hindi ako makatingin sa kanya. I feel so fucking guilty.


Nabigla ako nang hinawakan niya ang mukha ko at hinalikan ako sa labi. Agad ko naman siyang tinulak.


"Ano ba Ronnie! Baka may makakita sa atin!"


"Wala akong pake kung makita nila! Hayaan mo silang makita kung paano ko angkinin yung labi mo at idedeklara kong akin ang teritoryong ito."


Nag-iwas ako ng tingin dahil dinig na dinig ko kung paano naghuhuramentado itong puso ko.


Lumapit siya sa akin ang hinawakan ang kanang pisngi ko. Pinagdikit niya ang mga noo namin.

"I couldn't stand to see you walk away..." Malambing niyang sabi sa akin.


Pumikit ako dahil di ko kayang tingnan siya sa mga mata. Baka makalimutan kong galit nga pala ako sa kanya.


"Pwede mo bang ipangako sa akin ang isang bagay?" Tanong niya.


Tiningnan ko siya at tinaas ko ang kilay ko. Hinahaplos niya ang aking pisngi.


"Yung pag-asang tayo pa rin pagbalik mo. Kahit di man ngayon. Kahit kailan mo gusto. Basta tayo pa rin."


Ramdam na ramdam ko kung paano tumatalon yung puso ko sa saya. Yung kasiyahan na may halong galit. Pwede ba toh? Kaya kong ipangako yan, Ronnie.

Ikaw lang naman ang mahal ko Ronnie. Ikaw lang ang mamahalin ko.


Tinulak ko siya ng bahagya.


"Ewan ko, Ronnie. Ewan ko. Kung tayo, tayo pa rin hanggang sa huli. Pero sa ngayon di ko alam. Ang daming epal sa relasyon nating dalawa. Asikasuhin mo muna yang Julia mo. Sagabal siya."


Di ko na siya hinayaang makapagsalita pa at tumalikod ako agad para magpunta ng Canteen.

Nang malayo-layo na ang nilakad ko, para akong baliw na ngumingiti.


Oh my God! Kinikilig ako.


Bwisit na Alonte talaga.

------------------------------------------------------------------

Read, VOTE and Comment! It would mean a lot. Thank you! 💋

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon