EPILOGUE

3.5K 121 29
                                    

#IkawNaNga
EPILOGUE

RONNIE'S P.O.V.

Tandang tanda ko pa noong una ko siyang makilala. Ang kislap ng mga mata niya ay tila parang bituin na nagniningning. Ang tangos ng ilong niya. Mapula-pula ang kanyang balat at ang gandang tingnan ng kanyang mukha.

Sinadya kong iparinig sa kanya ang away namin ni Sue noon. Gumana naman ang plano ko. Napansin niya ako. Nakilala ko siya ng lubusan.

Simula noong nag enroll ako sa eskwelahang ito, siya na talaga ang una kong gusto. Yun nga lang, naunahan ako ng pagkatorpe kasi suplada din siya eh. Palagi ko siyang sinubaybayan. Hanggang sa dumating sa punto na niligawan ko si Sue para mapansin niya ako. Sikat kasi si Sue sa school namin kaya lahat ng magiging boyfriend niya ay sisikat din.

Yung ang tangi kong pag-asa upang mapansin niya ako at gumana naman ang plano. Hanggang ngayon, hindi niya alam ang lahat ng ito.

Pero simula noong una pa lang, si Loisa Andalio na ang nilalaman nitong puso ko.

Simple lang siya pero nabihag niya itong puso ko. Yung kahit mga simpleng ngiti at galawan niya ay kinikilig na ako. She's like my drug that I cannot resist. She's someone I am truly inlove with.

Sabi nga nila, "If it's meant to be, it will be." Tadhana na mismo ang gumawa ng paraan upang magkatuluyan kami. Maraming pagsubok na ang aming nalampasan ngunit nananatili pa rin kaming matatag.

Ayokong mawala siya sa buhay ko. Ayokong mawala si Loisa Andalio.


"Oy pare, handa na ba ang susuotin mo para sa kasal bukas?" Tanong sa akin ni Jon. Nasa hotel kaming magbarkada ngayon.

Tinanguan ko siya. "Oo bro."

Masayang nag-iinuman sina Zeus at ang iba ba pero di ako mapakali kasi hindi pa kami nagkita ni Loisa. Di rin siya sumasagot sa mga tawag ko.

Tanging isang text lang niya ang natanggap ko at ito pa ang laman.

'Wag ka ngang istorbo, Ronnie. Mag enjoy ka muna diyan kasama ang boys.'

Saklap, diba? Pasalamat siya mahal ko siya eh.


At dahil hindi ako makatiis, lumabas ako ng kwarto. Bigla akong sinita ni Jimboy.

"Oy Ronnie! Bawal nga kasi muna kayong magkita. Chill nga muna kayo."

Nagdadabog ako pabalik ng kwarto. Sus OA ng mga toh!


Sa totoo lang, gusto ko talagang palagi kaming nagkikita. Kaya nga kahit sobrang busy ng schedule ko, gumagawa talaga ako ng paraan para magkita kami kasi syempre, kung mahal mo ang isang tao, dapat mo talaga silang bigyan ng oras at iparamdam sa kanila na importante sila.

Masaya din ako dahil minahal din agad ng mga fans ko si Loisa matapos ang concert. Nagkaroon oa kami ng fan base na tinatawag nilang "LoiNie" sobrang solid nila. Natutuwa ako dahil pinapahalagahan nila ang taong pinakamahalaga sa buhay ko.


Kahit hindi man sinasabi ni Loisa, alam kong nagseselos siya kay Julia minsan sa mga guesting namin. Pero paulit ko pa ring pinapaalala sa kanya na scripted lang yun. Sinabihan lang kami kung anong dapat naming gawin upang kagatin ng masa at upang maging maayos din ang career ko.

Sobrang thankful ko din kasi napaka understanding ng girlfriend ko. Never kong narinig sa kanya kahit isang reklamo.

Paulit-ulit din niyang pinaparamdam sa akin na nandiyan lang siya sa tabi ko nakasuporta palagi. Siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay.

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon