Chapter 6

2.8K 73 3
                                    



#IkawNaNga
CHAPTER 6

Loisa's P.O.V.

Kasalukuyan kaming nandito sa sasakyan ni McCoy at tinatahak ang daan patungong Lime Club.

Pinayagan ako nina Mama at Papa basta't si Maris ang kasama ko at basta ihahatid lang ako pauwi. Yun nga lang, hindi nila alam na sa Club ako pupunta. Ang alam lang nila ay nasa bahay ako ni Maris. I feel so guilty.

Medyo kinakabahan ako. First time ko kasing pumunta ng mga ganitong party. Pinagsuot ako ni Maris ng tank top na white, high-waist shorts na black at tsaka Valentino sandals. Inayusan niya rin ako at kinulot yung dulo ng buhok ko. Medyo giniginaw nga ako sa suot ko eh! Ito kasing si Maris!


"Babe, pupunta ba si Ronnie?"

Alam kong sinadya ni Maris na iparinig sa akin yung sinabi niya! Nakakainis talaga 'to oh! Hindi naman ako nagpunta doon para sa Ronnie na yan!

"Ahh oo. Kasama niya si Sue."

Malamang. Girlfriend niya yun eh. Dapat lang talagang magkasama sila.

"Ahhh.. Hehe. Malapit na ba tayo babe?"

Ayan! Change topic kaagad Maris?!

Lumiko sa McCoy sa bandang kanan at naaninag ko na nga yung club na pupuntahan namin. Medyo magarbo nga talaga ang lugar at talagang pang mayaman.


"Nandito na tayo, girls." Sabi ni McCoy at bumaba siya para siguro pagbuksan si Maris.


Oh edi sila na nga ang may lovelife! -_________-

Pagbaba ko naaninag ko na maraming sasakyan ang nakaparada sa labas ng club. What do I expect, right? This party's hella expensive for sure!

"Pasok na tayo bes!" Sabay hila ni Maris sa kamay ko.

Agad akong sumunod sa kanila ni McCoy. Pagpasok namin sa club, naengganyo ako sa ganda nito. Maganda din sa pandinig ang mga music na pinapatugtog.

"Happy Birthday pare!" May nilapitan si McCoy at Maris na hindi masyadong mataas na lalaki. Pogi pero sa tingin ko mature na kasi may mga tattoo din ito.

"Thank you pre! Salamat sa pagpunta. Sino yang kasama niyo?"

Tiningnan niya ako. Nginitian ko. "Hello. Happy Birthday. Loisa Andalio nga pala. Bestfriend ng girlfriend ni McCoy."

Tinanggap niya ang aking kamay at ngumiti. "Salamat. Nice to meet you. Nikko nga pala. Enjoy kayo sa party ah."

Tumango ako at agad kaming nagtungo sa table ng mga grupo ng babae at lalaki.

"Uy McCoy! Guys. Nandito na sila." Sabi ng lalaki na medyo kulot yung buhok.

Nakipag shake hands si McCoy sa kanila.

"Ah guys. Kilala niyo na naman si Maris, di ba? Ipakilala ko sa inyo yung bestfriend niya. Si Loisa."

Hala! Bigla naman akong kinabahan. Andami nila!

"Jon nga pala." Ito yung lalaking medyo kulot yung buhok.
"Luke." Gwapo din pero mature.
"Uy! Ikaw yung sa gym diba? Sorry nga pala ulit. Zeus." Ah! Si Kuya Zeus!
"Jimboy." Medyo tahimik yung aura niya.
"Ryle." Okay lang. Medyo sosyal.
"Tom." Cute kasi medyo bulol

Nagpakilala din ako sa kanila at nginitian ko lahat. Nakakatuwa naman kasi mabait lahat. Lumipat ako sa bandang kaliwa sa grupo ng mga babae.

"Dawn nga pala." Wew! Sexy kahit medyo matured din.
"Devon." Filipina beauty.
"Riva." Nakaka goodvibes yung aura nito.
"Nikki." Medyo kalog
"Barbie." Parang barbie nga!
"Sammie." Cute!

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon