Chapter 16

2.5K 61 0
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 16

Loisa's P.O.V.


"Bes, kanina ka pa tulala diyan ah?" Yinuyugyog ni Maris ang balikat ko. Tamad ko siyang tiningnan.


"Okay nga lang ako, Maris."


Nagbuntong-hininga siya. "Ikaw bahala. Alam mo, simula nang makasama mo yang si Ronnie, parang feeling ko ang layo mo na sa akin. Diba, dapat no secrets? Ewan ko sayo. Diyan ka na nga." Naiwan akong tulala nang biglang umalis si Maris.


Hayyyy. Ano bang nangyayari sa akin. Bakit ako nagkaganito. Pati tuloy bestfriend ko nilalayuan na ako dahil sa epekto nitong lecheng pag-ibig na 'toh. Masyado na ba akong nagpapakatanga sa kanya?


Hindi kasi siya nagtext o tumawag man lang ngayon kung bakit lumiban siya. Oo lumiban siya at di ko alam kung bakit. Excited pa naman ako ngayon dahil may dinner date kami. Nangangamba tuloy ako kung matutuloy ba yung lakad namin o hindi.


Gusto kong maiyak. Parang feeling ko lahat ng taong malapit sa akin ay nawawala kung ipagpapatuloy ko pa itong nararamdaman ko kay Ronnie. Parang ang sakit niyang mahalin. Yung tipong hindi mo siya pwedeng mahalin nang hindi ka nasasaktan.


Nagalit na tuloy sa akin si Maris. Kasalanan ko toh eh. Masyado akong nagpapaapekto sa Ronnie Alonte na yan. Nakakainis siya. Parang control nya lahat ng emosyon ko habang ako, walang kasiguraduhan kung seryoso nga ba talaga siya sa akin o hindi.


Tiningnan ko ang aking relo at 5PM na. Isang subject nalang namin at dismissal na. Magkikita na kami. Siguro naman ay pupunta siya sa usapan namin diba? Sana.


Halos higit isang oras akong tulala sa aking pag-iisip na di ko namalayang tapos na pala ang last subject. Nakakalungkot. Wala akong kasabay pauwi. For sure, di ako papansinin ni Maris.


Tiningnan ko yung upuan niya at nakita kong wala na nga siya. No choice at uuwi ako ng mag-isa.

Sumakay ako ng jeep patungo sa bahay namin. Pagdating ko, agad akong naghanda para sa lakad namin. I checked my phone pero wala talaga. Ayaw ko namang maunang magtext baka istorbo lang.


So instead, I wasted my time on making myself look beautiful. Konting make-up lang din and I'm free to go.


Matapos ang halas dalawampung minuto, ready na ako. Bumaba ako galing sa kwarto.



"Saan ang punta mo?" Matalim akong tiningnan ni Papa. Oh shoot. Hindi nga pala ako nakapagpaalam.


"Yung babaeng kaibigan po namin ni Maris, Pa may birthday ngayon. Papunta ako sa bahay ni Maris para sabay na kami." Sinungaling ka Loisa.


He's looking at me intently as if he knows that I'm lying. Oh shit. Please say yes, Pa.


"Okay mag-ingat ka. Wag magpagabi ah." Wohoooo. Yes!


Nginitian ko siya at nagbeso sa kanya. Mabuti nalang talaga at may pinuntahan si Mama baka at tawagan pa nun si Maris.


When I got out of our house, I checked my phone pero wala pa rin. Ano ba 'toh. Nakakapanghina ng loob. Di niya naman siguro nakalimutan, diba? Sana nga dahil masasaktan talaga ako.


Pumara ako ng jeep papuntang La Vienne. Tiningnan ko ang oras at 6:40 na. 7:00 PM yung napag-usapan namin. Nandun na kaya siya?


Nung tumingin ako sa aking harapan ay mga matatandang mag-asawang sobrang sweet. Nakakatuwa naman panoorin. Parang ang saya lang nila na parang walang problema. Paano kaya nila kinaya yung mga pagsubok sa kanilang relasyon? Sana ganyan din kami ng mapapangasawa ko in the future.


"Para po, Kuya." Bumaba na ako matapos kong namataan ang La Vienne restaurant. Time check: 7:10 PM. Hala 10 minutes late na ako!!! Binilisan ko ang lakad at nagtungo agad sa nasabing restaurant. Woah. Ang ganda ng restaurant na toh. Talagang mamahalin. At tsaka magsyota talaga yung kumakain.



Iginala ko ang aking tingin at wala akong nakitang Ronnie na naghihintay. Baka natraffic lang siguro.



"Ahh good evening ma'am! Table for two?" Tanong nung staff.



"Opo. Table for two. Mamaya na po ako mag-order ha. Wala pa kasi yung kasama ko eh. Hintayin ko muna."



"Sure po. Please proceed to table 7 ma'am."



Agad akong umupo. Asan na kaya yun? Itext ko nalang kaya? O itawag?


Wag nalang baka istorbo lang ako.


Nag facebook muna ako at instagram para hindi ako ma-bored.


Maya-maya parang nakaramdam ako ng gutom. Yung ibang tao sa restaurant ay nagsialisan na. Dadating pa kaya siya? Tiningnan ko ang aking relo at 8:20 PM na. Halos isang oras na pala akong naghihintay.


Di ko kaya. Tatawagan ko na.


"Dialling Alonte...."

"The subscriber cannot be reached, please try again later...." Fuck. Naka off pa yung phone niya. Ano na kayang nangyari dun?


Maghihintay na lang muna ako. Kaya ko pa naman eh.


"Ah Ma'am. Wala pa po ba yung kasama nyo? We will be closing the restaurant at 9PM." Fuck. This time parang naiiyak na ako pero pinipigilan ko Lang. I don't wanna cry in public.

"Ahh hehe. Wala pa po eh. Hihintayin ko nalang po hanggang sa mag close kayo." Tumango yung staff pero parang nakikita kong naaawa siya sa sitwasyon ko.


Bullshit. Kung hindi siya pupunta, sana sinabihan niya ako para hindi ako magmumukhang tanga dito. Tang ina nya!


Nagbabadya na talaga yung mga luhang gusto kong pigilan pero ginagawa ko ang lahat para hindi ito lalabas.


Ang tanga ko. Masyado akong nagpapaniwala sa kanya. Pero sana naman wag niya akong pinapaasa kung ganito lang ang kadadatnan. SANA NAMAN AY WAG NIYA AKONG IWAN SA ERE.

40 minutes passed at wala talagang Ronnie na lumitaw. I felt so betrayed leaving the restaurant. Di pa nga ako kumain kakahintay sa kanya. Naghihina ang tuhod ko sa bawat lakad. Parang ang sikip sa dibdib at bigat sa pakiramdam.


Pumara ako ng taxi at doon na ako umiyak ng lubusan. Lumabas na lahat ng luhang kanina ko pa pinipigilan.


Bakit ganito? Yung tipong ang sakit sakit na at nahihirapan ka nang huminga. He didn't even care to contact and inform me! Because honestly, he doesn't care at all.


Sino nga naman ako diba? I'm just his side chick na kailangan niya lang kapag bored siya. Kapag papaselosin niya si Sue. Oo talo ako dahil ang bilis kong nahulog sa kanya. Pero kasalanan ko ba kung ito talaga ang sigaw ng puso ko?


From now on, I'll be wiser this time. I don't want to cry again. Ang sakit na. Ang sakit na talaga.

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon