Chapter 17

3.1K 68 7
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 17

Loisa's P.O.V.




🎵🎶 Pakisabi na lang na mahal ko siya, di na baleng may mahal siyang iba... 🎶🎵




At talagang nakisabay pa yung kanta sa taxi sa aking nararamdaman. Patuloy pa ring umaagos ang luha sa aking mata. Panigurado namumugto itong mga mata ko. Hindi muna ako uuwi sa amin at baka malaman pa nila Papa.




"Ah kuya.... Pwede muna sa McDo nalang po tayo."



Tiningnan ako ng driver. "Sge po Ma'am. Ah okay lang po ba kayo?"



Nahahalata niya sigurong umiiyak ako. I bit my lower lip. Mas lalo lang akong naiiyak kapag tinatanong akong okay lang ako eh.




"Okay lang po kuya."



"Kung pag-ibig man yan Ma'am, naku! Sa ganda mong yan kaya ka pang saktan?"



Natawa ako sa sinabi ni Kuya. "Hindi ako yung mahal Kuya eh. Panakip butas lang."



"Pumayag po kayong gawin kayong panakip butas? Naku Ma'am! Wag pong ganyan. Pinapahirapan niyo lang yung sarili nyo eh."


Ngumiti ako ng pilit. Ayoko ng pag-usapan at baka humagulgol pa ako rito.



Ano kayang ginagawa niya ngayon? Nakalimutan nga ba niya talaga yung usapan namin o sinadya niya talagang di pumunta?


Ang hirap naman ng ganito. Si Maris lang sana mapagsasabihan ko nito eh kaso galit din sa akin. Itext ko nalang kaya? Sobrang kailangan ko talaga siya ngayon. Bahala na.


Message to: Maris
Bes? Nasan ka? :( Kakapalan ko na mukha ko. Sobrang kailangan lang kasi kita ngayon :(

*message sent*


"Ma'am nandito na po tayo sa McDo."


"Dito na lang po tayo Kuya."


Agad akong kumuha ng pamasahe at lumabas na sa taxi. Mabuti nalang talaga at 24hrs itong McDo. Kakain muna ako.


I checked my phone.


1 new message
From: Maris

"Nasaan ka ngayon? Pupuntahan kita."


Naiiyak ako. Sobrang bait ni Maris. Yung bestfriend kong halos makalimutan ko na dahil sa Alonte na yan.


Message to: Maris

"Thank youuu :( Nasa McDo ako ngayon."


Nag-order muna ako para makakain. Kanina pa rin kasi ako nagugutom eh.


Umupo muna ako habang hinihintay yung order ko at si Maris.


Nag tweet ako sa twitter:

@iamandalioloisa: 💔


I'm not really expressive through words. Dinadaan ko na lang sa emoji. Nagpapasalamat din ako sa twitter dahil nagsilbi din itong diary ko.


Ewan ko pero napadpad ako sa account niya. May recent tweet siya! 8 minutes ago :(



@iamronniealonte: sana magustuhan niya yung gagawin ko bukas ☺️



Ano toh? Anong gagawin niya? Tsaka para kanino? My heart aches for the thought that he's doing it for somebody else.


Malamang hindi ikaw Loisa, di ka nga niya sinipot ngayon eh. Aasa ka pa bang para sa'yo yang tweet na yan?


IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon