Chapter 9

2.4K 63 0
                                    



#IkawNaNga
CHAPTER 9

Loisa's P.O.V.


"Gusto mo pa?" Sabay lahad niya sa akin ng chichirya. Nakaupo kami ngayon sa mismong lupa ng bundok. Ang ganda ng tanawin namin ngayon. Feeling ko tuloy parang nasa date kami.


Basta't ang alam ko tatlong bagay lang ang mahalaga sa akin ngayon. Ang oras, si Ronnie at itong tibok ng puso ko. Hindi ko pa rin lubusang maisip na aabot kami sa ganito. At nakakasama't nakakausap ko siya ng ganito.


Kumuha ako ng chichirya habang tinitingnan ang magandang tanawin.


"Sige na. Magkuwento ka na Ronnie. Sabi mo gusto mong may makinig sa'yo ngayon."



Nginitian niya ako at bumuntong hininga siya.


"Ganito kasi yun. Naghiwalay kami ni Sue. Hiniwalayan niya ako sa kadahilanang sobrang higpit ko raw. Tang ina! Ganito naman talaga ako sa kanya dati pa. Eh baka nga may iba na siya eh. Ako pa yung ginagawa niyang masama. Di ko kaya 'toh."


Napansin kong may mga luha nang lumalabas sa kanyang mga mata. "Di ko kaya 'toh Loisa. Mahal na mahal ko siya."



Ano ngayon Ronnie?! Ano ngayon kung mahal mo siya? Totoo nga bang mahal ka din niya? Nandito ako! AKO! Hindi kita sasaktan kagaya ng ginawa niya. Kung sana lang kaya kong sabihin sayo toh at ang itong nadarama ko.


Hinahod ko ang likuran niya. "Sige Lang. Ilabas mo yan. Nandito akong handang makinig sa'yo. Naiintindihan kita."


Tiningnan niya ako ng saglit at bigla akong nanigas nang yakapin niya ako. Hindi ako makahinga. Ang weird palang maging malungkot at masaya at the same time. Masaya dahil nangyayari ito pero malungkot dahil ibang tao ang rason. Niyakap ko rin siya dahil alam kong kailangan niya ng karamay ngayon.

"Salamat Loisa. Salamat." Pinunasan ko ang luha niya at parang nabigla siya.

"Ay sorry." Sabi ko.

Biglang natahimik kaming dalawa. Anu ba yan ang awkward!!!! Ikaw kasi Loisa eh!


"Uhmmmm Loisa...." Bigla niyang hinawakan ang kanang kamay ko

Tiningnan ko siya at ang tanging nakikita ko sa kanyang mga mata ay kalungkutan.

"Loisa, pwede mo ba siyang ibalik sa akin?"

Kasabay nang pagbigkas niya ng bawat salita ay ang mismong pagkadurog ng aking puso. Anong ibig niyang sabihin? Nasasaktan ako. Gusto kong umiyak pero hindi pwede. Hindi ako pwedeng umiyak sa harapan niya. Para saan? Para pagtawanan niya? Para kaawaan niya? Pero anong ibig niyang sabihin?

Teka nga. Gusto niya ba akong maging rebound girlfriend niya? Yun ba? Tang ina. Putang ina lang talaga.

--------------------------------------------------------------------------------

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon