Chapter 13

3.3K 79 8
                                    



#IkawNaNga
CHAPTER 13

Loisa's P.O.V.

"Loisa, anong problema niyo nitong kaibigan ko? Bat ang tahimik niyo?" Kanina pa akong tinatanong ni McCoy kung anong nangyayari sa amin ni Ronnie. Simula kasi nang matapos kaming kumain, hindi na kami nagkikibuan.




"Bakit? Okay lang naman kami." Dapat kaming maging okay dahil parang napakababaw na rason naman na mag-aaway kami dahil sa selos ko kay Sue. Hindi ako dapat magselos. Dapat kayanin kong hindi magselos dahil kahit kailanman, hinding-hindi ko siya mapapalitan sa puso ni Ronnie. At yun ang katotohanang kahit mahirap mang damhin, kailangang tanggapin.



"Hindi kami okay." Biglang sambit ni Ronnie na hindi man lang ako kayang tingnan. Kitang'kita ko ang emosyong nagbabadya sa kanyang mga mata. Parang halong kalungkutan, pagkadismiya, irita. Ewan ko sa kanya.


Tumango si McCoy na parang naiintindihan niya ang ibig ipahiwatig ni Alonte. "Sige brad, iwanan muna namin kayo. Mag-usap kayo ng maayos ah. Tsaka ilabas mo na lahat ng nararamdaman mo. Sabihin mo sa kanya bago pa maging huli ang lahat."



Anong ibig nilang sabihin? May alam ba si McCoy na hindi ko alam?


Hinawakan ni Maris ang kamay ko. "Loisa, ikaw din. Sabihin mo na lahat ng hinanakit mo. No secrets. Tsaka wag masyadong mataas ang pride. Iwan muna namin kayo."


Nginitian ko siya bago sila tuluyang nakaalis ni McCoy. Ewan ko ba kung magandang ideya 'tong pag-uusap namin gayung mainit pa itong mga ulo namin. Pero ahhh! Bahala na si Batman.



Nilingon ko si Ronnie pero hindi pa rin siya kumikibo. "Ano?! Tatayo lang ba tayo dito?"



Tiningnan niya ako ng masama. Wow. Siya pa itong may ganang magalit sa akin ah! Bigla niyang hinagit ang aking mga kamay.



"Ano ba? Saan mo ba ako dadalhin?" Hindi siya nagsalita at nagpatuloy sa paglalakad habang palinga-linga na parang may hinahanap.




"Ronnie! Bitawan mo nga ako!" I tried to get my hand but I just couldn't let go of his grip. Damn.



Para akong baliw dito ah! Hindi pa rin siya nagsasalita hanggang nakarating kami sa boutique ng mga jacket?! Huh? Bakit kami nandito?!


"Anong gagawin natin dito?" Hinilamos niya ang kanyang mukha na parang ang slow ko.


"Ano sa tingin mo Loisa?"


"Ano nga? Kaya nga tinatanong kita diba?!"


Lumapit siya sa akin at hinawakan ang magkabila kong braso pero marahan lang. "Hindi ako papayag na gagala tayo na ganyan ang suot mo kaya please, hayaan mo akong bilhan ka ng jacket kung ayaw mong makapatay ako dito sa mall ng mga lalaking titig ng titig diyan sa katawan mo."


Bigla akong namula sa sinabi niya. Parang ang kaninang lungkot na aking nadarama ay napalitan ng kasiyahan.


"Ayoko nga." Syempre pakipot muna tayo HAHA



"Please baby."


Nanlambot bigla ang tuhod ko sa mahinahon niyang pakikiusap. Agad akong tumalikod dahil baka mahimatay pa ako ng wala sa oras. Bwisit na Alonte. Alam na alam kung paano ako macocontrol.


Mabilis lang akong nakapili at ang binili niya ay isang black jacket. Parang matchy kami ngayon. Naka red sleeveless ako, maong shorts at black jacket. Siya naman, pink shirt, maong pants at white jacket.


IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon