Chapter 28

2.5K 60 1
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 28

"Pa, papunta na po ako diyan." Sabi ko kay Papa sa telepono. May family reunion kasi kami ngayon at may dinner sa bahay ng auntie ko. Sasabay sana ako kina Papa pero napagkasunduan namin ni Ronnie na ihahatid niya ako kaso may biglaang victory party daw sa management nila dahil naging successful yung pag endorse nila ng clothing line.

Pumatok din kasi ang tambalan nila ni Julia. Dahil na rin siguro sa mga pictures nila pero scripted naman. Hinayaan ko na lang ang mga fans nila na mag assume. Basta't alam kong ako lang ang mahal ni Ronnie, ako lang dapat.

"Mag tataxi na lang po ako. Opo. Sige. Ibababa ko na Pa. Bye." Mahirap talaga kapag ikaw lang yung nag-iisang babaeng anak. Sobrang higpit nila. Kailangan kunin yung plate number, update sa lugar na dinadaanan, magdala ng pepper spray. Minsan nakakairita pero naintindihan ko rin naman ang punto ni Papa dahil para din naman sa akin yun.


Simpleng white dress lang ang suot ko at naka valentino sandals. Konting make-up at kulot sa dulo ng buhok. Ayoko ng madaming arte sa katawan.


Ewan ko ba pero kanina pa ako kinakabahan. Di ko alam kung ano. Minsan kasi diba kapag kinakabahan tayo, may hindi magandang mangyayari? Wag naman sana.


Ayoko na ngang mag-isip ng kung ano-ano.


Matapos kong mag-ayos, sinigurado ko munang nakapatay lahat ng ilaw bago ko ni-lock ang gate.


Naglakad ako sa eskinita at agad pumara ng taxi. Medyo malayo-layo din ang bahay ng auntie ko sa amin kaya paniguradong malaki ang mababayaran ko.


Palinga-linga akong tumingin sa labas nang napansin kong may tumawag.


*Baby 💜 calling*


Napangiti ako. Bwisit. Agad kong sinagot ang tawag niya.


"Hello?"

"Nasaan ka na po?"


"Nakasakay na ako ng taxi."


"Ano plate number niyan?" Isa pa toh eh!

"Wag na."


"Ano nga?!"

"Nakakahiya naman kung sabihin ko, Ronnie. Tetext ko nalang mamaya."


"Okay po. Sorry talaga kung di kita nahatid."


"Okay lang! Ano ka ba. Tsaka isa pa, kailangan ka dun."


Napabuntong-hininga siya.


"Kailangan nga nila ako pero ikaw naman ang kailangan ko."

Kinagat ko ang labi ko. Bwisit na Ronnie. Alam na alam kung paano talaga ako pakiligin.


"I miss you, baby." Sabi niya ng malambing.


Ano ba!!! Naghuhuramentado na 'tong puso ko!


"Grabe ka! Kakakita lang natin kahapon."


"Pake mo kung miss na kita?" Iba din eh! Sweet tas biglang magsusungit!



"Sus! OA mo! Oh sige na. Ibababa ko na 'toh."


"No. Stay in the phone with me. I'm not hanging up until you get the hell out of that taxi." Shit.


"Bakit naman?"


"Wag na madaming tanong Loisa. Basta. Di ko ibababa ang tawag hanggang makarating ka sa kinaroroonan mo."


Biglang namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Oh my God.



IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon