Chapter 23

2.5K 56 1
                                    


#IkawNaNga
CHAPTER 23

"Uy Loisa! Bat mag-isa ka lang?" Naabutan ako ni Nikko na nakatayo habang para akong baliw na humahawak sa labi ko.

"Ahh hehe... Papasok na rin naman ako. Nauna na si Ronnie. Nga pala, ganda ng rest house nyo ah!" Pag-iiba ko ng topic. Nakakainis kasi tong si Ronnie eh! Naisahan na naman ako.

"Thank you. Mabuti at nakasama ka dito sa bday celebration ni Zeus. The more the merrier!"


"Oo nga eh. Sobrang excited ako." May tinitingnan siya sa likuran kaya lumingon din ako. Si Ronnie pala naglalakad patungo sa amin.

"Gusto mo makakita ng magic?" Bigla niyang tanong sa akin.

"Ha? Anong magic?"

Bigla siyang napangiti. Yung tipong ngiti na parang may masamang binabalak. Nakuuu! Isa pa tong si Nikko eh.


"Bilang ka ng tatlo ah. May mangyayari." Magsasalita pa sana ako nang bigla niyang hinawakan ang bewang ko at bumubulong siya sa akin. Sobrang lapit ng mukha niya.

"Oy Nikko! Ano ba!"

"Magbilang ka na. Bilis!"

Kahit labag sa kalooban ko, nagbilang ako para lang mapagbigyan yung trip niya.

"Isa."

"Dalawa."


"Tat-----"

*boooogsssh*


Hindi pa ako umabot sa tatlo ay tila parang isang bula na nawala si Nikko sa harapan ko at nakita ko na Lang siya na nakahandusay sa buhangin habang sinuntok siya ni Ronnie. Oh my God!


Tumawa si Nikko. "Sabi ko sayo eh, magic."


Napatakip ako sa bibig habang pinagmamasdan yung dugo sa kanyang labi.


"Ronnie ano ba!!!! Nababaliw ka na! Bat mo sinuntok yang kaibigan mo?! Ha?!"


Galit niya akong tiningnan at hinila niya ako papasok ng rest house.


"Oy pare peace tayo ah!" Biglang sigaw ni Nikko.


Di lumingon si Ronnie at patuloy lang siya sa paglalakad hanggang pumasok kami sa room 777. Eto ata yung naka assign na room para sa amin kasi nandito na lahat ng gamit naming dalawa.


"Loisa, sumosobra ka na! Nananadya ka ba talaga?!"

ANO?!

"Bakit ako?! Malay ko bang yun pala ang ibig sabihin na magic niyang kaibigan mo! Tsaka ikaw, masyado kang seloso! Pati kaibigan mo pinagseselosan mo? Baliw ka na ba?!" Di ko na napigilang sumigaw sa kanya.



"Paanong hindi magseselos? Hinayaan mo siyang hawakan yang bewang mo! Ang lapit pa ng mga mukha niyo! Tang ina naman!"



"Di ko nga alam kasi!"



"Anong hindi alam?! Kunyare ikaw nasa posisyon ko tapos makikita mo kami ni Maris na ganun ang ginagawa. Ano ikaw? Di ka magseselos?! Ha?"



Bigla akong napahinto sa sinabi niya. Am I too insensitive? Sarili ko nga lang ba ang iniisip ko? May point din kasi siya.



"Isipin mo naman yung mararamdaman ko, Loisa. Oo sabihin na nating patay na patay ako sayo dahil sobrang seloso ko. Yung lang ay dahil gusto ko akin ka lang! Ang akin ay akin. No one should dare to mess with what's mine." Pagkatapos niyang sabihin yun ay bigla nalang siyang nag walk out.



Hayyy. Away na naman. Tanga mo Loisa! Ngayon pa na first outing nyo toh!



Parang nawalan ako ng gana hanggang sa kinatok ako ni Maris sa kwarto agad ko siyang pinagbuksan at sinabi sa kanya ang nangyari.



"Eh gago ka pala eh! Syempre ganun magiging reaksyon ni Ronnie bes! Ikaw, masyado kang manhid eh!"



"Eto kasing si Nikko eh, may magic magic pang nalalaman."



"Hayyy naku Loisa! May kasalanan ka din dito kaya mag sorry ka dyan kay Ronnie!"


"Mamaya na bes pag malamig na ulo nun."


Nagkuwentuhan lang kami ni Maris hanggang sa nakaramdam kami ng gutom. Wala pa din kasi kaming lunch.


Napagkasunduan naming bumaba na muna para kumain.


"Uh-oh." Bigla akong napatingala sa reaksiyon ni Maris.


Nung nakita ko yung tinitingnan niya, parang biglang gumuho ang mundo ko. Parang ngayon nararamdaman ko na ang selos na nararamdaman ni Ronnie sa tuwing nakikita niya akong may kasamang iba. Parang nawalan ako ng ganang kumain. Ewan ko pero biglang naging masama ang pakiramdam ko.



Si Sue at si Ronnie masayang nag-uusap habang kumakain 💔

Invited pala siya. Bat di nabanggit sa Ronnie sa akin yun? Kung titingnan sila para ang perpekto. Kung wala ako, sila pa rin kaya hanggang ngayon? Kung hindi hiniwalayan ni Sue si Ronnie, siguro wala lahat ng ito. Bigla akong nakaramdam ng inggit.



Parang ang saya nilang tingnan habang nag-uusap. Parang extra lang ako sa istorya nilang dalawa.



"Oh? Wag mong sabihin napanghinaan ka na ng loob dahil lang dyan? Tara na, kumain na tayo." Hinila ako ni Maris kaya nakarating kami sa dining table.


Napansin ni Ronnie ang pagdating namin at bigla niya akong nginitian. Ha? Akala ko galit siya? "Loisa, Maris, kumain na kayo. Eto nga pala si Sue." Nginitian namin si Sue at ngumiti din siya. Ganda at parang mabait din. Kaya siguro baliw na baliw si Ronnie dito.


"Bago mong mga kaibigan, Ronnie?" Tanong ni Sue sa kanya.



Bigla akong kinabahan. Napalunok ako ng maraming beses.



"Ah oo. Mga kaibigan ko." Fuck. Biglang sumikip yung dibdib ko sa naging sagot niya. Mahal niya ako? Haha! Mahal my ass! Why would he deny me?


Biglang nahulog yung tupperware na dala ni Maris.



"Ay oops. Sorry. Pangit talaga gamitin nitong PLASTIC."



Nakayuko lang ako habang kumukuha ng kanin nang Di ko namalayang bigla na lang tumulo yung luha ko. Agad kong pinunasan ito. Nang lumingon ako kay Ronnie, napapikit siya. Parang nakita niya yatang umiiyak ako.



"Excuse me lang ah. Mag c-CR muna ako."



Agad akong pumunta sa kwarto at nagkulong. Pilit akong kinakatok ni Maris pero di ko siya pinagbuksan. I just wanna cry my heart out.



Pinaniwala niya na ako ang mahal niya pero bakit ganun? Kinakahiya niya ba ako o sadyang di lang siya sigurado sa nararamdaman niya? Baka naman at di lang ako ang mahal niya. O baka naman talaga na DI AKO YUNG MAHAL NIYA.



Ewan ko. Pagod akong mag-isip. Itulog ko na lang muna itong sakit.



-------------------------------------------------

IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon