Chapter 24

2.6K 61 4
                                    



#IkawNaNga
CHAPTER 24

Loisa's P.O.V.


Nagising ako dahil sa gutom. Di pa pala ako nag lunch. Umupo ako galing sa pagkahiga nang mapansin kong may pagkain ng tray sa lamesa sa gilid ng kama. May note din na naiwan.


Steak and rice yung nasa tray at may leche flan din tsaka tubig. Lalo tuloy akong nagutom.


Binasa ko yung note:

Baby, I'm sorry :( I'll explain to you everything when you wake up. Please eat this. Ayokong magutom ka.

- Ronnie

Sus! Sorry nya mukha nya! Matapos nya akong ideny sa harap ng ex niya, magiging sweet siya bigla? Abnormal ba siya?! Mas moody pa siya kesa sakin eh!


Ewan ko sa kanya! Bahala siya! Di ko sana kakainin tong pagkaing hatid niya kung di lang talaga ako nagugutom eh!


*bzzzt* *bzzzt*

Kinuha ko yung phone ko dahil may nagtext. Tiningnan ko kung sino.


1 new message
From: Maris

Bes!!!! Ano ba!!! Gumising kana dyan! Nandito kami ngayon sa may tabing dagat! Agaw eksena si Sue bes nag two piece dito habang nag volleyball 😡 Ihanda mo na rin dyan yung two piece mo dahil handa na yung sakin! 😉😉 Text me kung gising ka na dahil rarampa na tayo 💁🏻


Ewan ko ba kung maiinis o matatawa ako sa text ni Maris. At talagang nag two piece talaga yang Sue na yan ha?! Ibalandra ba naman yung katawan niya. Pero sige! Nanghahamon eh noh?! Di kita uurungang babae ka.


Nagtitipa ako ng irereply kay Maris.

To: Maris

Gising na ako. Puntahan mo ko sa room namin at sisimulan na natin ang pag rampa 👸🏻


Agad na nagreply si Maris

From: Maris

HAHAHAHAHA maldita oh! 😂 Coming na bes 😉


Agad kong tinapos ang pagkain ko at tiningnan ang mga swimsuit ko na dala. Una kong nahablot yung black na two piece ko kaya ito nalang siguro yung gagamitin ko. Wala talaga sana akong planong magsuot ng ganito eh, nagdala lang ako in case kung kailangan na talaga at di naman ako nagsisi na dinala ko 'toh.


Pumunta muna ako ng CR at sinukat ang black na two piece na dala ko.


Tiningnan ko yung katawan ko sa salamin. Daaaaamn. Parang di ako. First time kong magsuot na ganito kasexy!


Medyo kampante at confident naman akong suotin toh.

Umiikot-ikot ako sa harap ng salamin hanggang sa bumukas yung pinto sa kwarto. Hala! Dali-dali akong kumuha ng tualya.


"Sino yan?" Sigaw ko.


"Can we talk?" Shit. Bat ngayon pa.



Ahhhhh!!!! Istorbo tong Ronnie na toh!



"Pwede ba lumabas ka muna!!! Magbibihis ako! Tsaka mamaya na tayo mag-usap. Wala ako sa mood!"



"Loisa, please. Buksan mo tong pinto!



Halaaaaa! Wala pa naman akong dalang damit dito sa loob ng CR!



"Nagbibihis nga ako! Lumabas ka na!"




IKAW NA NGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon