Kath's POV
Nasa school café kami ngayon at nakatambay lang. Kanina pa nila kami kinukuhanan ng picture ah. At yun namang makakapal ang mukha, tumatabi pa sa amin at tsaka magseselfie without our permission. Palagi nang nangyayari 'to pero di pa rin ako masanay sanay.
"By the way," lahat kami napatingin kay Lily. Nagtype siya sa phone niya. "Open our gc. Phia already told me and Liam to tell what we saw yesterday." Binasa namin ang nandon. They're childhood best friends and were in a reunion? Is that guy Paul Williams?! What a coincidence. Why do I feel like there's something more in their meeting?
Nahagip ng mata ko si Phia na binubully ng group of girls pero walang ginagawa si Phia at parang wala sa sarili. Lalapit na sana ako kaso pinigilan ako ni Jack.
"You'll only make it worst. We can't do anything."-Jack.
"Meron naman tayong pwedeng gawin ah, ang manuod." pambabara ko.
"Hahaha, very funny." tumingin ako kila Lily and Hails. Mukhang pinipigilan din nila ang sarili nila.
"Anong meron sayo at pinapansin ka nila? Are you some kind of FC girl? O binayaran mo lang sila ng malaki para tulungan ka? Pa-asthma asthma attack ka pa diyan. Inaabuso mo ang kabutihan nila. Feelingera." ang harsh non ah, masasapok ko yang babaeng yan ha. Biglang lumapit si Abegail sa mga umaapi kay Phia. What is she going to do now?
"At anong karapatan mong awayin ang nerd na ito?" natakot ata yung babae. "Ako lang at ang grupo ko ang pwedeng mambully sa kanya. Alam nyo naman siguro na ang mambully sa nerd na ito ay ibubully namin, gusto nyo bang maging katulad ng kahihinatnan nya?"
"H-hi-hinde." nanginginig na sabi nung babae. In fairness kay Abegail ha.
"Ano pang ginagawa nyo rito? Shooo!" nagmamadaling umalis yung mga bruha. "Hey, nerd, follow me." sumunod naman si Phia kay Abegail. At dahil sa curiosity ko, susundan ko sana sila pero may pumigil na naman sa akin.
"Where are you going?"-Jack
"I'm going to find answers, don't stop me."
"Sinong may sabing pipigilan kita? Sasama ako sayo, nakakacurious kasi yang si Phia eh."-Jack.
"Sama rin ako."-Lily. At sa sumama na nga ang lahat. Umalis kami ng café at sinundan ng palihim si Phia at Abegail. Medyo nahirapan kaming sundan sila kasi halos lahat ng mga mata nila ay nakatutok sa amin. Kailangan pa naming mag-ala James Bond. Pumunta sila sa rooftop, sinundan naman namin sila. Nagtago kami sa isang sulok.
"You should stop this Phia."- Abegail
"The plan must be finished but not now. Malapit na akong matapos, wag kang mag-alala."-Phia
"But Phia, hindi ko gustong makita kang sinasaktan ng mga bruhildang yon. And you already had an asthma attack. You don't know how much I wanted to follow you that time." may biglang sumulpot na lalaki. "Ay palaka!"
"The handsome prince frog kamo. Kiss mo ko baka sakaling bumalik ako sa pagiging handsome prince mo." Sabay pout nung lalaki. Teka si Clark yun ah.
"Tse! Manahimik ka nga dyan! Okay back to the point, let's finish this NOW."-Abegail
"Masyado ka namang excited Ate." May biglang sumulpot na pusa sa likod ko kaya't napasigaw ako. "Who's there?"
"Wala pa ngang knock knock nag-who's there agad." Bulong ko na narinig naman ni Lily.
"Kath wag muna ngayon, pano tayo makakalusot nyan?"-Lily
"Uhm..Guys?" sabi ni Hails kaya napalingon kami sa kanya. "I think they found us." Napatingin ako kila Phia na nakatingin na ngayon sa amin.
YOU ARE READING
Forgotten Plan
Teen FictionFirst story ko po ito sa wattpad. Hope you like it! Common love story about teens. Sophia Anderson is a superstar. She disguised as a nerd because of her plan. She wants to get revenge but she forgot about it. Anong mangyayari kapag naalala na nya l...