Chapter 14

5 0 0
                                    

Jam's POV

Ano kayang magawa ngayon? Matawagan na nga lang si Phia. Kinuha ko ang cp ko at tinawagan si Phia.

[The number you have dialed is not available. Please try again later.] Mapuntahan na lang kaya sa kanila? Sabado naman ngayon eh.

Pumunta na ako kila Phia. Pinapasok naman agad ako ni manong guard. Pinarada ko na yung kotse sa parking nila at lumabas ng kotse. Nagdoorbell ako. Pinagbuksan naman ako ng isa sa mga katulong nila.

"S-sir James. Wala po dito si Ms. Sophia, lumabas po kanina."

"San daw nagpunta? Yayayain ko sanang lumabas eh."

"Hindi po sinabi sa akin."

"Ah, sige, thank you na lang." tumalikod na ako at pumuta sa kotse ko.

"Sir James!" lumingon ako at nakita ang maid na nakausap ko kanina.

"Bakit?" hinabol muna niya ang hininga niya bago nagsalita.

"Mawalang galang na pero, pwedeng layuan mo na si Ms. Sophia?" kumunot ang noo ko at nagtaka.

"Why?"

"Pinapasabi lang po ni Sir Rence."

"Nandyan ba si Kuya Rence? I'll talk to him."

"Kanina pa pong umaga umalis si sir Rence para pumunta sa trabaho. Ibinilin niya po sa akin na kapag pumunta kayo dito, sabihin ko raw sa inyo yon. Di ko lang po alam kung bakit. Aalis na po ako." umalis na yung maid at naiwan ako ditong nagtataka. Bakit naman sasabihin yon ni kuya Rence?

Sumakay na ako sa kotse ko at umalis na. Makapunta nga muna sa park para mag-isip isip.

Pagkadating ko sa park, ipinarada ko yung kotse ko sa tabi. Bababa na sana ako ng kotse pero may nakita ako. Si Phia ba yon at si....ba't nandito siya? At bakit magkasama si Abegail at Clark? Ba't magkakasama silang lahat? Tapos ang saya-saya pa nila. Nakita kong lumapit sila Lily at Liam. Oh, bakit nandito yung dalawa? Nag-usap sila Lily at Phia. Maya-maya, tumayo na yung apat at umalis na. Sumakay silang lahat sa isang kotse at umalis na. Sinundan ko naman sila.

Sinundan ko sila hanggang sa nakarating kami sa mansion nila Phia. Ipinasok ko na din yung kotse ko. Bumaba na silang lahat sa kotse, bumaba na din ako. Nagulat naman silang lahat nung makita ako, except Phia.

"Why are you with them?"-me

"Reunion?"-Phia

"Reunion? What for?"-me

"We're childhood best friends. Ngayon lang ulit kami magcecelebrate ng reunion dahil nakauwi na sa wakas si JP (short for John Paul)." Umakbay naman si Paul kay Phia. Sarap basagin ng mukha.

"Hello there James, nice to meet you again. If you're here to ask Phia for a date, I'm sorry dude, we're going to celebrate our reunion and you're not invited." Sinuntok ko siya kaya napahiga siya sa sahig. Inalalayan agad siya ni Phia, tsk. Mahina lang yung suntok ko eh.

"James, stop being aggressive."-Phia

"How can't I? It's obvious that he's taking a chance on you. What kind of boyfriend wouldn't be jealous?"

"Kung manggugulo ka lang dito, mas mabuti pang umalis ka na lang. Break na tayo di ba James? Stop acting like you're my boyfriend, stop acting like you're deserving for me. I know everything James, you're such a bastard." Parang nadurog ang puso ko sa sinabi niya.

"I thought we're still in a relationship. You've been cold, then sweet, then cold again. I can't understand you Phia, stop playing with my feelings."

Forgotten PlanWhere stories live. Discover now