Chapter 20: Secrets of the past

7 0 0
                                    

Buried secrets are yet to be dug by the shovel of truth

Ang korny non

Gail's POV

Nandito ako ngayon sa bahay namin at iniisip kung ano ba yung reason kung bakit ginawa ni Phia yung plan na yon. May kumatok sa pinto ko.

"Bukas."-me. Pumasok naman si mom.

"Gail iyo ba ito o kay Phia?" tiningnan ko kung anong hawak ni mom. Isang diary. Kinuha ko yon kay mom at tiningnan itong mabuti.

"Kay Phia ito mom. Ibibigay ko na lang sa kanya mamaya, may pictorial pa sila ngayon ih."-me

"Bakit naman kaya nasa attic yan? Gail bumaba ka lang kapag gutom ka na ha, aalis kasi ako."-mom

"Sige mom, bye." Umalis na si mom. Nagtaka ako sa diary na 'to kasi akala ko ang diary ni Phia ay yung Diary na natagpuan ni mom 3 months ago. As far as I remember, ang nakalagay na title sa front page ng diary niya non ay Diary, 2nd part, the reasons why. Mala 13 reasons why ang peg ah. Binuklat ko na lang yung diary na ang title naman ay Diary, high school.

1st day of my life in high school

Excited na ako! 1st year na ako, ano na kayang magiging buhay ko? I hope I'll meet true and good friends. As usual, palagi kong suot ang nerdy glasses ko.

Mahirap pala kapag gusto ka ng ilang lalaki sa class nyo, inaaway ka ng mga kaklase mong babae. Buti na lang pinagtanggol ako ni Katherine, Lily, at Hailey. Naging mga kaibigan ko din sila James, Liam, Jackson, at Caden na kabarkada nung tatlo.

Simula pa lang pala non, kaibigan na ni Phia yung mga babaeng yon. Ipinagpatuloy ko lang ang pagbabasa ko, hanggang sa...may nabasa akong di ko matanggap. Bakit? Bakit hindi niya sinabi sa amin?

Napaiyak ako habang binabasa ko yon. Hindi ko na kayang basahin yon. Isinarado ko ang diary ni Phia. Phia....

"Gail, sasabay ka ba sa akin? Sabi mo kanina, magkikita kayo ni Clark? Gail, are you, crying?" napatingin ako kay mom. Niyakap ko si mom.

"Mom..." nalaglag na yung diary na hawak ko.

Dear Diary,

Ang sakit palang maloko. Sila Lily, Kath, at Hailey na akala ko naging totoo sa akin, niloko lang ako, pinaglaruan. Ang sakit sa puso. Akala ko, mahal ako ni James, pero, pinagpustahan lang pala nila ako. Sila ang may gawa kung bakit hindi ako nakapasok nung nagaudition ako sa mga clubs sa school, sila ang dahilan kung bakit ako pinagtatawanan araw-araw ng iba. Sila ang dahilan kung bakit hindi ako nanalo sa pagkapresident sa school namin. Pero kahit ganon, kahit alam kong niloko nila ako, kinaibigan ko pa din sila kahit pinaplastikan lang nila ako. Ano ba ang ginawa ko sa kanila at tinatrato nila ako ng ganito?

Dear Diary,

Isang araw, isinugod ako sa ospital, inatake kasi ako ng asthma ko, kahapon lang ulit bumalik iyon, muntikan na nga daw akong mamatay ih. Hindi ko sinabi sa family ko ang totoong dahilan kung bakit ako inatake ng asthma ko. Noong araw na yon kasi, dinala ako nila Lily at nila James sa likod ng school. Sinabi nila sa akin ang mga panloloko nila. Kahit alam ko na noon pa di ko na lang sinabi na alam ko yon. May biglang dumating nung araw na yon, grupo ng mga lalaking nakacoat and tie. Sila yung mga pinagutangan ng family nila James. Tumakas sila, ipinagbenta nila ako. Mga walang-awa yung mga nakacoat and tie na yon. Dudukutin na nila sana ako para gawing sex slave pero nanlaban ako.

Napikon sila at napagod sa kakasuyo sa akin kaya sinbukan nila akong pwersahin. Binugbog nila ako, kahit babae ako wala silang awa, kahit sumuka na ako ng dugo at inatake ng asthma ko, wala pa rin silang awa. Laking pasalamat ko ng dumating si Clark, at JP, kasama ang barkada nila. Binugbog nila yung mga nambugbog sa akin at agad akong dinala sa ospital. Sinabi ko kila Clark at JP na wag na nilang sabihin sa family ko ang nangyari. Sila James, sinabi nilang sila ang tumawag kila Clark at JP pero hindi naman yon totoo. Hindi ko na napigilan si Clark at JP, binugbog na nila sila James at sasaktan pa sana sila Lily buti na lang napigilan nila ang sarili nila. Lumipat na lang ako ng ibang school sa ibang bansa. May araw din sila sa akin. Ilang months akong nagstay sa ospital ng dahil sa kanila.

Forgotten PlanUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum