Iniwan sa Unit
Hindi ako makatulog...Wala na yung pinapahalagahan ko..nawala na yun ng ganong kadali.... Iyak ako ng iyak...
Tiningnan ko tong nasa tabi ko. Sarap ng tulog ng kupal na 'to.
Tumingin ako sa wallclock. 4:23 am na. Unti unti akong kumalas mula sa pagkakayakap niya sa walang damit ko na katawan.
Hinanap ko yung mga damit ko. Nakita ko na punit na yung blouse ko .. nakita ko yung palda, at mga undies ko , sinuot ko. pumunta ako sa kabinet niya at kumuha ng t-shirt. Wala akong pake alam kung magalit siya..
Mahinahon ako na lumabas sa unit niya. Lagot ako nito kay Lauren. Si Lauren , kaibigan ko siya rin ang kasama ko sa inuupahan naming bahay.
Umuwi akong lakad kahit ang sakit ng ano ko. Pagkauwi ko tulog si Lauren sa sofa..siguro iniitay niya ako. Sorry Lauren..
Umakyat ako sa kwarto ko ...... Maya maya may kumatok sa pinto.Si Lauren.
"Lau--"
"Ashy bakit ngayon ka lang?? Ok ka lang ba??" alalang tanong ni Lauren.
"Lauren ..Ok lang ako.Sorry kung inantay mo pa ako" Ofcourse i lied.
"Sigurado ka? sige uhmm handa na yung Agahan bumaba ka na ha." Tumango lang ako tapos umalis na siya.
Pagkatapos ko gawin ang mga daily routine ko pumasok na ako. kaya ibig sabihin makikita ko na naman si Drew.
"Ashy!" Tumingin ako kung sinong tumawag saakin. Si Austin.
"Ashy Ok ka lang ba? sinaktan ka ba nung gag0ng yun??" Tanong ni Austin.
"Uhm yah. ok lang ako" pilit akong ngumiti.
"Sorry ha hindi kita naipagtangol kay Drew..alam mo naman--"
"Austin ok lang .." No one can dare Drew Rendel Evasco Willsmith. aka DREW di ko alam kung galing yun sa first name niya o by initial. Kinakatakutan dahil may sa gangster / bad boy type rin siya. Mayaman kaya kahit anong gusto nakukuha.
Nakita ko sila Drew kasama yung mga kabarkada niya.
"Sige na Austin pupunta pa akong library hindi ko pa kasi nagagawa yung sa research. sige bye na"
Tumango naman siya at umalis na ako. Nasa may bandang likod yung library katabi ng stock room.
Nasa may tapat na ako ng stockroom nang may biglang humigit saakin, sinandal sa pader at kinulong niya ako gamit yung braso niya.
"Bakit mo ako iniwan sa unit ko kaninang umaga?" Kitang kita sa mata niya na naiinis siya.
BINABASA MO ANG
Hit and Run
FanfictionMaraming tao ang nainiwala sa 'Destiny' 'Sign' 'Meant to be' kahit nga yung sa 'Flames Hope' pero kung yang tandhana na yan ang magiging dahilan ng Pagdapa ng buhay mo noon at ang kaligayahan mo noon...Do you still accept him? Do you still love him...