Chapter 7

30 0 0
                                    

Paano na yan

Pakatapos kong magligpit ng pinagkainan namin. Punta na agad ako sa kwarto ko para magpalit ng damit , May work pa ako. Pagakalabas ko ng kwarto ko.

"Oh ashy saan ka pupunta gabi na?" Paano to, anong sasabihin ko kay tita.

"Uhmm. Tita sa work po."

"Ashy you didnt have to work. Remember Im here to support you ok?" Nilapitan ako ni Tita

"Pero tita.."

"Ashy Ayaw kong nahihirapan ka, Please magresign ka na sa work mo, Nandito kami ni Drew, Aalagaan ka namin.." Ok alam ko naman na aalagaan niya ako pero pagdating kay Drew? Hell No!

"Tita kasi nahihiya po ako sainyo .."

"Please?" Ok fine

"Sige po tita, Pupunta lang po ako doon para mag paalam" Sabi ko.

"Gabi na wait sasamahan ka ni Drew. Drew! Samahan mo si Ashy sa Work niya!"

"Hala tita wag na po kaya ko naman po eh"

"No gabi na babae ka pa naman din baka mapahamak ka" Bigla naman dumating na si Drew.

"Anak paki samahan naman siya sa work niya kasi mag re-resign na siya, Wag mo siyang aawayin" Sana nga tita.

"Oo na ma, Tara na Ashinya" Nauna na siyang lumabas.

"Sige tita bye po" Lumabas na ako nakita ko na naghihintay na saakin si Drew. Nakita naman niya ako kaya pinagbuksan niya ako ng pinto.

Pagkapasok ko pumunta na siya sa may driver seat. Shet siya ang mag drive Ayaw ko pa mamatay!

Ni-start niya yung engine, at nag drive na.

"May tarbaho ka pala? Saan ka nag tatarbaho?" Pagsisimula niya.

"Sa 7 11 diyan lang sa malapit.."Walang gana kong sagot.

"Ahh kamusta ka naman doon? lagi ka bang pagod? Anong oras ka naauwi?" Hindi ko siya sinagot, Hinahayaan ko lang siyang dumaldal diyan. maya maya ..

"Ashinya Sorry uli--" May nag text saakin. Si Lauren.

From: Lauren

Best sorry di na ako nakapag paalam ng personal sa yo. Umuwi na ako sa province namin , tumawag kasi si Kuya na stroke raw si tatay. Kaya matatagalan rin ako bago ako makabalik diyan, Ayun lang ingat ka best luv u.

Hala naman balak ko panaman sanang idahilan si Lauren para makaalis na ako sa bahay nila Drew, Paano na yan..

To: Lauren.

Sige best, ingat ka rin diyan, magsabi kalang kung kailangan mo ng tulong ko ok luv u.

"Ka text mo na naman yung nerd na yun?" Bat ba ang daming tanong nito.

"Ashinya?!" Sigaw niya saakin dahil hindi ko siya sinagot.Napatingin ako sa kaniya.

"Ano?! hindi! ok?!"

Nasa may tapat na kami ng 7 11 kaya bumaba na ako at padabog kong sinarado yung pinto nung kotse.

Hit and RunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon