Karen Evasco
"Bakit mo ako iniwan sa unit ko kaninang umaga?"
"Bakit may dahilan ba akong manatili pa doon pag katapos mo akong gahasa--" Bigla niya akong hinalikan. Tinulak ko siya.
"Pwede ba tigilan mo na ako! At kung pwede rin wag ka nang magpakita saakin!" Nagtangka akong umalis pero hinarangan niya ako. Nakakainis ka na!
"Akin ka na! Akin ka lang Ashinya! Hindi ako titigil dahil mahal kita" Gusto ko na umalis kaya sinipa ko yung ano niya. yung paa niya.
Kalokohan Drew, Dahil kung mahal mo ako hindi mo sasaktan, Hindi mo ako pagsasamantalahan!
Nagmadali akong pumunta sa Classroom.
"Miss Ashinya you're late!" Sabi saakin ni Ma'am.
"Sorry ma'am..."
"Nasaan ang research paper mo?" Patay! ..... Dahil sa wala akong research paper Pinarusahan pa ako, ako ang pinaglinis ng buong classroom. Take note ako lang magisa.
Nung natapos na ko. Hay kapagod. Nung palabas na ako ng School nakita ko na sa main gate sila Drew at yung mga kabarkada niya.
Kaya doon ako dumaan sa back gate ng school para makaiwas sa lalaking yun.
Pumunta na ako sa 7 11 doon ako nagtatarbaho Tuwing gabi. Papunta na ako sa Isang stand para ayusin yung mga Tinda doon ng may nabangga ako.
"Sorry po" Tinulungan ko siya nalaglag yung mga pinamili niya. Wow mga chocolates.
"Sorry ri-- Ashinya?" Napatingin saakin yung babae mukhang nasa 40-50 years old na..Uhm Sino siya?
"Uhmm hi? Paano ninyo po ako nakilala?" Clueless ako.
"Ashinya kaibigan ako ng mama at papa mo.." Kilala niya si mama at papa?? .....
Dahil wala panamang masyadong nabili Nakipagkwentuhan muna ako kay Tita Karen.
Siya yung babae kanina , Best friend ni Mama at Dating katarbaho ni papa nung nabubuhay pa sila.
"Ashinya.." hinawakan niya yung kamay ko.
"Nangako ako sa mga magulang mo nung burol nila na aalagaan kita hanggat kaya at nabubuhay ako...alam kong nahihirapan ka sa buhay mo dahil wala ka nang kapamilya , tumatayo ka sa sarili mpng mga paa" Anong ibig sabihin niya?
"kaya kung sasama ka saakin , Tutulungan kita, Pagaaralin at aalagaan kita..."
Naalala ko si mama sakaniya.
"Tita..." Hindi ko alam ang isasagot ko.
"Don't worry iha..Iintayin ko ang sagot mo ok? Tawagan mo nalang ako ito Calling card ko. Sige ingat ka Ashinya" Binigay niya yung calling card niya , bumeso at umalis na.
Gulong gulo ako, gusto kong sumama sa kaniya pero parang ayaw ko...
Tiningnan ko yung Calling Card.
"Karen Evasco."
BINABASA MO ANG
Hit and Run
FanfictionMaraming tao ang nainiwala sa 'Destiny' 'Sign' 'Meant to be' kahit nga yung sa 'Flames Hope' pero kung yang tandhana na yan ang magiging dahilan ng Pagdapa ng buhay mo noon at ang kaligayahan mo noon...Do you still accept him? Do you still love him...