CHAPTER 2 "THE BOOK"

59 0 0
                                    

Pagtingin ko sakanya unang nahagip ng mga mata ko ang mapupula niyang labi. Hindi ko napansin na si "MONIQUE" pala yun nabalik ako sa wisyo at nakaramdam ng inis. Nahawakan ko kasi ang kamay niya.

Binitawan ko ang kamay niya sabay alis at hinanap sila kyle.

Kanina habang hawak ko ang kamay niya may dumaloy na kuryente patungo sa buong katawan ko.
Bakit kaya??

KEIRA MONIQUE LEE

Umalis si blaze na may mukhang nainis sa pangyayari. Aaminin ko nasaktan ako, okay lang sanay nako.
Sino ba naman kasi ang hindi masasanay lagi kang nasasaktan. Ikaw ba naman ang mareject lagi hindi ka ba masasaktan? Pagtatanungin ko siya kung pwede akong nakipagkaibigan sa kanya sasagutin ka niya nang, hindi ako nakikipagkaibigan sa mukhang hayop. Aaminin kong napaiyak niya ako sa ganong sagot niya.

Inis pa nga sakin yun hindi ko alam kung bakit laging naiinis sakin yun. Meron akong naririnig na chismis tungkol sa pagkainis sakin ni blaze.
Dahil daw sa maarte ako, dahil daw ang lakas nang bibig ko kesyo masungit daw ako kesyo pangit daw ang ugali ko kesyo wala daw akong manners at marami pang-iba. Lahat naman yun parang hindi ako. May mga nagsasabi na mabait daw ako, walang arte sa katawan, may respeto sa kapwa tao. Sabi pa niya na hindi ako pinalaki nang maayos nang parent ko kung alam niya lang kung paano nila ako pinalaki at denisiplina, paano sila makitungo sakin. Buhay ko punong puno nang sakit kung alam niya lang. Dadalawa lang kami nang yaya ko sa bahay na yun tapos hindi ko pa laging nakikita.

Nagtungo ako sa mga ballpen. Mahilig ako sa mga ballpen lalo na sa mga sign pen hobby ko kasi ang maglettering at magdrawing. Bumili ako nang tatlo na gagamitin ko sa eskwela at ilan sa mga pandrawing ko. Pampalipas oras lang kasi yun pagboring sa kwarto o kaya naman sasayaw at kakanta nagbakasyon kasi ang mga kaibigan ko kasama ang pamilya nila sa iba't ibang bansa kaya wala akong makasama maggala. Ako naman ay nagbakasyon sa korea akala ko nga makarelax ako dun hindi pala pinagtraining lang naman ako nang tatay ko kung paano magpatakbo nang bussines namin duon after one month bumalik na ko nang pilipinas.

Nakakuha na ako nang binder binayaran ko na iyon at nagtungo sa iba't ibang chocolate boutique mahilig ako sa sweet pero hindi naman sobra minsan minsan lang pagstress mamaya magkasakit pa ako nang diabetes sa kakain nang matamis. Matapos yun ay nagtungo naman ako sa isang shop nang mga breads bibilan ko si manang kadalasan kasi ay kape at tinapay lang ang meryenda niya minsa ko lang siya ilibre sa mga coffee shop kapag kasama namin yung anak niyang bunso na 12 years old, four years lang ang tanda ko sa kanya.

Matapos kong bilin ang mga tinapay na iuuwi ko ay nagtungo nako sa parking lot at nagmaneho pauwi. Nang makarating sa bahay ay agad akong nagtungo sa kusina naabutan ko duon si manang na naghuhugas nang mga pinagkainan namin kanina. Bumati lang ako saglit sakanya at nagtungo nako sa kwarto ko, pagaaralan ko na lahat nang mga magiging lesson ko sa school.

SKY BLAZE PARK

Naiinis ako na nahawakan ko ang kamay niya. Oo tama hindi pa ako nakakaget over sa nangyari kanina. Tama naiinis ako sa kanya at alam kong alam niya yun.
Ang arte arte niya kasi ang sungit pa kala mo laging may kaaway. Wala pang manners kung kakausapin mo naman siya sisigawan ka naman akala mo kung sino. Minsan pa nga tinanong niya ako kung pwede daw ba siyang maging kaibigan ko isinagot ko sa kanya na hindi ako nakikipagkaibigan sa mukhang hayop. Oo sinagot ko siya nang ganon dahil sa nakikitang personality niya kaya ko siya sinabihan nang ganon.

Pero bakit parang gusto ko siyang halikan. Yung mapupula niyang labi.
Teka nga lang bakit ko ba iniisip to. Bakit may dumaloy na kuryente sa katawan ko kanina. Dati wala naman, wala akong ganoong nararamdaman kinakamayan ko kasi lahat makikita kong transferee sa school at minsan naman ay inaaya naming lumabas kaya ako sumikat dahil sa gawaing ganon mapalalaki o babae ay aayain namin sa bar pero siya tinanggihan niya at ayaw din ni zayne akala ko nga boyfriend niya at hindi nga ako nagkamali kasi ihinahatid pa niya sa bahay nila at nakikipagbeso pa.

"Hey babe, are you listening?" Tanong ng babaeng katabi ko. "Sino nga ba to nakalimutan ko na ang pangalan niya"

"Sorry your saying?" Nakalimutan ko kasama ko nga pala ang babaeng to.
" Sino nga ba to" teka naalala ko si erica, sa damidami ba naman ng babaeng nakaflirt kona mahirap ng makaalala.

"Ang sabi ko! What destination you wanna go for a vacation." Pag-ulit niya sa sinabi niya.

"Babe, I think I want to again in palawan." Pagsagot ko sa tanong niya.

"Why palawan?'' Patatalong niya ulit.

"Lots of memories I want to go back for." Muli kong sagot.

Dati kasi masaya kaming naglalaro ng ate ko doon. Kami ni ate angelique.
Very close kami nagpupunta kami duon one week before the first day of school.

Kaya lang nasa korea na siya with our parents, helping to run our bussines.

Matapos akong makipag hangout sa kanya ay sinundan ko naman sila zayne sa bar nila kieffer.

"Oh blaze bakit ang tagal mo?" Tanong ni kyle. Grabe tong gagong naunahan pa ako kakahatid ko lang sakanila kanina ah.

"Pasensya na may ginawa lang." Sarcastikong sagot ko. Hindi ko ginagawa ang mga iniisip niyo. Kahit kailan wala pa akong naka one night stand rule nang tropa yan hanggang halik at hawak lang kami wala pa kaming ginagalaw.

"G*go ka ano yung ginawa mo?" Alam ko na iniisip nito eh kahit alam niyang bawal samin yun.

"Lul alam mong bawal satin yan diba?" Sa aaming lahat si kyle ang pinakamakulit pero pagnagmahal yan sagad.

"Hoy, iba yung sinasabi ko ang ibig kong sabihin ay nakipagdate nakipagflirt kung saan. Ikaw ata green minded eh." Wow napakagaling niya ang galing niya mambaliktad nang sitwasyon. Hindi ko nalang siya pinansin. Haggang may lumapit saming grupo nang babae at walang ano ano'y umupo ito sa kanlungan namin.

"Hey there lover boy." Pangaakit sa wika niya. Nakasuot ito nang damit na halos lumuwa na ang dibdib at sobrang ikli at halos nakikita na yung undergarment niya. Idinikit niya pa sakin yung dibdib niya. Ayoko nang ganon kahit na babaero ako gusto ako parin ang gumagawa nang unang move. Itinulak ko siya paalis sa kanlungan ko.

"Miss dun ka nga muna naasiwa ako sayo!" Inis na wika ko sa babae umalis naman ito at inirapan ako.

"Anong ginawa mo?" Tanong naman ni kieffer.

"Ayoko nang ganon. Masyadong malandi wala bang medyo sensitive masyadong madikit hindi naman ako uhaw para isubsub niya dibdib niya sakin. Gusto ko ako gumagawa nang move hindi siya.

Napadako naman ang tingin ko kay white at nakitang tuwang tuwa ito sa pinaggagawa niya. Nawalan na ko nang gana uuwi na ko. Tumayo na ako at akmang aalis na.

"San ka pupunta?" Tanong ni phoenix.

"Uuwi na nawalan na ko nang gana." Sagot ko at umuwi na habang nagdridrive ako biglang pumasok sa isip ko si monique. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa sistema ko at nagpunta ako sa tapat nang bahay nila. Nang matauhan ako ay umuwi narin ako at natulog.

---------------------------

TO BE CONTINUED


My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon