CHAPTER 31 Stop 💔

18 0 0
                                    

Keira Monique Lee

Hindi pa sumisikat ang araw gising na ako. Excited ako dahil unang beses na susunduin ako ni blaze dito sa bahay. Maligalig akong bumaba nang hagdan para tulungan si manang na maghanda nang agahan.

"Oh ang aga mo ata ngayon?" Masayang wika ni manang nang pasayaw sayaw akong pumasok sa kusina.

"Maaga lang pong nagising. Tulungan ko na po kayo."

Masaya akong nagluto ng sunny side up at iba pang agahan para sa mga tao dito sa mansyon. Sa sobrang saya ko ay napapakanta at napapaindak pa ako sa saliw ng musika dulot ng radyo na pinaaandar ni manang sa umaga para makinig ng balita.

"Ako na ang tatapos niyan, keira. Maligo kana sa taas at baka malate ka sa eskwela." Lumulundag akong nagpaalam kay manang at tumungo saaking kwarto para mag-ayos ng sarili.

Sa sobra ligalig ay halos maalis na ata ang balat ko sa sobrang pag-iiscrub. Matapos maligo ay isinuot ko ang aking uniform saka naupo sa harap ng vanity mirror.

Kaunting ayos ng mukha at buhok lang ang ayos ko para sa araw na 'to at halos ipaligo ko ang aking pabango dahil sa sobrang pagka-excited.

Halos pampa-impress kay blaze ang nasa isip ko ngayon umaga at mas ikinatutuwa ko ang ideya na susunduin niya ako.

Muli ay bumaba ako sa dining area para mag-agahan. Alas sais na kaya kailangan kong bilisan baka kasi dumating na si blaze maya maya.

Matapos akong mag-agahan at maghanda naupo ako sa sofa pero ilang minuto na akong naghihintay pero walang blaze na dumarating. Unti unting nalusaw yung kaninang sobrang saya at excitement na nararamdaman ko.

Di na maipinta yung mukha ko nang pumatak ang alas syete, napagdesisyon kong pumasok nalang dahil alam ko sa sarili ko na hindi na darating pa yung taong hinihintay akong parang naghintay ako sa wala.

Sakay ng kotse ay halo halong emosyon na ang nararamdaman ko. Nagagalit ako dahil pinaasa niya ako, at naiinis at disappointed ako sa sarili ko dahil umasa ako sa mga sinabi niya, nakalimutan kong Casanova nga pala sila.

Dulot ng kuryosidad hinanap ko siya nang makarating ako sa school, nakita ko kasi ang kotse niya sa parking.

Parang alam ng paa ko kung saan ko siya makikita kasi dinala ako nito sa secret garden. Hindi ako nagkamali dahil nandirito nga siya.

Pero agad na pinilipit ng sakit ang dibdib ko nang makitang nakayakap ang isang babae sakanya at mas may isasakit pa pala ang nararamdaman ko nang makitang hinalikan niya ito sa noo.

"Blaze!" Mahinang usal ko. Napahawak ako sa bibig ko habang isa-isa ng nagbabagsakan ang mga luha ko. Aalis na sana ako ngunit nanlambot ang aking tuhod saaking narinig.

"I love you," usal nung babae.

"I love you too." Malambing niyang usal pabalik. Lalo akong napahagulgul. Pinigilan kong wag umiyak ng sobra dahil baka atakihin ako ng hika ko, nagawa kong patahanin ang sarili ko. Naglakad ako palabas ng secret garden nang maramdaman ko ang paninikip ng hininga ko.

Tumatakbo at umiiyak ako umalis ng secret garden at tumungo sa classroom. Lumapit saakin ang ilang nga kaibigan ko at saka ako niyakap.

"Why? What happened?" Tanong ni zayne but instead of answering him, I continued to cry.

"Here drink some water. Ano ba kasing nangyari?" Jhianne asked when I stop crying.

"N...." The bell rung and right on time blaze came into the room. He's smiling from ear to ear and his happiness disappeared when he sees me staring at him.

"Keira? How can you be here? I thought you're in the secret garden with me." Gusto kong magulat pero hindi kayang iproseso ng sistema ko ang lahat at ang tanging laman lamang ng isip ko ay nagsisinungaling siya.

Naupo sa kanyang upuan sa tabi ko at patuloy na nagpapaliwanag. Bingi ako sa paliwanag niya at wala akong maintindihan sa sinasabi niya ang alam ko lang ay nasaktan ako dahil umasa ako.

"Would you please shut your mouth. Save the explanation blaze I dont need it." Napuno nang gulat ang mga nata niya dahil sa sinabi ko. That caught him of guard.

Lumipas ang maghapon na para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Masakit ang nangyari dahil alam naman ng lahat na matagal na akong may gusto kay blaze at matagal akong umasa na magkakagusto din siya saakin. Akala ko totoo yung mga sinabi niya, akala ko lang pala.

"Uuwi na ako!" Walang buhay kong sabi at tumungo deretsong lumabas nang classroom. Di pa ako nakalalayo nang biglang may malakas na nagmura at nang gagaling iyon sa aming classroom. Hindi ko nalang iyon pinagtuunan pa nang pansin at lumakad patungo sa parking lot kung saan naroroon ang kotseng ginamit ko.

I am suffocating while driving on the way home. I decided to stop by at a small covenient store, ice cream will do calm my hyperventilating heart. Sumandal ako sa ref kung saan nakalagay ang mga ice cream at ilang mga frozen goods at doon kinain ang ice cream na binili ko.

Di ko mapigilang mag-isip kasi sabi nang iba matalino naman ako pero bakit hindi kayang gumana nang talino ka sa mga bagay gaya nito? Bakit pag dating kay blaze napakatanga ko? Bakit?

Kusang tumulo ang luha ko na agad ko naman tinuyo dahil nakakahiya sa mga taong pumapasok sa tindhanang ito. Baka kung anong isipin nila pero wala naman akong pakialam sa sasabihin ng mga tao dahil hindi naman nila nararamdaman o hindi naman sila ang nasa posisyon ko para husgahan ako, wala silang alam.

Habang lunod sa iniisip di ko namalayang ubos na pala ang kinakain kong ice cream. Iyong stick nalang pala ang kinakagat kagat ko. Napagpasiyahan kong umalis na nang makasalubong ko sila blaze. Hindi ko malaman kung tatakbo ba ako o magtatago, ayaw ko siyang makita.

Akmang lalakad ako palayo nang tawagin ako nito. Bumuntong huminga ako bago ko siya harapin.

"Keira, I-" Pinutol ko ang dapat sana ay sasabihin niya. "Stop blaze," Nangunot ang noo neto. "What? What do you mean stop?"

"I want you to stop courting me." Bigla ay napuno nang pag-aalala ang mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin dahil parang nilalamutak ang dibdib ko.

"What? No! I wont do that." Mariin akong umiling.

"I heard you! You love her. Stop playing with my feelings, blaze. I heard you, I was there! You kissed her. I am not a fool, I know what I saw and I know what I heared."

"I thought it was you." Gulat akong napanganga sa sinabi niya. Me? Tanga ba siya?

"How can it be me? You said that you will fetch this morning but you never did show up." Natahimik siya.

"I do said that but-" 

"I don't wanna hear another word from you. You are not a man of your words and that's enough reason for me to stop you from courting me." After that I left. It suffocates me and it hurts by the fact that he lied.

Pakiramdam ko tuloy ay dinadahilan niya lang na ako iyong humalik sakanya. Blaze kissed me once at alam kong alam ni blaze kung anong pakiramdam ng labi ko. Hindi ko matanggap na nakikita niya ako sa ibang babae and that hits me. Blaze is a casanova, nothing change.

Nagkamali ako na inisip ko at umasa akong magbabago siya dahil sakin, hindi pala.

To be continued

---------------------------

Alam ko childish! Sorry na. Di pa kasi tapos yung editing.

Lovelots.

-Jia

My Arrogant PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon